kinabukasan...
Reign's POV
Nagising ako ng tumunog ang alarm ko. Ginawa ko na din ang morning routines ko. Lumabas ako ng kwarto at tumungo sa kusina para maghanda ng breakfast ko. Nag luto ako ng nuggets at nag sangag nadin ng kanin.
Pagkatapos kong magluto ay nilagay ko na ito sa plato. Kinain ko na din ang breakfast ko. Tumayo ako at hinugasan saglit ang aking pinagkainan. Kinuha ko na ang susi ng bahay ko at humarap sa huling pagkakataon sa salamin. Haya ganda ko talaga charot!
Lumabas na ako ng bahay at ni lock ito. Palabas na ako ng gate ng makita ko si tristan na nasa labas ng gate."Anong ginagawa niya dito?" tanong ko sa aking sarili.
Hindi ko nalang siya pinansin at nag simula ng maglakad papunta sa sakayan ng jeep patungo sa EIS.
Pero di pa ako nakakalayo ng tawagin niya ako."Reign" tawag nito sa akin. Di ko siya hinarap at patuloy lang sa paglakad. Ano bang problema non! aga aga ng gugulo hanep.
Habang naglalakad ako ay bigla nalang may humawak sa wrist ko at napatingin naman ako dito."Tinatawag kita ba't di mo man lang ako nililingon?" - Tristan
"Nagmamadali kasi ako at kailangan ko ng pumasok. Tsaka bakit kaba nandito? ang aga aga tristan..."
Tumalikod na ulit ako pero hinatak nya ko papalapit sa kanya.
Sa Gulat ko ay natulak ko siya sakto lang para malayo siya ng konti sakin."Ano ba?" Sabi ko sa kanya. Hanep ma lalate pako niyan ng dahil sa kanya eh.
"sumabay kana sakin.. Hatid na kita"
"Hindi na tristan kaya ko na" Sabi ko dito. Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad pero nagulat din ako ng makita ko si ethan na Nakasandal sa labas ng kotse niya.
Lumapit ako kay ethan..." Bakit nandito ka?" tanong ko dito.
" Binabakuran ka" Bulong naman ni ethan pero hindi ko narinig ng maayos.
" Ano?" sabi ko dito.
" Ah wala sabi ko sumakay kana sa kotse sabay na tayong pumunta ng school..." - Ethan.
Sumakay naman ako sa passenger seat at siya sa Driver seat. Yes nag ddrive na siya. Nang mag start na ang kotse ni ethan ay nahagip ng mata ko ang tristan na nakatitig lang sa amin.
Ano bang problema niya....At school
Na park na ni ethan ang kotse niya. Bumaba nadin kami at nagsimulang maglakad papunta sa class namin.
Nang makarating na kami sa room ay naupo nako sa pwesto ko at ganoon din si ethan." Bakit nandito ka?" tanong ko kay ethan.
" Dito ako nakaupo" Simpleng sagot niya naman.
Di ko na maalala na katabi ko pala siya sa Klase? hays bahala na nga.
Nag start na ang klase pero wala padin si Tristan. nasaan nayun?
Hanggang sa matapos ang klase ay pansin kong walang tristan na pumasok man lang ng pinto kahit late na siya. Ano ba talaga nangyayari....
Niyaya na ako ni ethan na Mag lunch daw kami pero sabi ko mauna na siya at magpapahangin lang kako ako. Wala din naman akong ganang kumain. Sasama pa sana si ethan sakin pero sabi ko kumain na siya...
Umakyat ako ng rooftop... Fave. tambayan ko na ito. Ang ganda kasi ng view mula sa taas plus mahangin pa.
Nang makaakyat na ako tumingin kao sa paligid kung may tao ba o wala. Pero nanlamig ako ng makita ang isang lalaking nakahiga malayo sa akin. Sa pag aalala ko ay tinakbo ko ang aminh pagitan at nagulat ng makita si tristan na bugbog sarado."Tristan ano nangyari sayo" pag aalala ko. Tinignan naman ako ni tristan ng may pumatak na luha mula sa kanyang mata.
"Tristan ayos kalang ba? sino gumawa niyan sayo? kaya mo bang umupo? teka tatawag ako ng tulong"
Taranta kong tanong sa kanya pero ng mag ddial na ako ng number bigla niyang hinawakan ang kamay konat kinuha ang phone ko.
" Tristan tatawag ako ng tulong akin na yung phone ko" sabi ko dito.
" w-wag na... k-kaya ko" Hirap na sagot ni tristan.
" Anong kaya mo tignan mo yung itsura mo tristan!".
Umiling naman si tristan. Sinubukan nitong umupo kaya inalalayan ko siya. Sumandal siya sa isang pader.
"A-ano bang nangyari tristan..."
Tumawa naman si tristan pero kita ko yung sakit na nararamdaman niya.
"P-pagod na ko R-reign..." Yun nalang ang Huli niyang sinabi bago ito mahimatay.
Sa taranta ko kinuha ko ang phone ko mula sa kamay ni ethan. Tumawag ako ng tulong sa clinic ng EIS." H-Hello po ms." sabi ko dito.
" Hello ano pong kailangan nila?"
" Student po ako from EIS nandito po ako sa Rooftop ngayon at mayroong lalaking nahimatay p-pls tulungan nyo kami...." Hindi ko na nakaya at naiyak nako sa kalagayan ni tristan
Mga ilang minuto at nandito na Din ang nurs na tinawagan ko. Meron din itong mga kasama na tutulong kay tristan para ilagay sa Stretcher para madali itong maibaba mula sa Rooftop.Nanginginig ako sa kaba...dahil sa nangyayari sa kanya. nasa ground floor na kami At sinakay na din si tristan sa ambulansya.Sinamahan ko si tristan ng isugod ito sa ospital.
Sa Ospital..
Nandito na kami sa ospital at ginagamot na si Tristan ng mga doktor dito. Lumabas muna ako ng hospitak at kinalma ang sarili ko mula sa pangyayari. Inopen ko ang phone ko at nakitang ang daming message at tawag ni ethan. Tinext ko nalang ito na nasa ospital ako kasama si tristan.
Mga ilang minuto ay pumasok na ako sa ospital at nasa private room nadin si Tristan. Naabutan ko itong mahimbing na natutulog. Halos hindi ko makilala ang tristan na kaharap ko ngayon.
Sana pala kaninang umaga sinamahan ko nalang siya. Kasalanan mo toh reign. Hindi ko namalayan na lumalandas na ang mga luha ko habang nakatitig sa bugbog saradong si tristan. Kasalan ko toh... lumapit ako kay tristan at naupo sa gilid nito." Im sorry tristan..." sabi ko dito. Hindi ko maiwasang sisihin yung sarili ko...
mga ilang minuto ng dumating ang tropa ni tristan. Sinabi nilang sila na ang bahalang mag asikaso kay tristan kaya pinapauwi na nila ako. Sabi ko nag stay muna ako pero sinabi nung isang tropa ni tristan na May nagiintay daw sa akin sa labas ng ospital. Kaya sabi ko balitaan nalang nila ako kapag nagising na si tristan.
Lumabas na ako ng kwarto ni tristan at nag lakad ng malungkot palabas ng ospital. Nang makalabas ako ay bigla nalang may yumakap sa akin. Napatingin ako dito at nakita ko si ethan na bakas ang pag-aalala." Anong nangyari sayo? bakit ganyan ang itsura mo?" Tanong ko dito...
" Nagalala ako reign.."
" Nag-alala ka?"
" kanina pa kita hinahanap reign.. wala ka sa klase kanina, hindi kita ma contact. Hindi kadin sumasagot sa tawag ko... natakot ako..." Sabi ni ethan habang yakap yakap ako..
" Bakit ka naman matatakot.. nandito na ako ah...sorry kung nag-alala ka..."
" natakot ako..."
"Huy ethan bakit ka umiiyak. Ayos ako walang nangyari sa akin. Sinamahan ko lang si tristan."
"Natakot ako na baka mawala ka sakin..."
natakot ako na baka mawala ka sakin.....

BINABASA MO ANG
Unexpected Love ( On- going )
Novela JuvenilHi! Ako si Reign Julia P. Dela Cruz ganda ng name pang mayaman pero hanggang pangalan lang muna dahil mahirap lang kami.Nakapasok ako bilang scholar sa isang Kilala at pang mayaman na shool. mabait ako, masipag, pala aral, pero ginawang alalay lang...