Ethan's POV
sumakay ako sa kotse ko para pumunta nadin ng hospital.
Doon ko sila naabutan na tinutulak na si reign mula sa stretcher papuntang ER.
Nagintay ako sa labay ng ER hanggang sa lumabas na ang isang doctor.
"Doc ano po balita?" Tanong ko dito.
"Sinalinan namin siya ng dugo dahil kung hindi ito naagapan ay maaring maging delikado ang kanyang buhay. Buti nalang at nadala mo siya agad dito bago pa tuluyang maubos ang kanyang dugo and nagtamo din siyang ng iilang minor injuries. Sa ngayon ililipat nanamin siya ng private room. Maiwan na kita."
"S-salamat po" sabi ko dito atlis nakahinga na ako ng maluwag ng malamang okay na siya.
Nandito na kami sa recovery room at kasalukuyang binabantayan siya dito. Tinawagan ko na din si tristan about sa nangyari. Hindi ko lang alam kung ano ang nangyayari kay tristan. Masyado siyang close sa babaeng ito na kinaaayawan ng lahat katulad ko.
Nalaman ko na din kung sino ang may gawa nito sa kanya. Oo! Si alice at ang mga kaibigan niya. Kaya may pa surprise ako sa kanila sa lunes dahil hindi lang suspension an aabutin nila.
dahil aalis na sila sa EIS.
Tok tok tok!..!**
Tumayo ako at binuksan ang pinto. Doon ko nakita si tristan na alalang alala. Pumunta ito sa tabi ni reign at ako naman ay nagpaalam na muna sa kanya. Sumangayon naman siya kaya lumabas na ako ng ospital at sumakay ng kotse ko pauwi sa condo ko. Hindi ko maiwasan na alalahanin ulit ang nangyari kanina.
I think thats enough... i will end our contract bilang slave niya sakin. Naawa na din ako sa kalagayan niya ngayon. Maybe it's better if lalayo o iiwas nalang ako sa kanya. Tama... yun nalan ang gagawin ko. Bully ako pero may puso din naman ako.
10:00 na ng makauwi na ako sa condo ko. kumain lang ako ng dinarive thru ko kanina tsaka ako naglinis at nagpahinga na..
Binuksan ko an phone ko at pumuntasa Fb. And i saw my ex na sikat na ngayon sa ibang bansa.
Simula ng pinili niya ang career niya tinalikuran ko nadin kung ano man ang pinagsamahan namin ni monique.
Hindi ko nalang inisip pa yun at natulog na ako.
Reign's POV
Hmmm...nagising ako at unti unting idinilat ang mata ko..
Puti? Puti lang ang nakikita ko! Wait! Nasa heaven na ba ako??
Agad agad akong bumangon ng kumirot ang ulo ko.
Awww! napatingin naman ako sa taong nakadukdok sa gilid n kama ko.
Nasa ospital pala ako. Buhok palang ng lalaking ito alam ng si tristan. Palagi nalang siyang nanjan sa tabi ko.
Humiga na ulit ako at tumagilid paharap sa lalaking nakadukdok ngayon sa tabi ko.
Napangiti naman ako ng wala sa oras. Ginamit ko ang daliri ko para suklayin ang buhok niya. Napatingin naman ako sa orasan at 6:15 na ng umaga. Napagod siguro si tristan.
Habang sinusuklay ko ang buhok niya gumalaw naman naman siya. Napatingin ito sa gawi ko and wrong move!! Dahil ang lapit ng mukha namin sa isat isa. Kaya napagintingin naman ako sa ibang direksyon.
" ahh sorry nagising ata kita" sabi ko sa kanya.
hindi naman siya sumagot at tumayo sa pwesto niya para maginat inat. Ikaw ba naman matulog ng nakaupo sinong hindi sasakitan ng katawan.
"Good morning! Kamusta lagay mo? May masakit pa ba sayo??"
Sunod sunod na tanong ni tristan.
"Okay lang ako. Konting pahinga nalang gagaling na rin ito"
tsaka ako ngumiti sa kanya.
Nagulat naman ako ng tumabi siya ng higa sa akin.
Wala ba siyang pakiramdam! Hindi ba niya alam na naiilang nako sa pinag gagagawa niya huhu
Tumagilid naman siya paharap sa akin. Hindi ako komportanle kaya tumagilid din ako patalikod sa kanya pero pinigilan niya ako at inikot paharap sa kanya.
"T-tumayo ka nga k-kama ko to eh!" Ilang na sabi ko sa kanya.
Pero hindi ito nagsagsalita sa halip ay niyakap pa niya ako palapit sa kanya. Nakasandal ang ulo ko sa dibdib niya at naririnig ko doon ang tibok ng puso niya.
"Sobra akong nagalala sayo...natakot ako."
Bulong nito sa akin. Pinikit ko ang mata ko at huminga ng malalim. Tristan.. naman.. pa fall ka! Haisshh bawal bawal!!
Dinilat ko ang mata ko at tumingin sa kanya.
"Tristan...okay na ako.. wag kang magalala" sabi ko sa kanya.
Humiwalay siya ng yakap sa akin at tumingin din sa akin.
Anong gusto mong kainin? Tanong niya sa akin.
"Ikaw?" Sabi ko sa kanya
"Reign naman... alam kong gwapo at maganda ang katawan ko pero di pa tayo pwede kasi di pa tayo kasal. "
Ha? Sinasabi nito?
"Ano? Hoy sabi ko ikaw ano gusto mo kainin hindi ko sinabing ikaw mismo hayyy nako tristan lumayo layo kanga sakin!"
Tawa naman ng tawa yung isa. Kainis itong lalaking to.
"Ah alam ko na.." -tristan
"Oh anong alam mo na?"
"Pakasal na tayo"
"TRISTAN HAH! TANTANAN MO AKO"
"Joke lang ito naman sige alis muna ako bili ako ng makakain natin."
"Okay"
Umalis naman na ito at isinarado ang pinto.
Ngayon magisa nanaman ako. Kinuha ko ang phone ko at isinaksak ang earphone doon tsaka ko inilagay sa tenga ko.
Pero hindi kanta ang una kong napakinggan kundi isang voice record!
"Im sorry reign. Hindi na kita guguluhin pa -ethan"
Tinawagan ko si ethan pero hindi niya naman ito sinasagot.
So.. tapos na ang trabaho ko sa kanya... there is no other reason para lumapit pa ako sa kanya...
Eto na yung iniintay ko pero bakit parang di pa ako natuwa.. hmm siguro nasanay nadin ako.
Ilang minuto pa at dumating nadin si tristan sabay kaming kumain ng binili niyang soup sa akin. Ininggit pa nga niya ako sa kinakain niyang fried chicken! Bawal pa kasi ako sa solid foods.
Ganon ang naging gawain namin sa loob ng ospital. Hindi ako iniwang magisa dito ni tristan hanggang sa gumaling ako ng tuluyan.
____________________________
Hi readers! Continue to read my strories and to my upcoming more updates pls. Wait!
Also Vote! And comment plss...
I LOVE YOU ALLL 😊😊❤
BINABASA MO ANG
Unexpected Love ( On- going )
Teen FictionHi! Ako si Reign Julia P. Dela Cruz ganda ng name pang mayaman pero hanggang pangalan lang muna dahil mahirap lang kami.Nakapasok ako bilang scholar sa isang Kilala at pang mayaman na shool. mabait ako, masipag, pala aral, pero ginawang alalay lang...
