chapter 17

12 4 2
                                    

Title: Goodbye

Hawak ko na ang handle ng maleta ko habang naka-tanaw ako sa labas ng bahay namin.

Susunod na ako kay mama sa Terimiah. Semestral break na namin at doon na din ako magta-transfer

Masyadong malungkot ang ala-ala ko dito sa Yienta.

Sinabi ng teacher namin na pinull out na ng parents ni Lauv ang mga documents nya sa school pero walang valid reason.

Naaalala ko sya sa alin mang sulok ng school kaya mas pinili kong doon nalang sa Terimiah ipagpatuloy ang high school ko.

"Tara na Tin, nasa labas na si Kaizer." Tumayo na si Manda sa sofa namin. Ihahatid nila ako sa airport ngayong araw.

Hindi ko rin narinig ang salitang 'bakla' sa kanya.

Kinuha ko ang maliit na wallet sa bulsa ko at binasa ang nakatatak doon.

Madam

Tinahak ko na ang pintuan at lumabas na doon.

I'm completely devastated right now. Ni hindi ko na alam ang ginagawa ko at ang mga desisyon ko.

Pinanghahawakan ko lang ay mahal ko si Lauv at sobra akong nasaktan sa nangyari sa kanya. Hindi pa namin alam kung wala na ba talaga sya.

Aalis lang ako sa Yienta para tuluyan na syang kalimutan at mag-move on nalang.

Hinatid ako ni Manda hanggang sa makapasok na ako sa loob ng airport. Marahan ang bawat lakad ko kumpara sa mga lakad ng iba na halos magmadali na.

Mabigat ang loob ko habang inaalala ang iiwan ko dito sa Yienta.

"Tin!" Nilingon ko ang isang bulto na tumatakbo palapit sa akin.

Ang una ko lang na nakita ay si Drake na tumatakbo palapit sa akin. Nakangiti sya at may dalang isang backpack.

"Saan ka pupunta?" Tanong nya.

"Sa Terimiah, doon na ako mag-aaral." Simpleng sagot ko sa kanya.

"What a coincidence! Doon na din ako mag-aaral dahil naayos na ang bahay namin doon." Di na ako masyadong nakapag-react sa sinabi nya nang mag-announce na.

"Sabay pa pala tayo?" Ngisi nya habang nilalakad na namin ang papunta sa eroplano.

Inayos ko ang buhok ko na medyo pinayid ng hangin kanina.

"Oo nga."

Sa totoo lang, gusto kong layuan nalang sya at manahimik sa tabi. Pero ayoko namang maging rude sa kanya.

Malayo ang upuan sa akin ni Drake. Nasa tabi ako ng bintana at nakahalukipkip.

Ni hindi ko na nga maramdaman ang lamig at takot ko sa eroplano dahil sa malalim kong pag-iisip.

Ang tanga tanga ko, ni hindi ko alam ang nangyari kay Lauv. Ni hindi ko sya nadamayan o naabutan man lang. Wala akong kwenta.

Pumikit ako ng mariin at sumandal ng tuluyan. Dinadama ko ang lamig ng aircon at ang bigat ng loob ko.

I will leave everything here at babalik ako kapag dumating na ang pagkakataon na kaya ko ng harapin ang mapait na bahagi ng buhay ko.

For now, goodbye Yienta.

Bahala NaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon