5:00 na nandito padin si tristan sa apartment ko. Nagkukwentuhan kami habang siya ang nagluluto for dinner namin. Kaso nag text itong si ethan at pinapapunta niya ako sa condo niya.. ipagluto ko daw siya. Kulit din nito sabi ko bukas nalang ih panira ng moment tsk.
"ahh tristan" tawag ko sa kanya
"Po?"
"Kasi tinatawag na ako ng boss natin hehe ehh pinapapunta niya ako sa condo niya para ipagluto ko siya."
"Ahh ganun ba.. so maghihiwalay nanaman pala tayo" bulong nito..
"Ha?"
"Ahh wala sabi ko kain lang tayo saglit tapos magbihis kana para mahatid na kita sa condo ni ethan tutal hindi mo din naman alam..."
"Ahh sige palagyan din ako sa isang lalagyan tristan dadalhan ko nalang si ethan niyan hehe"
"Haha sige sige.."
Iniwanan ko muna si tristan at pumunta sa kwarto para magbihis.. binaon ko na din ang hoodie ko kasi baka kung anong oras pa ako pauwiin ni ethan..hindi ba niya alam na may pasok kami bukas kainis siya.. maguutos lagi ng late sa oras.
Bumalik ako sa kusina at nakahain na doon ang niluto ni tristan.
Habang kumakain kami tinawag ko siya.
"Tristan"
"Hmm?"
"Ang sarap mong mag luto"
"Talaga? Well good to hear that hehe" sabi niya sa akin.
"Swerte ng mapapangasawa mo niyan."
"Oo nga ehh "
Tinapos nalang namin ang kinakain namin at hinugasan niya ulit ang pinagkainan namin.
Lumabas na kami ag ni lock ko ang pinto.
Sumakay na kami ng kotse niya at tsaka niya ito pinaandar.
Nakarating naman kami kaagad kaya nagpaalam na ako sa kanya at nagpasalamat.
"Sige salamat ulit ah " sabi ko sa kanya..
Kumaway naman siya sa akin "sige ingat ka see you bukas" sabay ngiti sa akin at tuluyan ng umalis. Ako naman ay pumasok sa building kung saan nakatira ang amo ko at tinanong sa front desk kung anong room ito.
Sinabi naman nito kaagad at tsaka ako pumunta sa kwarto nito..
Nandito na ako sa tapat ng pinto ng condo nito kaya pinindot ko na ang doorbell.
Bumukas naman ito kaagad at nakita ang hindi ko namang kilalang tao.
"Ahh dito po ba yung room ni ethan?"
"Ahh oo pasok ka nandun siya sa kusina "
Hindi man lang niya sinabi sa akin na kasama pala niya yung mga kaibigan niya dito.. pumasok ako at nagtinginan sakin lahat ng mga tao sa loob. Hindi sila familiar sa akin... baka hindi ito taga school namin.
" May bisita ka Ethan!" Sigaw nung lalaking nagpapasok sa akin kanina..
Lumabas naman sa kusina si ethan na nakakunot nanaman ang noo na nakatingin sa akin.
Kaya lumapit na ako sa kanya..
" sorry kung ngayon lang ako"
"Tsk magluto kana kanina pa kita iniintay" sabi niya sa akin.
"Ahh sige"
"Ano yang dala mo?" Tanong nito sa akin.
"Ahh wala to akala ko kasi ikaw lang ang nandito kaya dinalhan nalang kita ng ulam..sigi na magluluto pa ako"
"Itapon mo nalang yan... hindi ko din naman makakain yan pakibilisan ha! Baka magutom tong mga bisita ko!"
"Ahh oo sige na"
Nagsimula na akong magluto... naghiwa ako ng mga sangkap at kung ano ano. Makalipas ang isat kalahating oras ay natapos din ako sa niluluto ko. Kaya hinain ko na ito sa kanila..
BINABASA MO ANG
Unexpected Love ( On- going )
Ficção AdolescenteHi! Ako si Reign Julia P. Dela Cruz ganda ng name pang mayaman pero hanggang pangalan lang muna dahil mahirap lang kami.Nakapasok ako bilang scholar sa isang Kilala at pang mayaman na shool. mabait ako, masipag, pala aral, pero ginawang alalay lang...
