Title: Breakdown
"Na-aksidente si Lauv papunta dito. Nasa West Avenue pa ang sasakyan nya pero naisugod na sya sa ospital. Sasamahan kita doon. Don't panic." Halos wala nang rumehistrong salita sa tainga ko nang mabanggit nya ang salitang aksidente.
Wala ako sa sarili habang nagda-drive sya.
Panay ang buntong hininga nya na para bang may gusto pa syang idagdag sa sinabi nya.
"Kuya Ivan.. okay lang ba daw sya?" Nagulat sya sa tanong at agad niya akong nilingon.
"I-I'm not sure." Nauutal na sagot nya.
Ano ba kase yun? Mukang may gusto pa syang sabihin. May nangyari bang malubha kay Lauv?
Don't over think Tin! Baka mahimatay kana kakaisip!
Nagmamadali kaming lumabas sa sasakyan nya. Didiretsyo na sana ako sa may emergency room nang pigilan ako ni kuya Ivan.
"I know you're a brave girl Tintin." Aniya.
Nanlalamig ang kamay ko habang tinatahak namin ang nurse station para sa info ni Lauv doon.
"Ayy sya po ba? Nailabas na po sya ng ospital sir. Mukang malubha po ang nangyari sa kanya."
Bakit? Nailabas na?
"Yun bang naaksidenteng dalawang binata kanina?" Sabat nung isang nurse.
"Dead on arrival po yung isa pero parang naghihingalo na yung isa kanina baka po nasa morgue na yung namatay."
Nanlamig ang tyan ko sa sinabi ng nurse. Natulala ako doon.
"Hey, Tin. Ichecheck ko lang okay? Dito ka muna. Paparating na sina Manda."
Dead on arrival? Sino ba kase yun? Si Lauv ba?
Jusko, wag naman po sana.
Di nagtagal si kuya Ivan at nagmamadali syang lumapit sa akin.
"Naiuwi na ang bangkay, Tin. Mukang si Lauv ang napuruhan."
What?
"What do you mean kuya?" Tanong ni Manda na kakarating lang din.
"Malakas ang pakiramdam ko na patay na rin yung isa." Rinig ko sa paguusap nung dalawang nurse.
Mas lalo tuloy akong kinabahan!
Napabaling sila sa nurse na nagsalita. Niyakap ako ni Manda.
"Pupuntahan natin sya-
"We can't! Samaniego si Lauv, malakas ang security nila sa mansion nila!"
"But how-
"Si Drake, baka alam nya." Suggest ko.
True though, sinamahan kami ni Drake sa bahay nina Lauv pero wala nang tao doon.
"Sir Drake, hindi po talaga ako nagsisinungaling. Dinala na po si sir Lauv sa London para po doon ipa-cremate ang bangkay-
"Anong bangkay manang?!" Rinig na rinig namin ang usapan nina Drake at nung kausap nya mula dito sa kinatatayuan namin.
Hindi kami pwedeng pumasok doon sa loob pero naririnig namin ang usapan.
"Si sir Lauv po sir."
Napa-awang ang bibig ko at natulala ako. Wala na akong maintindihan sa sunod na sinabi nung manang at napa-upo nalang ako.
Why?!
Bumuhos ang luha ko at inaalu naman ako nina Manda at Trisha.
He can't be dead! Isasayaw nya pa ako sa prom diba?! Bakit ganito?!
Wala nang humpay ang pag-tulo ng luha ko habang nakaupo doon.
NANG maka-dalawang araw ay sinamahan ako si Drake sa isang exclusive na sementeryo. Doon nilibing ang driver ng sinasakyan nina Lauv.
"Hindi pa sya patay.." bulong ko pero nagbabadya pa ang luha ko.
"Hindi sya dito nilibing. Yan ang alam ko." Sabi ni Drake at tinalikuran ang puntod.
"Nasa London nga sya." Bulong nya at hinarap ako.
"Maybe.. tanggapin nalang natin?"
Sa tatlong araw na sunod sunod ang pag-iyak ko, ito ang araw na sobrang sakit.
Dahil ngayong araw, nakumpirma kong wala nang Lauv na babalik sa akin.
Wala na.
