Chapter 17: A Time with you

187 2 0
                                        

Reign' s POV

Tinuloy ko na din yung paliligo ko aba't baka tamadin pa ako mamaya eh mahirap na hehe. Paglabas ko ng cr syempre nakabihis nako. Nakita ko si ethan na aalis na.

"oh? aalis nalang bigla?"

" Oo bakit ayaw mo ba? " sagot naman nito sa akin.

" Hindi naman sige alis kana Choopii Choo" nakakalokong sabi ko sa kanya.

" Hoy reign di ako aso " 😑

" Ay hindi ba?" sagot ko sa kanya Haha. Sarap asarin ng lalaking ito!
Tinignan naman niya ako ng Masama kaya na pa- peace sign naman ako hehe. Pero padabog siyang tumalikod at nagdire diretso palabas ng pinto ko.
Hala? Nainis ko ba siya? Hindi naman siguro? Ay ewan grrr! pikon naman.

" Ethan!" sigaw ko bago pa siya makalabas ng gate ko. Huminto naman ito pero di ako hinarap. Aba't pati ba naman pag ikot patalikod kinatamaran na nito.

" Ingat!" sabi ko dito bago pumasok sa Bahay ko.

Dumiretso ako sa kusina para magluto ng breakfast ko. Kumuha ako ng 2 pirasong hotdog sa ref tutal ako lang naman ang mag isang kakain. Nag sangag din ako ng kanin. Nang matapos na ako ay Inilagay ko na ito sa plato at naupo sa upuan at sinimulan ko ng lantakan yung niluto ko. Ano bang magagawa ko dito sa loob ng bahay? kabagot naman. Nang matapos akong kumain ay hinugasan ko na ito. Dumiretso ako sa Kwarto ko at kumuha na lamang ng libro para mag basa. Nasa Kalagitnaan ako ng pagbabasa ng tumunog ang phone ko.

Boss Ethan:
Punta ka sa park malapit sa bahay mo. Intayin kita.

To Boss Ethan:
At bakit naman??

Boss Ethan:
Basta pumunta ka na bilis bagal mo.

Aba nagmamadali lang? Tsk... Wala naman akong gagawin kaya nagbihis ako ng pang alis. Simpleng Maong short and oversized shirt lang ang suot ko. Nag ayos din ako ng mukha ko. Simpleng Powder at liptint lang din dahil hindi naman ako ganung ka arte sa mukha. Sinuot ko ang Rubber shoes ko then kinuha ang wallet and phone ko. Lumabas na ako ng bahay at ni lock ang pinto. Nilakad ko na lang din mula bahay hanggang park tutal medyo malapit lang naman ito.
Nang makarating ako sa park hinanap ng mata ko si Ethan pero hindi ko ito makita. Pumasok pa ako sa loob ng park at naglibot libot pero wala! ANO TO PRANK? Sasakalin ko siya pag nagkita kami nako!
Naglalakad lakad ako ng may maramdaman akong kung ano sa paa ko. Dahan dahan akong tumingin sa baba at isang cute na puppy ang nakita ko. Nagliwanag naman ang mukha ko. Yumuko ako at binuhat ung puppy.
" Hala Ang cute niya... " Bulong ko sa sarili. Hinimas himas ko ung aso at niyakap na parang akin ung aso.

" Nasaan ba ang amo mo? bakit ikaw lang mag- isa dito?"

Naglakad lakad ako baka sakaling makita ko ang ano ng cute na asong ito. At Syempre yung kumag na nag papunta sa akin dito.

" Asan kana ba kasi Ethan! Kainis toh hmp"

Kinakausap ko lang yung aso habang naglalakad ako. Baliw na kung baliw pero kung di ko mahanap yung amo mo pwede bang akin ka nalang? Joke baka makasuha pa ko ng Dognapping i mean baka sabihin nila ninakaw kita.
" Asan naba kasi Yung amo po puppy?" sabi ko sa aso. Nanigas naman ako sa kinatatayuan ko ng biglang may sumagot.

" Nandito "

Ha? nagsasalita yung aso?

" Hoy Reign san ka ba nanggaling tss!"

Unexpected Love ( On- going ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon