Title: Undecided
Nakauwi na din ako at hinatid ako ni Lauv. Kakapasok ko palang ay si mama na agad ang nabosesan ko.
"Tintin, ano ba itong box na ipinadala sayo? May inorder ka ba?" Pinuntahan ko si mama sa may couch at tiningnan ang box na nandoon.
"Wala ma, kanino daw galing?" Tanong ko at hinanap ang pangalan kung kanino man iyon nanggaling.
"Drake daw." Basa nya sa hawak nyang kulay pink na maliit na papel.
"Huh?" Kinuha ko iyong papel na hawak ni mama.
Hi there, this package is from Mr. Drake Santos. This includes the VVIP you got from him. Thank you for supporting the iCool girlgroup. Hope you enjoy the upcoming concert!
--iCool xoxo
Kumunot ang noo ko sa nakita. The F?! Kasama pala ito ng VVIP na ticket?! Di ko alam ito!
Nagtatalon ako sa tuwa at niyakap ang box na iyon.
"Ma! Aykat lang ako sa taas ha? Bye!" Binuhat ko na iyon at nagmamadaling pumunta sa kwarto ko.
Excited kong binuksan ang box na may mga packaging tape. Nasa loob niyon ang tunay na box na galing sa iCool. Kinuha ko iyon at meron iyong kulay pink at violet na ribbon.
Thank you for purchasing the VVIP! Hope you enjoy this exclusive merchandise.
May mga laman iyong mga photograph ng iCool at mga libro na puro autograph nila at ibang picture at dalawang CD na album nila.
Nagtatatalon ako sa tuwa.
May jacket pa sa loob na kulay pink at violet na gradient ang pagkakakulay.
May mga iba pang merchandise sa loob na halos ikaiyak ko na sa saya.
Grabe! Paano ko pasasalamatan si Drake?!
Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Lauv. Nakaka-apat palang ring ay sinagot nya na agad.
"Yow madam! Miss mo na agad ako?" Naririnig ko ang mga tawanan na boses lalaki.
"Lauv! O my gosh!" Nagtatalon pa ako at tumigil para sa sabihin sa kanya,
"Lauv! Binigyan ako ni Drake ng VVIP na may kasamang exclusive merchandise nang iCool! Lauv! Super saya ko!" Natigilan nalang ako ng wala akong narinig na reaksyon nya.
"Lauv? Andyan ka pa ba?" Tanong ko. Narinig ko pa ang marahang pagmumura nya at ako naman ay kumunot ang noo.
"Ano yun?" Tanong ko ulit.
"Wala wala. Masaya ako para sayo madam." Alam ko namang di sya masaya kaya bumuntong hininga ako.
"Nagsisinungaling ka na naman Lauv." Malungkot kong sabi at umupo sa kama.
"Sige na." Paalam ko at pinatay na ang tawag.
Bakit ba kailan nya pang magsinungaling? Rinig na rinig ko naman sa boses nya na pinipilit nya lang na maging masaya.
Alam kong childish ako sa mga ganitong bagay, baka naiinis na sya sakin? Or what?
Ang labo nya.
KINABUKASAN ay maagang maaga akong gumising. Naka-headset ako habang naglalakad papunta sa school.
Maaga ding umalis si mama sa bahay dahil may bibilhin daw syang maleta para sa pagpunta namin si Terimiah next week.
Magpapaalam na din ako sa tito ni Manda na isang linggo ako hindi papasok sa trabaho.
Nasa may tapat na ako ng park nang matanawan ko si Drake na nagaayos ng polo nya at naka backpack na din halatang papasok na din sa school nya.
"Drake!" Sigaw ko at bahagyang tumakbo papunta sa kanya. Agad naman syang lumingon sa akin.
Nakangiti ako sa kanya at tumigil na ako sa harapan nya.
"Drake, salamat sa bigay mo saken ha." Ngiti ko.
Tipid lang syang ngumiti at tumango.
"You're welcome. Deserve mo iyon alam kong nagtatrabaho ng grabe para doon." Tumango tango pa sya at nginitian ako. Bahagya nyang ginulo ang buhok ko at tiningnan ko naman sya ng masama.
"Kapag ikaw, nanggu-gulo ng buhok kapag naman iyong si Lauv! Jusko! Halos mamula ang pisngi ko!" Maktol ko. Ngumisi lang sya.
"Ang aga mo pala pumasok." Sabi nya naman.
"Hindi ako laging ganito. Maaga lang talaga ako nagising kase umalis ng maaga kanina ni mama." Dahilan ko sa kanya.
Nakaharap na kami ngayon sa pedestrian lane.
"May maagang trabaho ba mama mo?" Tanong nya habang naghihintay kami na mag-pula ang stoplight.
"Wala. Bibili sya ng maleta at tsaka ibang gamit na dadalhin namin sa Terimiah next week." Napabaling sya sakin sa isinagot ko sa kanya.
"Ang layo nun ah? Pano na yung concert?" Nagulat ako doon. Sa sobrang preoccupied ko sa mga bagay ay di ko na iyon napansin.
"Oo nga pala.." bulong ko at inayos ang headset ko. Damn! Ang boba ko! Ba't di ko iyon napansin! Sayang naman ang ticket na bigay nya sa akin.
"Siguro naman papayag si mama na sumunod nalang ako." Iyon nalang ang nasabi ko sa kanya.
"Mage-eroplano ka ng mag-isa?" Tanong nya sa akin nang natawid na kami sa kalsada.
"Maybe. Hindi ko pa alam. Wala pa akong plano e. Maysado na pala akong naging busy." Sa totoo lang, di ko iyon napansin.
May prom pa kami diba?! Shit naman!
"Okay. Dito na ako Tin. Una na ako." Kumaway na sya at ako naman ay sa kanan dumaan.
Wow I am freaking undecided.
