chapter 3

17 5 0
                                    

Title: Si Lauv

Umuwi na ako ng maubos ko na flyers ng agad agad. Ni hindi ko na nahintay ang pagsasarado ng cafe.

Tamad kong hinubad ang sapatos ko at umupo sa sofa.

"Nak! May sulat galing sa school! Malapit na pala ang prom ninyo?" Sumilip si mama galing sa kusina.

"Saan ka ba galing?" Tanong nya sa akin.

"Nag-trabaho po ako mama. Diba may pinapirmahan ako sa inyo kahapon? Di nyo binasa?"

"Aba! Malay ko bang totoo pala yun?" Umirap ako sa hangin sa narinig ko sa kanya.

Alam na alam ko na kung kanino ako nag-mana.

"Di ako aatend. Wala naman akong kapartner e." Sabi ko at tumayo na doon.

Pumasok ako sa kwarto ko at ini-open ulit ang laptop ko.

"Hala!" Nakita kong halos maubos na ang reserved na ticket!

Jusko, bakit naman?!

Huminga ako ng malalim. Naiiyak na ako. Bakit ba ako pinanganak na mahirap?!

Tss..

Tumayo na ako at binagsak ang katawan ko sa kama. Grabe talaga! Nakakapagod!

Tapos paubos na yung ticket?!

Nakatulugan ko na ang pagiisip ng grabe.

"Whuy! Bakla!" Si Manda agad ang tao sa bahay nang makababa na ako sa salas.

"Ikaw ha! Iniwan lang kita kahapon, may lovelife kana! Sino yun? Ano daw pangalan?" Ha? Tinaasan ko sya ng kilay.

"Anong lovelife ka dyan?! Anong pinunta mo dito?" Inis kong tanong.

"Whoa! Chill ka lang! Bakit? Break na ba kayo? Bakit ang init ng ulo mo?" Huminga ako ng malalim at umupo sa tabi nya.

"Mauubos na yung ticket." Miserable kong sabi sa kanya.

"Ahh.. sige tara na." Tumayo na sya.

"Maaga ang pasok natin ngayong araw." Sabi nya pa.

"Okay tara. Di na ako kakain."

Nang makarating na kami sa school ay si Reign agad ang sumalubong sa amin.

"Mga bakla! Anong isusuot nyong gown sa prom?" Nakangisi sya sa amin na ipinagtaka naming parehas ni Manda.

"Parang may sapi sya ngayon.." bulong sa akin ni Manda nang magkatabi kami sa paglalakad.

"Kilala ko yung kasama mo kahapon, madam!" Nagulat ako sa biglang pag-akbay sa akin ni Lauv nakangiti sya sa akin at kitang kita ko ang diamond earring nya sa kanang tainga nya.

"Huh? Anong kilala? Sino?" Nalilito kong tanong.

Tumingala sya na para bang nakakapagod akong kausap.

"Si Drake! Yung pinsan ko!" Ngisi nya sa akin. Drake? Yung tumulong ba sakin kahapon?

"Kasama ko yun e. Iniwan nalang ako tapos nakita ko kayong magkasama. Di ko nalang kayo pinuntahan baka masira diskarte nya e." Kumunot ang noo ko sa mga pinagsasasabi ng mokong na ito.

"Lauv.." tawag ko.

"Yes love?" Inirapan ko sya sa sinagot nya sa akin.

Lauv almost sounds like Love.

Jusko!

"Tss.. alisin mo nga yang braso mo!" Natatawa nyang inalis ang braso nya sa balikat ko pero hinawakan nya naman ang kamay ko.

"Grabe madam! Alam mo bang--

"Tss! Tigilan mo ako Lauv ha! Wag mong ginaganyan ang kamay ko!" Sigaw ko sa kanya.

Tumawa lang sya.

"Parang love na yata ang naririnig ko." Tumawa ulit sya at sinabayan ako sa paglalakad.

Nakakainis talaga!

NANG matapos na ang klase namin ay nagpaalam na si Manda na kakain daw sila ni Kaizer sa labas. Si Reign naman ay nagkukumahog na umalis nang may mag-text sa kanya.

Si Trisha? Malamang kasama na naman ni Ashton.

Tss.

"Madam!" Nakasalubong ko na naman si Lauv sa corridor. Kakalabas nya lang ng classroom nila.

"Oy." Bati ko pabalik. Ngingiti-ngiti na naman sya.

Sya na talaga ang kilala kong laging good mood bukod kay Manda.

"Tara kain na tayo." Ngisi nya sa akin. Aba nga naman.

"Libre mo ba?" Tanong ko.

"Oo naman! Dapat di pinagbabayad ang babae! Ikaw naman madam, anong akala mo saken, walang pera?" Inakbayan nya na naman ako.

Di ko nalang sinaway alam ko namang di nya ako titigilan.

Sya palang ang boy best friend ko dito sa school. Kaibigan ko na sya since grade four. Magkapitbahay kase kami dati kaya naging mas close pa kami.

Maraming nakaka-crush sa kanya mula noon pa man. Minsan, kinakaibigan ako ng mga babae para mapalapit kay Lauv.

Pala-ngiti sya at medyo playboy pero spoiled na spoiled nya ako. Grabe sya kapag may kailangan ako, supportive din kapag may contest akong sinasalihan.

Sobrang swerte ko dito sa mokong na 'toh.

"Madam, ipapakilala kita kay Drake." Sabi nya habang ngumunguya.

"Bakit naman? Wag na." Agad kong sagot sa kanya. Halos pagtinginan kami ng mga katabi namin dahil sa famous sya.

"Teka lang madam, kuha lang ako ng tubig." Paalam nya sa akin ng medyo mabulunan na sya. Natawa ako ng mahina sa itsura nya.

"Look at what we have here." Nilingon ko si Theo na nakangisi sa akin. Kinabahan agad ako.

Sya yung lalaking malaki ang galit sa akin noon pa man.

Langya naman! Bakit dito nya pa ako naabutan?!

"Theo, kumakain ako." Malamig na sabi ko sa kanya.

"Oh? Ano naman?"

"Antayin mo muna akong mabusog. Pagod na pagod na ako." Ngumisi sya lalo at tinaasan pa ako ng kilay.

Napaka-presko talaga nito! Nakakagigil!

"Anong akala mo saken? Maaawa sayo?" Tinaob nya ang tray na nasa harap ko at natapon iyon sa sahig.

Natahimik ang canteen at ang iba ay nag-singhapan.

Shit naman! Wag dito!

Yumuko sya at pinantayan ang tainga ko bago bumulong.

"Anong akala mo? Makakalimutan ko ang ginawa mo sa kapatid ko noon?" Nararamdaman ko na ang galit nya.

"Hindi ko kasalanan iyon!" Laban ko sa kanya. Hinawakan nya ang balikat ko nang sagutin ko sya.

"Pare.." natigilan sya nang dumating si Lauv na naka-lagay ang isang kamay sa bulsa at isa naman ay may hawak na bote ng tubig.

"Tigilan mo na yan. Talagang di lang ka-gwapuhan yung kapatid mo kaya na-basted ng madam ko." Kalmang pangiinsulto ni Lauv kay Theo.

Susuntukin na sya ng Theo ng matalisod sya sa pananadyang pagtakid ni Lauv sa kanya.

"Wag mo muna akong suntukin may laro pa kami mamaya." Sabi pa ni Lauv at hinigit na ako patayo at palayo doon.

"Lauv! May klase pa ako!" Sigaw ko sa kanya.

"Oo sige na nga Love." Baling nya sa akin.

Talaga namang!

Bahala NaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon