Ethan's POV
Nandito kami ngayon sa Jollibee ni Reign at kasalukuyang nakapila sa counter para umorder ng aming makakain. Ito lang kasi ang medyo malapit na resto. mula sa apartment na tinutuluyan ni Reign and besides ito rin ang una kong nakita habang bumabyahe kami. Inaya ko itong kumain na muna sa labas nang mahimasmasan ito sa pag-iyak kanina at ng malaman ko na hindi pa ito nakakakain ng tanghalian.
" Ano pong order nila?"
Tinignan ko si Reign at tinignan ito ng "nagtatanong look" kung ano ang nais nitong kainin. Pero hindi nito iyon naintindihan.
" Ano order mo?" tanong ko sa kanya.
" Kahit ano..." simpleng sagot naman ni Reign.
"Walang kahit ano rito... hehe" - Ako
" uhmm kahit Palabok and chicken na lang" tugon nito sa akin at bahagya akong nginitian.
Ngumiti rin ako rito bago tignan ulit si ate na humihingi ng order namin.
Pagkatapos namin umorder ay humanap kami ng mauupuan ni Reign. Sakto namang may bakante doon sa sulok na katabi ng bintana.
" You okay?" tanong ko kay Reign na ngayo'y nakatulala sa katabi lang nitong bintana.
" Hmm yeah, Thank you..." sabi nito sa akin at muling ngumiti ulit.
" Mind if I ask what happened?"
" Yung mama ko kasi sa probinsiya namin... nasagasaan siya. Nasa Ospital siya ngayon..." yumuko si Reign bago magpatuloy sa kaniyang sasabihin. " Tumawag yung kapatid ko at nangangailangan sila ngayon doon ng pera pambayad sa Ospital at gamot ni Mama."
Tumawa ito ng mapait..." kapos kasi kami ih... kalahati lang din daw yung sinagot ng nakabundol sa babayaran .. kaya naghanap ako kanina ng mapagt-trabahuhan para sana maka-ipon kahit kaunti at maipadala yung pera sa pamilya ko. Pero ayos naman na raw yung mama ko hindi ko lang maiwasan na mag-alala dahil malayo ako sa kanila..."
Dumating naman yung order namin ni Reign at inihain ito sa amin. Nag-dasal muna kami bago kami magsimulang kumain.
" Hmm If you want... I can lend you a money naman, huwag mo sanang masamain but I wanna help you Reign" I asked Reign while she's eating. Umiling naman ito at ngumiti sa akin.
" nakakahiya... mag-iipon na lang ako sa sweldo na matatanggap ko sa trabaho na pinasukan ko ngayon."
" But... the problem here is.. matagal pa bago mo makuha yung sahod mo. Look ganito na lang, I have an idea... I will lend you a money muna para maipadala mo ito sa pamilya mo then tsaka mo na lang ako bayaran pag naka-ipon kana sa trabaho mo... Is that good?"
I badly wanna help her...
" Hmm, okay lang ba? Promise babayaran kita pag nakaipon na ako..." tugon ni Reign na halatang nahihiya sa akin.
" haha of course Reign... I will be more happy if matutulungan kita kahit sa ganito man lang na paraan..." I smiled at her bago ako sumubo ulit ng kinakain ko.
" Thank you Ethan... sobra" Ngumiti siya sa akin at pinagpatuloy ang kaniyang kinakain.
Fast forward...
Hinatid ko si Reign sa tinutuluyan niya after naming kumain. Nagyaya na itong umuwi at gusto na rin daw nitong magpahinga.
" Reign..." tawag ko rito bago ito bumaba ng kotse. Nilingon naman ako nito ng nagtatanong.
" Call me if you need anything or somethings bothering you" pagpapatuloy ko.
Ngumiti naman ito sa akin at tumango-tango. " Thanks for this day Ethan..." ani Reign bago ito tuluyang bumaba sa kotse ko. Inintay ko muna itong makapasok sa kaniyang tinutuluyan bago ako tuluyang umuwi sa condo na tinutuluyan ko.
Pagka-uwi ko dumiretso agad ako sa kwarto ko at kumuha ng t-shirt and pajama pantulog. Tumungo muna ako sa C.R upang maghilamos at mag-sipilyo. Nagpalit na rin ako ng pantulog bago lumabas ng banyo. I am currently wiping my face habang naglalakad patungo sa kama ko ng bigla mag Beep* ang phone ko.
Napangiti ako bigla ng unang sumagi sa isip ko si Reign. Tumingin ako sa orasan at nakitang Ala-siyete palang ng hapon. Maaga pa para matulog ako. Kumuha ako ng isang libro sa shelf para sana magbasa-basa at libangin ang sarili ko hanggang sa makatulog ako. Nang makuha ko ang libro ay sumampa ako sa kama ko at nagsimulang magbasa. 8:30 pm na ng biglang sumagi sa isip ko ang text message kanina na hindi ko pa rin nababasa hanggang ngayon.
" Aishhh" sa sobrang paglilibang ko ay nawala sa isip ko yung message. Baka si Reign iyon!
Dagli kong kinuha ang phone ko na nakapatong sa side table ko. In-open ko ito at napansing unknown number ang nag text sa akin. I thought it was Reign... may panghihinayang akong naramdaman ng malamang hindi ito ang nag message sa akin. Why do I feel this way!? AIshhh
Bumilis ang tibok ng puso ko nang mabuksan ko ang message na iyon sa akin.
" I miss you Ethan..." - Unknown
Is this Reign? Nagpalit ba siya ng number? but it's impossible. Iyan kaagad ang mga tanong na nabuo sa isip ko.
I got curious to this person who sent me this message.
" Who is this?" I reply to it even if it was late.
Pero ganun na lang ang gulat ko ng bigla itong mag reply kaagad sa akin.
" You are the brightest star in my sky... I love you"
Hindi agad ako nakakilos at napatulala sa phone kong hawak ko ngayon. " You are the brightest star in my sky... I love you..." nagpaulit- ulit sa utak ko ang mga katagang ito... Ilang minuto rin akong hindi nakakilos mula sa kinauupuan ko.
Those lines...
was the word that I usually tell to that one person that I loved before...
I suddenly realize na may pumatak na luha sa mata ko. Natawa ko ng mapakla dahil doon.
Why am I still affected to it?
Am I ?!
I should not! Yeah~ don't mind it...Tsk! Tsk!
Tinabi ko ang phone ko at napagdesisyonang itulog na lang ang nangyari ngayong gabi.
A/N:
Hi guys Keep safe always! Sorry for the late update. Please continue to support my story and also don't forget to vote. Thankyouuuu... Lovelotsss!! <333
BINABASA MO ANG
Unexpected Love ( On- going )
Teen FictionHi! Ako si Reign Julia P. Dela Cruz ganda ng name pang mayaman pero hanggang pangalan lang muna dahil mahirap lang kami.Nakapasok ako bilang scholar sa isang Kilala at pang mayaman na shool. mabait ako, masipag, pala aral, pero ginawang alalay lang...
