Pag pasok ko ng room Ay nagkakagulo ang lahat dahil wala din Yung prof namin. Di ko nalang sila pinansin At nag dirediretso ng Lakad papunta sa Upuan ko. Pero di pa man Ako nakakalapit sa pupuntahan ko ng marinig ko ang Pangalan ko mula doon sa mga kaklase kong nagkakagulo. Napatingin ako at doon ko nakita si ethan pati nadin ang kaklase ko na nagsasagutan ng di magagandang salita!
Agad akong lumapit doon at nakisiksik sa gitna ng mga kaklase kong nagkakagulo. Nagulat ako dahil Isang Ethan Na putok ang labi ang bumungad sa akin.
"TAMA NA "
sigaw ko na nagpatahimik sa Kanila.
Agad kong hinatak si ethan paalis ng room dahil naiinis ako kung bakit siya nagkakaganito. Hindi naman siya dating ganto at ngayon putok pa ang labi niya
Nakarating kami sa garden kung saan kami laging tumatambay.
Binitawan ko siya at iniharap sa akin.
"ano ba nangyayari bakit ka nakikipagtalo doon?!" sabi ko sa kanya.
"Ayoko kasi ng mga sinasabi nila tungkol sayo reign" sagot naman nito.
" Nang dahil sa akin kaya putok yang labi mo ngayon! ethan naman wag mo nalang pansinin yung mga yun mga walang magawa na iyon!"
" Reign binabastos ka ng mga iyon tapos wala akong gagawin?!"
" Kahit na! ayokong nadadamay ka ng dahil sa akin. Hayaan mo na sila.. may mood na Paguusapan nila ako ,may mood na wala pero~"
Naputol ang sasabihin ko ng biglang sumabat si ethan.
"REIGN!" ganoon nalang ang gulat ko ng Sumigaw ito.
"ikaw na nga itong pinagtanggol ilaw pa ang galit!?"
"Hindi ako galit ang sinasabi ko lang ayokong nasasaktan ka ng dahil sa pangalan ko."
"Tsaka na tayo mag usap baka kung saan pa humantong ito." Aalis na sana si ethan ng pigilan ko siya.
Hinawakan ko siya sa kanyang pulsuhan at pinaharap sa akin.
"Gamutin ko pa yung sugat mo..." sabi ko.
"Hindi na uso naman ang nurse dito"
then umalis siya at iniwan ako dito.
"Concern lang ako ethan... " Bulong ko sa sarili ko.
Bumalik na ako ng room at nadatnan na nakaayos na ang lahat. Naglakad ako papunta sa Upuan ko at tsaka naupo. Katabi ko si ethan ngayon pero parang hangin lang ako ngayon sa kanya... di ako sanay ng ganito siya...kainis naman.
Fast forward...
Uwian na ngunit eto ako ngayon naiwan sa Room dahil sa Lakas ng ulan sa labas.
nakisabay pa yung ulan sa Problema ko...
Nilalamig na din ako at nagsisimula na ding dumilim ang langit.
Kailangan ko ng makauwi pero ano? susugod ako sa Ulan huhu Ano ba naman ito!
No choice lumabas ako ng Room at nagsimulang maglakad palabas ng campus.
Nang wala na akong masisilungan it means konting lakad ko pa ay mababasa na ako ng ulan.
Pero wala akong nagawa kundi takbuhin ito papunta sa Sakayan ng Jeep.
Nakauwi na ako ng bahay ng basang basa...
Pag uwi ko ay dumiretso ako sa Kwarto ko at naglinis ng katawan at nagpalit ng bagong damit.
Sinisipon nadin ako at inuubo.
"Sana naman hindi ako magkasakit nito... " sabi ko sa Sarili.
Pagkatapos kong kumain ng hapunan ay nagsipilyo na ako at pumunta na sa Kwarto ko. Nahiga ako at kinuha ang phone ko.
Gusto ko sanang Tawagan si ethan pero hindi ko na nagawa ng may kumatok ng ilang beses sa labas.
" Sino naman ang matinong taong Pupunta dito ng Ganitong oras?"
Pumunta ako sa Pinto at binuksan ito.
" Bubuksan mo nalang kaagad? paano kung sindikato pala ang kumatok sa bahay mo? "
Nagulat ako ng makita ko si ethan sa Harapan ko.
"A-Anong ginagawa mo dito?"
Hindi siya sumagot sa halip ay pumasok pa sa Loob ng bahay ko. Hindi ba't galit ito sakin?
"Bakit ka nga nandito?" tanong ko sa kanya.
" Papalipas ng gabi "
" Eh bat di ka sa bahay niyo matulog?"
At hindi nanaman ako sinagot ng loko.
" hindi bat galit ka sakin " -ako
" So?"
"So bakit ka nandito ?"
Aishhhh nakakaloko nato ah hindi nanaman ako sinasagot.
Hinatak ko siya palabas sana na Bahay ko dahil hindi ko na din kaya yung hilo ko. Gusto ko nalang Humiga at matulog.
Hinatak ko ng malakas si Ethan pero dahil sa bigat niya ako yung nahatak niya.
Hindi naman Ako sumunsob sa kanya tulad ng inaakala ninyo dahil sa simento lang naman ako sumubsob.
"Aray ah ksks" Tumayo na ako at hinayaan nalang si ethan na Nakahiga sa Sofa ko. Kainis to !
Bumalik ako ng Kwarto ko at kumuha ng Unan at kumot para kay ethan. Wala nadin akong nagawa at di ko alam kung anong trip ng lalaking ito.
Bumalik ako sa pwesto ni ethan Nilagyan siya ng kumot at ng unan.Sa pag lapit ko ay doon ko napansin na amoy alak siya.
"Pshh kaya pala di makausao ng matino Nako kung Di lang kita kaibigan matagal na kitang ano.. ano nga ba.. basta ksks"
Bumalik na ako sa Kwarto ko at nag pahinga na dahil Ang sama ng pakiramdam ko... Sana mawala na itong sakiy ng ulo ko... huhu.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love ( On- going )
Fiksi RemajaHi! Ako si Reign Julia P. Dela Cruz ganda ng name pang mayaman pero hanggang pangalan lang muna dahil mahirap lang kami.Nakapasok ako bilang scholar sa isang Kilala at pang mayaman na shool. mabait ako, masipag, pala aral, pero ginawang alalay lang...
