Pagkabukas ko ng pinto ng room namin ay biglang may natapon sa akin mula sa itaas ng pinto tinignan ko ito at nakitang isang timbang pula na may pinag halo halong harina, tubig , at pintura an natapon lang naman sa akin.
Punong puno ako ng dumi hindi lang sa muka kundi sa buo kong suot na uniform hanggang paa!
iniangat ko ang tingin ko at nakita ang mga kaklase kong tumatawa dahil sa nangyari. Hindi pa doon iyon nagtapos dahil pinagbababato din nila ako ng mga papel na nakalamukos!
Napatingin din ako sa bandang dulo kung saan nandoon ang grupo ni alice at ang grupo ni ethan..
Si nick at ethan ay nakangisi pa! Samantalang si tristan ay mukang hindi maipinta ang mukha...
Napakagat labi nalang ako at pinipigilan na tumulo ang luha ko dahil sa nangyayari sa akin ngayon.
"Good job tristan!! What a nice show..."
sigaw ng isa sa mga kaklase ko. Tinignan ko ulit si tristan. Kaya pala hindi maipinta ang mukha niya ngayon kasi isa siya sa mga may kagagawan ng nangyari sa akin. Hindi ko na napigilan at tumulo na ang kanina ko pang luhang pinipigilan.
Akala ko iba siya sa lahat. Nagkamali pala ako. Huminga ako ng malalim at tumalikod para umalis sa lugar na iyon. Habang naglalakad ako palayo ay narinig ko pa silang nagtatawanan at ang pagtawag sa akin ni tristan pero hindi ko na siya nilingon at baka kung ano pa ang magawa ko sa kanya.
Dumiretso ako sa Cr at ni lock ko iyon. Buti nalang at walang tao sa mga cubicle kaya malaya akong magagawa ang gusto kong gawin.
Pumunta ako sa lababo at binuksan ang gripo. Doon ko nilinis ang mukha kong puno ng harina't pintura... medyo nahirapan pa akong tanggalin nung una.. pero nawala naman na ang dumi sa mukha ko at sa braso ko..
Nang nalinis ko na ang katawan ko ay tinignan ko ang uniform kong punong puno ng pintura at harina...
Bilang na nga lang ang uniform ko ginanto pa nila.
Napaiyak nalang ako ng wala sa oras..
Lumabas na ako sa cr ng medyo kumalma na ako. Napagdesisyonan kong wag na lamang pumasok ngayon dahil kailangan pang linisin ang iilang bakas ng pintura sa katawan ko at madumi narin naman ang uniform ko.
Napadaan ako sa hallway kung saan nagkakagulo ang mga estudyante na para bang may tinitignan sa pader na may mga nakadikit na ewan ko. Hindi ko na sana papansinin pero nung nakita nila ako nagsihawi sila sa dinadaanan ko at umaliwalas din ang lugar kung saan sila nagkakagulo kanina.
Doon ko nakita ang malalaking pictures ko, ni tristan , at ni ethan mula sa bar, sa pagbigay ko ng ice cream kay ethan, sa paghatid sa akin ni tristan sa bahay, sa pagiging close ko kay tristan, at sa roof top.
Ano toh? Pagtataka ko... bakit may ganito?
Tinignan ko pa ang nakasulat doon kung saan nakita ko ang nakasulat na Ahas! At manaagaw na basura!
"Hindi totoo yan!!" Sigaw ko sa kanila na pinagtitinginan na ako.
Narinig kong may tumawag sa pangalan ko kaya napalingon ako doon nakita ko si tristan na parang hinahanap ako.
Pero bago pa siya makalapit ay tumakbo na ako palayo sa lugar na iyon.
Sobra sobra na ang nangyayari ngayon paano pa sa mga susunod na araw.. isang simpleng pagbunggo katumbas ng ganto?!
Hinabol ako ni tristan kaya nagmadali akong pumara ng taxi. Pero hinablot niya ang braso ko at iniharap ako sa kanya.
Hindi ko siya tinignan dahil naiinis ako sa kanya.
"Look im sor~~"
"Di mo kailangang mag sorry" putol ko sa kanya.
"Ayos lang haha hindi naman ako nasaktan ahmm nadumihan lang ung uniform ko ayos lang ako" patuloy ko at sa pagkakataong iyon ay tumingin ako sa kanya at ngumiti. Kahit deep inside nasasaktan ako sa ginawa niya.. akala ko talaga.. pare parehas lang pala sila.
Hindi ko nanaman napigilan ang luha ko! Kaya yumuko ako ng bahagya para di niya ito makita..
"No. Im sorry napagutusan lang ako.. hindi ko gusto na magkaganto ang araw mo reign please believe me..." - tristan
"Bitawan mo na ako.. uuwi na ako"
"Hahatid na kita sa inyo " pagpupumilit niya.
"Hindi na kaya ko na toh! Wag kang plastik!" Sabi ko sa kanya at binawi ang braso ko sa kanya at tsaka pumara ng taxi at sumakay doon pauwi.
Habang umaandar ang taxi hindi ko maiwasan na maalala ang nangyari sa akin ngayon kaya patuloy lang sa pagdaloy ang luha ko sa mukha ko.
Nakarating ako sa apartment ko at medyo kumalma naman na ako. Ramdam kong mugto na ang mata ko kanina pa kasi ako umiiyak. Binayaran ko si kuyang driver at bumaba nasa taxi.
Pagbaba ko nakita ko si ethan sa tapat ng apartment ko.
Hindi ko siya pinansin at tuloy tuloy lang sa paglakad.
Pero hinarangan niya ako.
Tinignan ko siya ng masama!
"Ano? Uutusan mo ko? Wait lang ha! Maglilinis lang ako ng duming kagagawan niyo!" Sabi ko sa kanya ng medyo mahinahon na. Wala akong ganang kausapin siya ngayon .
Lalakad na ulit ako ng tawagin niya ako.
"Ano ba?! Ano bang kailangan mo! Bakit kaba nandito? Pati ba dito sa aprtment ko gagawan mo ko ng show!?umalis ka muna.. ethan bukas na ako babawi sa yo.. bukas mo nalang ako utusan."
Nang tumigil ako sa pagsasalita ay iniabot niya sa akin ang isang paper bag.
"Uniform ito kunin mo na para makaalis na ako" sabi niya sa akin.
Kinuha ko naman iyon at tinignan.. uniform nga..
Sinarado ko ulit yung paper bag at tinignan siya.
Ngumiti ako sa kanya.
"Thankyou ah!"
"Ahh welc~"
Bago pa niya tapusin ang sasabihin niya ay binato ko pabalik sa kanya yung paper bag na binigay niya sa akin!
"Thankyou pero hindi ko kailangan ng awa mong peke! Alam mo mahal ng prinsipe.... umalis ka na bukas mo nalang ulit ako guluhin. Baka masagot pa kita at magalit kapa sa akin! Madagdagan pa ang kasalanan ko sayo.. please..lang."
Umalis na ko sa harapan niya at pumasok sa bahay ko. Pumunta ako sa kwarto ko para kumuha ng damit ko. Dumiretso ako sa Cr at tsaka nilinis ng tuluyan ang katawan ko.
Pagkatapos kong maglinis ay dumiretso ako sa kwarto ko at tsaka pabagsak na humiga sa kama ko.
Napatingin ako sa phone kong nagri ring kinuha ko ito at nakitang tumatawag ni mama..
Sinagot ko ang tawag.
"Hello ma?"
"Anak kamusta? "
"Ahh okay naman po ma.. maayos naman po ako kayo po? Kamusta po kayo ni kuya?"
"Ayos lang din kami anak. Nakitawag lang ako dito sa ka trabaho ko."
"Ahh ganun po ba"
"Oo nak! Miss na miss na kita nak! Iloveyouu nak.. pag ka ano bisita ka dito sa probinsiya ha?"
"O-opo m-mama iloveyou din po miss ko na din kayo ni kuya. Ingat kayo palagi jan ma ha? Promise po pag ka ano po dadalaw po ako jan sa inyo."
" sigi na anak babalik na ako sa trabaho.. sensya na kung wala pakong napapadala sa iyong pera ha.. medyo kapos din kami dito ih"
"Wag po kayong mag alala ma okay lang po ako na po bahala. Ma diskarte ata itong anak niya hehe"
"Ang anak ko talaga... sige na babye na "
"Babye mama"
End call*
Sorry ma kung nagsinungaling nanaman ako...
Pinikit ko ang mga mata ko para matulog at magpahinga.. kasabay ng huling patak ng luha ko sa aking mga mata.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love ( On- going )
Teen FictionHi! Ako si Reign Julia P. Dela Cruz ganda ng name pang mayaman pero hanggang pangalan lang muna dahil mahirap lang kami.Nakapasok ako bilang scholar sa isang Kilala at pang mayaman na shool. mabait ako, masipag, pala aral, pero ginawang alalay lang...
