Nagising ako ng 6:30 sakto lang dahil mamayang 8 panaman start ng class namin. Bumangon ako at ginawa ang morning routines ko. Humarap ako sa salamin at nakita ang mata kong namumugto.
"Bwisit naman" bulong ko sa sarili.
Lumabas ako ng kwarto at nagluto ng breakfast ko. After nun kumain lang ako saglit at nagsipilyo pagkatapos ay dinampot ko na ang bag ko at isinukbit ito sa akin balikat.
Lumabas na ako ng bahay at ni lock ito. Pumara ako ng taxi at nagpahatid sa EIS. Bumaba ako ng taxi at nagsimula ng lumakad papunta sa Klase ko.
Kinuha ko ang sumbrero ko at nakayuko akong naglakad. Kainis kasi itsura ko muka akong zombie.
malapit na ako sa pupuntahan ko ng maumbog ako sa
isang poste.
"Aray.." daing ko.
Pinulot ko naman yung sumbrero ko na nalaglag dahil sa ka shongaan ko.
Paglingon ko sa poste na nabangga ko hindi pala ito poste kundi si ethan.
Bigla akong yumuko dahil baka makita niya ung kapangitan ko."umiyak ka?" Tanong ni ethan
"H-hindi nakagat lang ng ano insekto oo tama.."
"Tsk dont lie reign..bat ka umiyak?"
"Wala ito.." sabi ko.
"Bakit nga.." pagpupumilit niya.
"wala nga sabi tabi nga jan "
naglakad na ako at hindi nalang siya pinansin.
Dumiretso muna ako ng Park kung saan kami tumambay ni Ethan noon.
At sa di kasamaang palad nandoon si tristan kasama si ate gurl na masayang naghaharutan samantalang ako eto Mugto ung mata bwiset.tatalikod na sana ako para pumunta nalang sa Room ko kaso nagkatinginan kami ni tristan.
ilang saglit lang ako na ang unang bumitiw ng tingin, tumalikod at siyang naglakad papalayo sa kanila.
hayss ang hirap naman ng ganito.
*sigh*nakarating na ako sa room ko at naupo sa pinakasulok ng Kwartong ito kung saan katabi ko ang bintana.
kinuha ko ang phone ko at isinaksak ang earphone sa tenga ko at tsaka ako dumudok sa lamesa ko kasabay ng pagpikit at pagdama sa kantang pinapakinggan ko.somebody told me you were leaving i didnt know..
Somebody told you're unhappy but it doesn't show..
Somebody told me that you dont want me no more..
So you walk in out the door
nobody told me you've been crying everynight..
Nobody told me you've been dying but didn't want to find...
Nobody told me that you fell out of love of meso im settin' you free...
hindi pala madaling mag let go kapag yung taong iniiwasan mo nakapaligid lang sayo.
*sigh*
pinunasan ko ng palihim yung luha kong pumatak dahil sa mga iniisip ko isabay pa ung kantang ngayon ko lang na nanamnam ung lyrics buti nalang at ako palang mag isa sa room kaya walang makakakitang kaartehan ko.
inangat ko ang ulo ko at tumingin sa bintana at nangaasar nga naman ung tadhana nakita ko nanaman ung lovebirds na nagtatawanan umiwas ako ng tingin dahil lumingon sa pwesto ko si tristan at baka mahuli niya akong nakatingin sa kanila.
pero halos manigas ako sa pwesto ko ng pagtingin ko sa kanan ko nakita ko si ethan na sobrang lapit sakin.
putek bakit di ko naramdaman tong lalaking ito."bakit?" simpleng tanong ni ethan pero halos ung puso ko magtataln na sa kaba. Teka bat ba ko kinakabahan hindi naman ito miss universe tsk.
"anong bakit? teka nga lumayo ka ng konti " sabay tulak ko sa kanya pero ang loko eto hindi nagpatinag.
"bakit ka nga umiiyak?" paguulit niya.
"hindi nga ko umiyak" sagot ko naman sa kanya. Tumayo na ako para bumalik sa tama kong upuan ng biglang bumukas ung pinto at iniluwa non ang lovebirds na ayaw kong makita.
halos maestatwa naman ako dito at hindi malaman ang gagawin ko. Pero mas nagulat ako ng hatakin ako ni ethan papalapit sa kanya at tsaka niya ako niyakap ng mahigpit. kumbaga nakatalikod na ako ngayon sa taong ayaw kong makita."e-ethan.. ano bang ginagawa mo?"
bulong ko sa kanya."nothing... "
"wala naman pala eh tsk oa mo talaga" sabi ko sa kanya.
naglakad na ako papunta sa upuan ko ng sa hindi sinasadya napatingin ako sa gawi nila tristan at doon ko nakita kung paano hinalikan ni tristan si pusit sa noo like they are very very sweet couple na ang sarap ihampas sa simento ng paulit ulit pero syempre charot lang yon.
binaliwala ko nalang yun kahit masakit na.
bago pako makapunta sa pwesto ko dapat ay may nag text sakin kaya inopen ko ito."ms. dela cruz pls proceed to my office now thankyou."
bakit naman ako pinapatawag ng adviser ko.
dali dali akong pumunta sa office niya.nandito na ako ngayon sa office ni mam and wag ka nandito din ung may ari ng school ganon ba kaimportante ung paguusapan namin.
shocks baka naman Natanggalan nako ng scholarship o kaya papatapon nako sa ibang school shocks patay ako sa nanay ko."ms. Dela Cruz right?" sabi nung may ari ng school.
"yes po sir..."
"hindi nako magpapaligoy ligoy pa. pinagaralan namin ang naging grades and character mo sa loob at labas ng paaralan ko at mabuti naman ang kinalabasan nito. Mataas din ang nakukuha mong marka kaya isa ka sa mga napili na ipadala sa ibang bansa para mabigyan ng pagkakataon ang isang katulad mong nagsusumikap sa buhay lalo na sa pag-aaral. Dont you worry sagot ng EIS ang tuition fee mo sa ibang bansa.. ayos narin ang condo na titirhan mo doon pati nadin ang paunang allowance mo.
"t-teka ho b-bakit po ako tsaka paano pong nangyari na ako ang napili ninyo samantalang marami pang estudyante na mas magaling at angat sa akin sir..."
"kinausap kami ng tita mo sa sa states kung kilala mo siya.." sabi ng prof ko.
" ano po sabi ng tita ko mam ?"
"she said that she wants you to transfer to states to continue there your studies." sabi ng prof ko.
"think of it... ms. Dela Cruz its a big opportunity for you to study in states..."
"si tita talaga..." bulong ko sa sarili ko.
"sigi po mam and sir pagiisipan ko po and kausapin ko po muna ang family ko and ang tita ko about dito. thankyou po"
aalis na sana ako ng tawagin ako nung owner ng EIS
"and one more thing.. If ever na pumayag ka you and my son will go to states together to accompany you and also to continue his studies there."
" a- ahh si-sige po hehe thankyou po ulit"
"your welcome..."
lumabas na ako ng office at isinara ang pinto. dumiretso na ako sa klase ko.
siguro para din sa akin ito. sayang opportunity pag tinanggihan ko pa..
hays ano ba gagawin ko
![](https://img.wattpad.com/cover/188344371-288-k347196.jpg)
BINABASA MO ANG
Unexpected Love ( On- going )
Teen FictionHi! Ako si Reign Julia P. Dela Cruz ganda ng name pang mayaman pero hanggang pangalan lang muna dahil mahirap lang kami.Nakapasok ako bilang scholar sa isang Kilala at pang mayaman na shool. mabait ako, masipag, pala aral, pero ginawang alalay lang...