Title: Partner
Di nagtagal ay inaya na din ni Kaizer si Manda na nakaupo lang sa tabi ko. Nag-aalala pa syang tumingin sa akin pero ngumiti lang ako ng tipid.
Di nya din napansin ang luha sa pisngi ko dahil sa madilim na ilaw doon.
Umalis sila at naiwan ako doon mag-isa. Nasa point na ako na gusto ko nalang tumakas at iwan sila dito pero magmumuka lang akong bitter kapag ginawa ko 'yon.
Halos three minutes na ay wala pading Lauv na dumadating. Nanlalamig na ang kamay ko at di ko mapigilan ang pag-hikbi. Awang-awa na ako sa sarili ko!
Mabilis akong tumayo doon at naglakad palayo pero agad din akong napabalik sa hinakbangan ko nang may humila sa braso ko.
Mukang nagmamadali sya sa pagpunta dito. Magulo pa ang pagkaka-necktie nya at hinihingal pa.
Pinilit nyang ngumiti kahit pakiramdam ko ay pagod pa sya.
"Bakit ka aalis agad?" Sa boses nya palang ay nakompirma ko na.
Hindi darating si Lauv.
Si Drake ang kasama ko dito. Sya ang humawak sa braso ko.
"I'm so sorry.. ako muna ang partner mo." Aniya.
Sumunod ako sa kanya habang hawak nya ang kamay ko papunta sa mga nagsasayawan.
Tumigil kami sa may gitnang parte at nilagay nya ang kamay ko sa balikat nya.
Nakangiti sya sa akin at bumaba naman ang tingin ko sa necktie nyang magulo. Binaba ko ang kamay ko sa necktie nya at ako na mismo ang nag-ayos nun.
I know how to do it. Kase bata palang ako noon ay ako na ang nagaayos ng necktie dati ni dad.
"Nasaan sya?" Tanong ko habang naka-focus sa inaayos ko.
Di sya umimik saglit.
"I just know that he will not able to come here tonight." Iyon ang narinig kong sagot galing sa kanya.
"Let's just dance, Tin. Hindi bagay sayo ang malungkot. Ang ganda mo pa naman." Hindi ako makangiti o makatawa sa sinabi nya.
May naaalala akong isang tao.
Lauv..
Pumikit ako ng mariin at tumango nalang. Nilagay ko ulit ang kamay ko sa balikat nya at bahagyang lumapit sa kanya.
Naiiyak na ako. Hindi ako sinipot ni Lauv! Nang manghina na ang kalooban ko ay niyakap ko na sya habang nagsasayaw kami sa malumanay na musika.
Tumulo na ang luha ko sa tuxedo nya. Natigil sya saglit pero hinayaan nya akong umiyak sa balikat nya.
Bakit kung kailan ko na sya minamahal, tsaka naman nya ako di sisiputin? Wala man lang syang paalam sa akin o texts man lang.
Nakakainis sya!
Humagulhol na ako at naramdaman ko ang paghigpit ng hawak sa akin ni Drake.
"I know you love him so much. You don't deserve a guy like him Tin." Narinig kong sabi ni Drake habang nakayakap sya sa akin.
"You deserve to be loved."
Wala na akong maisagot sa sinabi nya. Wala na yata akong paniniwalaan sa mga taong nakapaligid sa akin.
Ang alam ko lang ay mahal ko si Lauv at iniwan nya akong naghihintay sa kanya.
Masama ang loob ko pero di ko naisip na magmamahal pa ako ng iba bukod sa kanya.
Kung di na sya magpapakita sa akin, bahala na.
Bahala na ang buhay ko. Basta mahal ko sya.
Di nagtagal ay napagod na kaming mag-sweet dance doon. Magulo at malakas na music naman ang tunog.
Malakas ang tawanan nina Manda sa may dance floor dahil nag-sayaw na naman ng corny si Reign.
"Hataw pa!" Sigaw ni Manda at natawa ulit sila.
Nangingiti lang ako habang panay ang inom ko ng juice.
"Hey." Umupo si kuya Ivan sa tabi ko. Kapatid sya ni Manda.
"I just have a news for you." Bumaling ako sa kanya.
"Si Lauv.." aniya.
"Hindi ba ay sya ang partner mo?" Tanong nya.
"Sana kuya kaya lang di sya nakarating e." Kalmado kong sagot sa kanya.
"I think you need to know about this." Seryosong sabi nya.
Ano ba yun?
