Reign's POV
Nasa labas na din ako at nag aantay ng masasakyan pero assusual madalang nanaman ang mga taxi na dumadaan dito.
Pang mayaman talaga ang lugar na ito dahil puro mga naka kotse lang ang dumadaan dito. Kaya nag lakad ako papuntang kanto nitong lugar.
Nagugutom nadin ako. Buset kasi yang ethan na yan eh kainis!
7:00 ako lumabas ng condo ni ethan at ngayon 9:00 na at wala padin akong maparang sasakyan.
Gutom na gutom na ako at nahihilo na din ako. Kaya sana naman may taxi ng dumaan.
Naglalakad lakad pa ako ng mapahawak ako sa isang poste dahil nanlalabo na ang paningin ko. Dahan dahan kong inangat ako kamay ko para salatin ang leeg at noo ko at sa kasamaang palad bumalik ang lagnat ko.
Bakit ba kasi walang taxi... pinilit kong aninagin ang mga sasakyang nagdadaan pero sadyang blured na talaga ang paningin ko kaya bumagsak na ako sa daan pero bago pa ako tuluyang mawalan ng malay ay naramdaman ko pang may sumapo sa ulo ko at tinawag ang pangalan ko pero hindi ko na alam kung anong sumunod na nangyari dahil tuluyan na akong nawalan ng malay.
nagising ako at unti unti kong dinilat ang mata ko.
Napansin ko din na hindi ko ito kwarto kaya napabangon ako kaagad. Napahawak nalang ako sa ulo ko dahil sa medyo kumikirot pa.
Napatingin naman ako sa pinto ng bumukas ito at iniluwa non si tristan..
"Ahm anong nangyari? Tsaka nasan ako?"tanong ko kay tristan.
"Nasa condo kita...napadaan kasi ako kung saan kita nakita nahimatay ka kasi . Sorry kung dito na kita dinala ah.." napakamot siya ng ulo tsaka tinuloy ang pagsasalita.
"Nagalala kasi ako.. tsaka mas malapit ang condo ko kaysa sa bahay mo kaya dito na muna kita dinala. And.. nagluto nga pala ako ng soup higupin mo muna hanggat mainit pa."
Tinabi niya naman sa akin ang mangkok at dahan dahan akong kumain nung soup na niluto niya. Impernes masarap..
Habang kumakain ako ay hindi maiwasang tanungin ni tristan kung ano talaga ang nangyari sa akin.
"Bumalik ang lagnat mo... sabi din nung doktor na pinatawag ko para puntahan ka dito at i check up ay nawalan ka caw ng malay dahil nga sa lagnat mo, sinabayan pa ng pagod... at ng gutom..
Tell me... may kinalaman dito si ethan diba.?"
"H-ha? Wala ah.. " pagsisinungaling ko baka kasi mag away pa sila at ayokong mangyari yun.
"Reignn.." pambabanta nito sa akin.
Napayuko naman ako at tsaka tumango.
"Pero okay naman na ako kaya wala ng dapat pang alalahanin."
"Reign okay ba yan? Paano kung hindi kita nakita sa lugar na yon okay pa ba yon? May sakit ka at pinagtrabaho ka pa okay pa ba iyon? Plus! Gutom ka at hindi ka pinakain ng amu amuhan mo sa tingin mo okay pa bayun??"
Gulat naman akong napatingin sa kanya dahil sa pagtaas niya ng boses sa akin.
Tumabi siya sa akin ng upo sa kama..tsaka niya ako tinignan.
"Sorry... nadala lang ako.di kita dapat pinagtaasan ng boses."
"A-ah wala yun tama ka naman..." tsaka ako ngumiti sa kanya.
ngumiti naman siya sa akin tsaka ginulo gulo ang buhok ko.
After kong kumain ay pinainom naman niya ako ng gamot.
"Salamat ah..." sabi ko sa kanya.
"Wala yun..." sabi naman nito.
"Uuwi na ako gabi nadin naman."
"Dito ka na muna magpalipas ng gabi.Anong oras na. Wala naman pasok bukas and isa pa walang mag aalaga sayo kapag umuwi ka pls.."
" ahh sabi ko nga hehe.."
Napaka thankful ko at nagkaroon ako ng kaibigan na kagaya ni tristan. Masaya ako na isa siya sa mga binigay ni Lord na blessing para kahit papaano may kasa kasama naman ako sa buhay dito sa manila..
BINABASA MO ANG
Unexpected Love ( On- going )
Novela JuvenilHi! Ako si Reign Julia P. Dela Cruz ganda ng name pang mayaman pero hanggang pangalan lang muna dahil mahirap lang kami.Nakapasok ako bilang scholar sa isang Kilala at pang mayaman na shool. mabait ako, masipag, pala aral, pero ginawang alalay lang...
