Title: "Welcome Home"
Nakatulog ako buong byahe.
Nasa labas na kami ng airport at hinihintay ko nalang ang sundo ko.
Si Clark na pinsan ko ang susundo sa akin dahil sya lang ang pwedeng driver ngayon.
May pasok pa kase ang iba kong pinsan dito sa Terimiah dahil college na sila.
Kumpara sa Yienta, mas kokonti ang malalaking building dito sa Terimiah. Ang balak kong pasukan na school dito ay iyong pinapasukan din ni Clark na pinsan ko.
Bale, tatlo silang lalaki na mga pinsan ko rin. Nag-iisa lang akong babae sa aming magpipinsan.
Natanggap ko ang text ni mama na susunduin lang ako ni Clark sa may exit nitong airport.
Binaba ko ang cellphone ko at binalingan ang mga tumitigil na sasakyan sa harapan ko na ang iba ay sumusundo din dito.
"Tin!" Ang malagom na boses ni Adrian ang narinig ko nang may bumabang lalaki sa isang kulay itim na SUV.
Nagulat ako sa nakita.
Matangkad na sya at matured na ang boses!
Niyakap nya ako at nginitian.
Still the same Adrian I've ever met.
"Tara na? Akin na yang maleta mo." Nagulat ako sa presensya nya dahil ang buong akala ko ay si Clark lang ang susundo sa akin.
Pagkabukas nya ng pintuan ay nandoon si Franz at si Clark naman ay ang driver. Pumasok ako at tumabi kay Franz. Si Adrian naman ay sa front seat umupo.
"Wow! Dalagang dalaga na ang prinsesa natin!" Anang Franz at niyakap din ako habang nakaupo kami roon.
Nag-joke naman si Adrian sa sinabi ni Franz pero di ko malinaw na narinig iyon.
Tahimik lang si Clark sa unahan pero kalaunan ay nakisama na din sa kalokohan ni Adrian.
"What? The hell, Adrian! Di ko type yang si Yassi na yan ha. Muka syang paa na nilagyan ng make up." Iritado na si Franz at ako naman ay di maiwasang ngumisi nalang.
Naaalala ko ang lalaking nakakasama ko sa Yienta.
Si Lauv.
Napawi ang ngisi ko at tumingin nalang ako sa labas.
Feeling ko sasabog nalang ako anytime kapag nasobrahan na ang iniisip ko.
"Tin, nabalitaan namin ang nangyari. We're sorry. Ipagdadasal namin sya." Anang Franz nang bigla nalang tumahimik.
Ayokong isipin ang ideyang patay na si Lauv pero sa sinabi ni Franz ay parang may bright side sa katagang binitawan nya.
"Hmm, thanks boys." Ngiti ko.
Nakaidlip ako saglit pero agad din akong nabuhayan nang marinig ko ang mga boses nila.
"Anong isang burger? Apat tayo dito!"
"Kapal mo, ginagamit mo lang na pang-alibi tong si Tin eh! Dalawa nalang!"
"Ano yun? Di kami damay?"
"Bakit sinama ba kita dito? Ako lang dapat ang susundo diba?"
"Eh gusto naming sumama, pakialam mo dun?"
"Hoy, di ko ideya to ha. Wala lang talaga kaming prof kanina."
"Kahit pa!"
"Tumigil na nga tayo!"
"Oo nga!"
"Tss.."
Nagmulat ako at nakita kong nakapila kami sa isang drive thru.
"Oh, Tin. Ano bang gusto mong orderin?" Tanong sa akin ni Franz.
"Uh.. di ako pamilyar sa food chain na 'toh." Awkward na sagot ko.
"Okay! Ako na oorder. Move away please." Anang Adrian at sya na nga mismo ang nagsabi ng ooderin.
"Bills on you bro." Halakhak ni Clark habang may nakakalokong ngiti.
"Tss.. ay ano pa nga ba?" Bumaling sa akin si Adrian at ngumisi sabay bunot ng mga pera sa wallet nya.
Nakikitawa nalang ako sa mga jokes nila habang nasa daan kami papuntang ancestral house namin.
"Malapit na tayo." Announce ni Clark. Inayos ko ang hawak kong bag at sinilip ang labas ng bintana.
Nakikita ko na ang higanteng gate ng bahay.
"Whoa, di naman nila sinabing may bonggang handaan pala?" Rinig kong sabi ni Adrian sa harap.
Ipinagkibit balikat ko nalang ang sinabi nya at kinuha ko na ang bag ko bago lumabas ng sasakyan.
Sila naman ang nagkuha ng maleta ko at iba pang bag.
"Welcome home Christine!"
Nagulat ako sa sigawan nila. May malaking cake sa grand table at sina ate Jazzy naman ay meron pang party hat sa ulo.
Natanaw ko si Mamita na nakaupo doon at may hawak na regalo pati ang iba pang tao doon na medyo di ko na tanda.
"Hey Tinny!" Tili ni ate Jazz. Kapatid sya ni mama pero ate ang tawag ko sa kanya dahil halos malapit lang naman ang age gap namin.
"I really miss you! O my! Vienna!" Tawag nya dun sa isang katulong na medyo kaedad din nya.
"Po ma'am?" Natataranta nitong agap.
"Take us a picture! Yung bongga ha?" Nagtawanan sila sa sinabi ni ate Jazz.
How I miss this house... my home.
