Reign's POV
Nakasakay kami ngayon ni Ethan sa elevator at hawak na naman nito ang kamay ko grrr kulang nalang angkinin niya na yung kamay ko hanep itong lalaking toh!
Mga ilang minuto lang ay tumunog na ang elevator at bumukas na ang pinto nito.Naglakad lang kami ng konti ni ethan dahil hindi naman masyadong kalayuan ang condo ni tristan mula sa elevator na sinakyan namin a while ago.
" Ethan.. " Tawag ko sa kanya...
" Ano? "
" Akin na yung kamay ko" Sabi ko naman dito at sa wakas ay binitawan na niya ito. Grabi my hands muntik ng mamawis. Tinignan ko ng masama si Ethan.
" Why are you looking at me like that?"
" Wala.. mag doorbell kana" pag-uutos ko dito.
Inirapan ako nito bago mag doorbell. Aba't dukutin ko mata nito eh tsk.
Ilang sandali pa lamang ay bumukas na ang pinto at nakita namin si Tristan na mukhang gulat ang itsura." What are you guys doing here...?" tanong ni Tristan pero yung mata niya ay nakatuon lang sa akin. Nailang naman ako kaya tumingin na lamang ako sa mga paa ko para maiwasan ang mga tingin nito sa akin.
" Reign wants to see you..." Sagot naman ni ethan.
Napatingin naman ako agad kay ethan.Bwisit parang lumalabas na namiss ko itong si Tristan. Na miss ko naman pero you know naman nakakailang dahil sa nangyari sa amin noon if you know what i mean ehehe.
" Ah WE want to see you... " sabi ko kay Tristan at ngumiti na lamang ako. Pinapasok muna kami ni Tristan sa loob ng kanyang condo. Si Ethan at Tristan ay dumiretso sa sala at nagkamustahan. Hindi ko na narinig pa kung ano man ang pinaguusapan nila dahil sa kusina na ako dumiretso at sinimulan ko na ang paghihiwa ng mga sangkap nang sa gayon ay makapagsimula na rin ako ng pagluluto ko ng sinigang.
Fast forward...
7:00 pm na ng matapos ako sa pagluluto ko. Lumabas ako ng kusina at nakita ang dalawa na nagtatawanan. So glad na okay na sila...
Mukha namang napansin ako ni Ethan kaya lumapit ito sa akin." Tapos kana magluto..?" tanong nito sa akin kaya't tumango ako rito bilang tugon.
" Ayos gutom na rin ako tagal mo reign"
" Ikaw kaya isigang ko" Sabi ko kay ethan at iyon tinawanan na nanaman ako.
" Tristan may softdrinks ka ba dyan?" tanong ni ethan pero ayun at binuksan na yung ref. Ito magtatanong tapos nauna pang buksan yung ref kaysa sa sagot nung may ari nung ref.
" Wala eh.. hindi pa ako nakakapag grocery..." sagot naman ni Tristan.
"Ahh.. Bili lang ako saglit bigla akong nagcrave sa softdrinks eh" sabi naman ni Ethan.
Luh! iiwan niya ko rito kasama si Tristan. huhu
" Ahh Ako na wala naman na akong ginagawa" Sabi ko kay Ethan.
" Hindi na ako na..."
" Ako na nga..." pagpupumilit ko.
" Ako na sabi.." sabi naman nito sabay takbo palabas ng condo ni Tristan.
Silence...
Humarap ako kay Tristan na ngayon ay nakaupo pa rin sa Sofa...
" Ahh... maghahain lang ako para pagdating ni Ethan makakain na tayo ehehe " palusot ko para hindi masyadong mailang. Pumunta na ako sa kusina at inabala ang aking sarili.
Kasalukuyan akong kumukuha ng mga plato ng tawagin ako ni tristan.
Hanep isang truck ata ng softdrinks binili ni ethan napakatagal!" Ahh a-ano yun...? may kailangan ka ba..?" tanong ko rito.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love ( On- going )
Teen FictionHi! Ako si Reign Julia P. Dela Cruz ganda ng name pang mayaman pero hanggang pangalan lang muna dahil mahirap lang kami.Nakapasok ako bilang scholar sa isang Kilala at pang mayaman na shool. mabait ako, masipag, pala aral, pero ginawang alalay lang...