Reign's POV
Nagising na ako at nilibot ko ang paningin ko. Ako nalang din magisa dito sa kwarto ko.
"Anong nangyari?" Tanong ko sa sarili ko."Ang alam ko nasa ilalim ako ng ulan at basang basa. Paano ako nakauwi?"
WAIT? WHAT? BASA? tinignan ko ang damit ko pero bago na ito at tuyo...
Dali dali akong tumayo at lumabas ng kwarto ko. Doon ko naabutan si tristan na nagluluto ng almusal.p"Oh gising ka napala " sabi nito sa akin. Lumapit siya sakin at sinalat ako sa noo.
"May sinat kapa... magpahinga ka muna dun sa kwarto" dag dag pa nito.
"Ahh hindi okay na ako teka.. ano bang nangyari? Wait dont tell me na..." pagtataka ko
"Wala kang dapat alalahanin. Hindi ako ang nagpalit sayo ng damit. Si ate niña diyan sa kabilang bahay. Okay..?"
"Ahh"
Bumalik na siya sa kusina at pinagpatuloy ang ginagawa. Maya maya lang ay pinapupo na niya ako sa upuan at nakahain na daw.
"Diba may pasok ka? I mean tayo"
"Hindi muna ako papasok alagaan nalang kita.."
Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya.
"Edi wag kang pumasok ako nalang papasok."
"Hayss ang kulit kita mong may sakit kapa eh" sabi nito sakin.
"Ayos na ako at tsaka 2 araw na tayong hindi pumapasok! Ikaw kasi mayaman ka.. scholar lang ako kaya hindi ako pwedeng magloko loko"
"Ohh siya sigi na.. after nating kumain mauna kana sa school susunod nalang ako wala akong uniform dito"
Sumangayon naman ako don sa sinabi niya.
Pagkatapos naming gawin ang mga dapat gawin ay dinaan niya muna ako sa school at tsaka siya umalis para magbihis sa condo niya.
Naglalakad na ako papunta ng room ng may tumalisod sakin.
Dahilan para bumagsak ako sa simento.
Ininda kodin ang sugat ko sa siko. Tumayo ako at pinagpagan ang suot ko.
"Anong ginagawa mo sa kotse ni tristan??" Tanong nitong si alice.Sa halip na pansinin ko siya ay hindi ko nalang ito pinansin.
"Kinakausap kita kaya wag mo akong talikuran!"
Sabay hablot sa buhok ko.
"Aray ko ha bitawan mo nga ako!"
" tinatanong kita!"
"Ano ba nasasaktan ako!"
"Dapat lang yan sayo... kasi para kang linta na dikit ng dikit kay ethan tapos ngayon kay tristan! Ano habol mo pera HA!??"
sigaw nito sa akin. Hindi ko na natiis at tinulak ko siya ng malakas kaya napaupo siya sa simento.
"Una sa lahat Hindi ako mukhang pera" sigaw ko dito.
"Una sa lahat bakit ngayon kalang? At bakit ka nakikipag aaway?"
Napatingin naman ako doon sa nagsalita at nakita si ethan na galit nanaman sa akin.
Nagulat ako ng biglang tumayo si alice at tumabi kay ethan.
Ano ako pa napasama?"Ethan tinulak niya ako eto oh nagkagasgas nako sa tuhod ko.." sabi naman ni alice.
"Wow.. eh ikaw naman ang nauna.. " sabi ko sa kanya
"Tama na!" Sigaw naman ni ethan.
"Alice pumasok ka na sa klase ikaw reign sumunod ka sakin"
Sinundan ko siya hanggang sa makarating kami sa office niya.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love ( On- going )
Teen FictionHi! Ako si Reign Julia P. Dela Cruz ganda ng name pang mayaman pero hanggang pangalan lang muna dahil mahirap lang kami.Nakapasok ako bilang scholar sa isang Kilala at pang mayaman na shool. mabait ako, masipag, pala aral, pero ginawang alalay lang...