Title: Selos
"Ano ba kase yang dala mo ha?! Ilabas mo nga yan!"
"Tss! Babe don't shout!"
"Wag mo akong ma-babe dyan ha! Tss! Kaizer wag mo akong hawakan baka mahimatay ka kapag sinapok kita dyan! Ano ba?!"
"Tangina nyong dalawa! Tumahimik nga kayo!" Naririnig ko naman si Reign
"Tumahimik ka din Reign! Mas malakas pa yang boses mo kesa sa aming dalawa nitong si Kaizer."
"Babe, lumabas muna tayo---
"Ikaw ang lumabas!"
Kumunot ang noo ko at dahan dahan akong nag-mulat.
Naka-upo si Trisha sa may silya doon at natutulog si Reign naman ay nasa may kanan ko at nasa may tabi ng pintuan sina Kaizer at Manda na hanggang ngayon ay may pinagtatalunan padin.
Nahagip naman ng mata ko si Lauv na nakapang-basketball na jersey.
Nasa may sulok sya at sya din ang nakapansin na nagising na ako.
"Madam." Agresibo syang napatayo dahilan kung bakit napa-tahimik sina Manda at napatayo naman si Trisha sa pagkagulat.
"Tintin!!! Akala ko iiwan mo na kamii!!! Ikaw na bakla ka!" Susugod na sana si Manda ng hatakin sya ni Kaizer at sapilitang inilabas doon.
"You talked too much babe." Rinig kong saway ni Kaizer sa kanya.
"Nagising ka ba dahil sa kanila?" Tanong ni Reign na nasa tabi ko.
"Reign, kahit siguro patay magigising sa bunganga ni Manda.." sabi ni Trisha at miserableng umupo ulit sa silya nya.
"Hindi ko nga alam kung pano sya napapagtiisan ni Kaizer e. Kawawa naman." Naiiling na tumawa si Reign sa sinabi ni Trisha.
Napangisi nalang ako at umupo ng maayos sa kama.
"Uuwi na ako. Nasan ang bag ko?" Tanong ko sa kanila na parang walang nangyari.
"Madam naman, magpahinga ka muna." Pigil sa akin ni Lauv.
"Nakatulog na ako okay na yun sa akin." Iniwas ko ang tingin sa kanya at hinagilap ang bag ko sa table na malapit sa akin.
Umusod ako sa gilid ng kama at tumayo na doon.
"Kung ayaw nyo pang umalis dito, edi bahala kayo." Badtrip na bangot ko at lumabas na doon at pumunta sa may desk ng nurse para makapag-log out.
"Okay na po ako. Salamat." Tumango lang ang nurse na lalaki sa akin at dali-dali naman akong naglakad palayo sa clinic.
"Madam!" Halos di na ako abutan ni Lauv dahil naka-sakay na ako sa taxi nang tawagin nya ako.
Nakita ko syang tumigil sa pag-takbo. Iniiwas ko naman ang tingin sa kanya.
Nagtatampo ako. Totoo iyon. Pakiramdam ko, di nya ako suportado. Huminga ako ng malalim at pinansin nalang ang tanawin sa labas.
Nagpahatid ako sa Sea Side para magpa-alam muna kay sir na di ako makakapagtrabaho ngayon.
Nang marating ko na ang cafe ay si Drake agad ang napansin ko na naka-upo sa bench sa labas ng cafe.
Tumayo agad sya ng makita nya din ako. Kumaway sya kaya kinawayan ko nalang din sya.
"Hi!" Masiglang bati nya. Nagtaka tuloy ako. Bakit ang jolly nya ngayon?
"Uhh may trabaho ka ba ngayon?" Tanong nya medyo nagaalinlangan pa.
"Hindi ako papasok ngayon kase sumakit kanina ang puson ko sa school. Kakagaling ko lang sa clinic uuwi na din ako. Bakit?" Sagot ko at sya naman ay tumango nalang sa sinabi ko.
May sasabihin pa sana sya ng mapa-lihis ang tingin nya sa likod ko. Nagtaka naman ako nilingon din ang tinitingnan nya.
Si Lauv iyon at halatang tumakbo. Pawisan sya at hinihingal pa.
Halos ma-guilty ako sa nakita.
Hinabol nya ba ako?
Sarkastiko syang ngumisi at napailing nalang. Tinalikuran nya kami ni Drake at naglakad na para bang nakaka-disappoint na makita akong kasama si Drake.
Natuyo ang lalamunan ko sa kaba na nararamdaman ko sa aking dibdib.
Hinabol nya ba ako?
Dinama ko muna ang puso ko bago ko iniwan doon si Drake. Tumakbo ako para habulin si Lauv pero di ko na sya makita.
Tumigil ako sa paglalakad at natatabunan na ng mga tao dito sa Sea Side ang alinmang anino ni Lauv kung nasaan man sya dito.
Tumingkayad pa ako para hanapin sya.
Naiiyak na ako sa pagka-guilty ko!
Tumakbo ba sya at hinabol ako habang nasa taxi ako kanina?
Ang layo nitong Sea Side! Nakaka-guilty ang reaksyon nya sa akin kanina.
Nilunok ko ang kaba ko at napapagod na umupo sa isang bench doon.
"Give up kana agad madam?" Napa-angat ang tingin ko sa kanya.
Malungkot ang mata nya at pagod. Nakangiti sya pero alam kong malungkot sya.
"Lauv naman! Hinabol mo ba ako?" Pabulong kong naitanong ang huling bahagi ng sinabi ko.
"Does it matter? Wala ka namang pakialam diba? Ayos lang." Tumango pa sya. Masasabi kong hindi biro ang sinabi nya sa akin.
"Lauv.." tawag ko sa kanya.
Nilingon nya lang ako. Namiss ko tuloy ang sagot nya sa akin palagi
"Yes love?"
Nakakamiss iyon!
"Bakit ka nakikipag-kita kay Drake, madam?" Bigla nyang naitanong iyon sa kalagitnaan ng katahimikan naming dalawa.
"Nakita ko lang sya doon." Sagot ko habang pinagmamasdan ang magiging reaksyon nya.
Narinig ko ang malutong ng pagmura bago nya ako lapitan ng sobrang lapit.
"Madam, nagseselos ako sa pinsan ko." Pag-amin nya na ikinagulat ko.
"Madam.. liligawan na kita."
Nasisigurado kong sobrang bilis na ng bayo ng puso ko ngayon.
