Natutulog ako ng magising ako ng cellphone ko. 2:00 palang ng madaling araw sasakalin ko tong tumatawag sakin ng gantong oras nakuuu!!
Kinuha ko ang phone ko at nagulat pa ng makitang ang boss niyang masungit ang tumatawag. Wag mo sabihing uutusan nanaman niya ako ng gantong oras hustisya naman..
Sinagot ko ang tawag at kinausap si ethan
"Hello?"
"Heyoo hik* hahaha heyoo ¥₩¥#$£¥*%£&!:?*/#^"
"Ethan? Ano bang nangyayari sayo at tumatawag ka ng gantong oras ha!?"
"Heyoo monique.haha hik* hik* monique wag mo na iwan akoo hik*
"Ethan? Ethan nasan ka si reign to!?" Tanong ko sa kabilang linya. Bakit naglalasing yun at tsaka sinong monique??
"Hello miss sorry kung tumawag ako ng gantong oras yung number mo kasi yung una kong nakita. Mukang kilala mo naman itong costumer namin sa bar dito 2 km away sa EIS ata na pinapasukan nitong si ethan ba? Puntahan mo na siya dito masyado na siyang wala sa sarili plss.."
"Ahh opo sigi po papunta napo"
NAKOO ethannnn bust ka talagaaa istorbo kaa!
Pano yan hayss mag taxi nalan ako.
Dali dali akong nagbihis at lumabas ng bahay ko. Ni lock ko anb pinto mahirap na..
Pumara ako ng taxi at sinabi sa kanya kung saan ako pupunta.
Nang makarating na ko sa mismong bar ay hindi kaagad ako pinapasok.
"Ahh kuya muka lang po akong bata pero 21 na po ako"
At yun pinapasok na ako. Duh di naman ako iinom susunduin ko lang yung panggulo sa buhay ko.
Madilim sa loob at tanging disco lights at iilang ilaw lang ang nakabukas pero nakita ko si ethan na nakaupo doon sa may counter bar mag isa. Nilapitan ko ito at tinignan sa muka.
Bakas dito ang pagkalasing dahil halos nakapikit na ito at inaaninag nalang ang kanyang iniinom.
"Ethann tama nayan tara na uuwi na kita" kinuha ko ang baso na akmang iinumin pa niya pero pinigilan ko.
"Ethan ano ba tama na nga!" Hinatak ko na siya palayo doon at lumabas na sa nakakahilong lugar na yon.
Tinapik tapik ko ang muka ni ethan para di tuluyang makatulog.
Mahirap na babae ako lalaki siya di hamak na mas mabigat siya kesa sakin baka sumubsob pa kami.
"Ethan" tawag ko sa kanya habang tinatapik ang muka niya.
"Hmm.."
"May kotse kaba?"
"Hmm" at tumango ito.
Sanay naman ako mag drive ng kotse hindi dahil may kotse kami kundi may track akong dinadrive doon sa probinsiya. Tinuruan ako ni papa noong 18 pa ako ng minsang sinama niya ako sa trabaho at nung nabubuhay pa siya..
Kinapa ko ang susi sa bulsa niya at pinindot ang lock ata nung kotse niya.. sakto namang may tumunog at umilaw na kotse kaya siguro iyon na nga iyon.
Inakay ko si ethan papunta doon sa kotse niya.
"Ethaannn wag kang magpabigat buset ka wag mo kong tutulugan" daing ko sa kanya..
"Hmmm"
"Wala kanabang sasabihin kundi hmmm buset"
Hayss nakarating na kami sa front seat. Iniupo ko siya doon at tsaka binitawan.
Nakapamewang ako dahil sa pagod pag tingin ko kay ethan!
"Naku naku" at tska dali dali kong hinawakan ang braso niya at binalik sa pwesto.
Muntik lang naman siyang bumagsak mula sa inuupuan nya at sa simento oo! Simento ang babagsakan niya kasi hindi pa naman nakasarado itong pinto ng kotse niya. Iniabot ko din ang seat belt tsaka ko iyon kinabit sa kanya.. sinarado ko ang pinto at sumakay na din sa driver seat.
Napabuntong hininga din ako at medyo kinakabahan kasi ngayon lang ako nag dadrive na kotse.. kaso hindi ko naman alam kung saan siya nakatiraaaa
Haysss reignnn ano ba tong pinasok mo!
Kinuha ko ang phone niya at tatawagan ko sana si tristan kaso ayaw namang sagutin. Tinawagan ko si nick pero cannot be reach din! Ano ba naman tooo!
Eh kung sa aprtment ko nalang siya tumuloy?
Oo tama.. sasabihin ko nalang na hindi ko alam ang bahay niya kaya sa aprtment ko siya dinala.
Inistart ko ang kotse ni ethan Hooo! This is it.. imagine mo lan truck tong minamaneho mo.
Bumyahe kami papuntang apartment ko at nakarating naman kami ng maayos.
Inakay ko ulit siya papasok sa bahay ko.
At dinala sa kwarto ko at tsaka siya ibinagsak sa kama ko.
Hayss sa wakas natapos na din! Tinaggal ko ang sapatos niya at iniayos siya ng higa.
At ako eto..naglatag na lang ng kumot sa simento dahil sakop na din siya ang buong kama ko! Ayoko din naman siyan tabihan.
Nahiga ako sa simento at pinagpatuloy ang naudyok kong tulog kanina..
Ethan's POV
Nagising ako at nahihilo hilo pa ako.. nilibot ko ang tingin ko sa kwarto at wait? Napabalikwas ako ng bangon ng mapagtanto kong hindi iyon ang kwarto ko!!
Napatingin ako sa simento kung saan doon ko nakita si reign na mahimbing na natutulog doon. Mamayang 8:00 am pa ang pasok namin. At 6:20 lang naman noong ako ay nagising.
"Ano bang nangyari.. ang sakit ng ulo ko "
Daing ko sa sarili.
Kinuha ko ang sapatos ko at sinuot ito pero bago ako lumabas ng kwarto niya ay nagiwan muna ako ng note para sabihing aalis na ako.
Dinikit ko ito sa may lampshade niya at doon ko nakita na nakapatong din doon an susi ng kotse ko.
Akalain mong nagda drive pala itong babaeng to tsk..
Dumiretso na ako sa labas ng bahay ng babae at sinarado ito. At tsaka dumiretso sa kotse ko. Pinaandar ko ito papunta sa condo ko para makapagbihis at mahimasmasan kahit papaano.
Reign's POV
Nagising ako bigla ng maalala kong may pasok nga pala kami at isang oras nalang ang paghahanda ko!
Dali dali akong naligo at ginawa ang morning routines ko!
Lumabas na ako ng bahay at sinarado iyo muka namang nauna na sa kanya si ethan dahil wala na yung kotse niya sa labas.
Pumara na siya ng taxi dahil wala na siyang oras para magintay pa ng jeep.
Sinabi ko sa driver na ihatid ako sa EIS at pinaandar na nito ang sasakyan. Nakarating ako sa school 15 minutes before the class.
Tinakbo ko na mula gate hanggang room namin.
Bubuksan ko na ang pinto ng room namin na sana pala ay hindi ko nalang ginawa...
BINABASA MO ANG
Unexpected Love ( On- going )
Teen FictionHi! Ako si Reign Julia P. Dela Cruz ganda ng name pang mayaman pero hanggang pangalan lang muna dahil mahirap lang kami.Nakapasok ako bilang scholar sa isang Kilala at pang mayaman na shool. mabait ako, masipag, pala aral, pero ginawang alalay lang...
