Title: Cold Prom
Nakahawak ako sa phone ko habang kasabay ko sina Kaizer at Manda sa kotse. Nasa driver seat si Kaizer at magkatabi naman kami ni Manda sa likuran.
"Wala ba talaga syang texts sayo?" Bulong sa akin ni Manda. Naka-gown na kami parehas at papunta na kami sa school.
Umiling nalang ako. Gusto ko nang maiyak sa nararamdaman ko ngayon. May mabigat na pakiramdam sa dibdib ko na di ko maipaliwanag.
"Don't worry, baka naman mapapakiusapan ko si kuya Ivan na partneran ka muna mamaya-
"Wag na Manda, okay na ako sa table. Baka dadating naman sya." Mapait kong putol sa kanya.
"Kai!" Sigaw ni Manda sa tahimik na si Kaizer.
"Hmm?"
"Di ba kayo nakakapag-usap ni Lauv? Bakit ba kase ang shuga shuga ng lalaking yun?" Sabi ni Manda at humalukipkip.
"We're not close babe." Yun lang ang sinagot sa kanya ni Kaizer.
Huminga ng malalim si Manda sa tabi ko. Mukang mas stress yata sya kesa sakin.
"Hay, wag nalang kaya tayo umattend ng prom? Mukang boring din naman kasama itong jowa ko e." Aniya.
"Tss.." bulong ni Kaizer nang maiparada nya na ang sasakyan sa may parking.
Naglalakad na kami papunta sa main venue nang maharangan si Kaizer doon.
"Dude, we need your help. Nagkaproblema yata ang audio natin." Mga ka-school councillor iyon ni Kaizer.
Tumango sya sa mga sumalubong sa kanya at nagpaalam kay Manda.
"Mukang tayo nalang dalawa ang magsasayaw mamaya."
Pinuntahan namin sina Trisha at Reign kasama sina Ashton at Theo.
Kumunot ang noo ko kay Theo. Ang epal na 'toh? Bakit sya nandito?!
"Dyan ako." Masungit kong sabi sa kanya habang nakikipag-usap pa sya kay Reign.
Tumaas ang kilay nya sa akin. Pero agad din iyong napawi dahil piningot na sya ni Reign.
"Umalis kana! Aarte ka pa eh!" Sabi ni Reign kay Theo.
Nagkamot ulo lang si Theo at lumipat sa kabilang side ng table.
Umupo naman ako sa tabi ni Reign at nag-umpisa na ang mga greetings ng teacher sa amin.
"Nasaan na ba si Lauv?" Nasulyapan ko ang ang senyas ni Manda kay Trisha sa tanong nya.
Kumunot ang noo ni Trisha at mukang nakuha ang gustong iparating ni Manda.
"Ohh.. okay."
Diretsyo lang ang tingin ko sa stage. Nawawalan na ako ng pag-asa na dadating pa si Lauv dito. Umiinit na ang sulok ng mata ko. Halong frustration at galit ang nararamdaman ko ngayon.
Naluluha na ako nang bigla nalang tumugtog ang malumanay na music.
"Enjoy the moment everyone!"
At nang marinig ko iyon ay tuluyan nang gumuho ang pag-asa sa loob ko at ang luha kong nagbabadya ay tuluyan naring tumulo sa pisngi ko.
What a cold prom. Irap ko.
