Open the door***
"Kuya ano pog kailangan nila?"
"Ah pinabibigay po sa inyo itong sulat galing po kay Mr. Ethan G. Delafuente" sabi ni kuya.
Wala nabang load yun pang text tsaka kakakita lang namin kanina ah.
"Sure ka po ba kuya akin yan?"
"Opo mam. Kayo po si reign julia p. Dela cruz diba?"
"Ahh opo.."
Binigay naman niya sa akin yung sulat at pinapirma lang niya ako para malaman na na recieve ko na ito.
Sinarado ko na ang pinto ng umalis si kuya.
Pumunta akocsa kwarto ko at naupo sa kama.
Binuksan ko ang sulat at binasa ito.
______________________________
To reign:
Lets meet at the school 6:30 pm sharp!. Doon sa may lumang room may papagawa lang ako sa iyo at ikaw lang mag isa.
From: Ethan
______________________________
Ano nanaman nakain nitong lalaking ito. Palagi nalang akong pinapapunta ng gabi. Hirap hirap kaya sumakay at pumara ng taxi.
Binalik ko sa ayos ang sulat at nilagay ulit ito sa envelope.
Nilapag ko ito sa side table ko at lumabas ng kwarto para mag luto ng tanghalian.
-fast forward-
6:00pm na kaya nag hahanda na ako ng susuotin ko.
Nag suot lang ako ng denim pants and shirt at rubbershoes.
After non ay lumabas na ako ng bahay at pumara ng taxi.
Bumabyahe na ako ng maalala ko yung letter na naiwan ko sa side table ko.
"Hayaan mo na nga tanda ko naman" sabi ko sa sarili.
Nandito na ako ngayon sa EIS at pumasok na sa gate. Bukas pa ito dahil may pasok ang mga iba pang klase pero uwian nadin nila.
Dumiretso ako doon sa lumang room na sinasabi sa sulat.
Medyo madilim na din sa part na dinadaanan siya at iilan lang ang ilaw na nakabukas.
Kinilabutan pa ako dahil sa lamig ng hangin pero wala naman akong dalang jacket.
Nandito na ako sa harapan ng room na luma.
"Ethan?? Ethan nandito nako! Ano ba yung papagawa mo..?"
Bakit parang walang tao. Pumasok ako sa kwartong iyon at tsaka luminga linga. Ang dilim tsaka ang dumi wag mo sabihing papalinis din niya sakin to buset!.
Naglakad lakad pa ako ng biglang sumarado ang pinto.
Boogsh!!
Napatingin naman ako doon. Napaka creepy naman.
Ilang segundo pa at bumukas ang ilaw.
"Ethan? "
Lumingon ako doon sa kumaluskos na bagay at paglingon ko hindi si ethan ang nakita ko kundi si alice..
"A-alice.. nandito ba si ethan?"
Tumawa naman si alice maging ang mga alipores nito.
Hinawakan naman ako ng iba pang kaibigan ni alice sa braso at itinali ito sa likod.
"Tignan mo nga naman isang uto-uto din naman pala siya. Tinaguriang matalino sa klase pagdating dito tsk!" Sabi ni alice sa akin. Hawak padin ako ng mga alepores ni alice.
"Wala dito si ethan... Ako ang nagpadala ng sulat!!"
So niloko nila ako. Ano ng gagawin ko.
Lumapit sa akin si alice at hinawakan ng mahigpit gamit ang kanyang kamay ang pisngi ko.
"A-anu ba bitawan mo ako!!"
"Bitawan? Haha bitawan daw oh eto"
PAK!**
Isang malakas na sampal ang binigay sa akin ni alice.
Naku makawala lang ako ditoo!
"Ano bang kasalanan ko sayo ha!!?" Sigaw ko dito.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love ( On- going )
Teen FictionHi! Ako si Reign Julia P. Dela Cruz ganda ng name pang mayaman pero hanggang pangalan lang muna dahil mahirap lang kami.Nakapasok ako bilang scholar sa isang Kilala at pang mayaman na shool. mabait ako, masipag, pala aral, pero ginawang alalay lang...
