Chapter 21 - I can handle it

194 5 2
                                        

3 days later...

Reign's POV

Nandito ako sa EIS ngayon as usual may pasok na naman ako. Nakatanggap ako ng balita na okay na raw si tristan at nakalabas na ito ng ospital. Hindi ko na rin nagawa pang bisitahin ulit si tristan nung naka confine pa siya doon dahil ang dami ding binagsak na school works sa amin at kailangan ko iyong matapos kaagad. Plano kong puntahan nalang si tristan after class sa condo nito tutal alam ko na rin naman kung saan iyon dahil nakarating na ako doon plus friday naman ngayon so it's Okay.

Kasalukuyan kaming nagkaklase sa first subject namin ng biglang pumasok si Ethan. Tsk late..
Tinignan ko lang siya habang papalapit siya sa upuan na katabi ko.
Naupo ito at dumukdok lang sa lamesa na nasa harap namin ngayon.
Aba't pumasok lang para matulog ulit!
Sinundot sundot ko ung pisngi nito habang nakikinig sa Prof namin.
Nung hindi padin siya umayos ng upo ay kinurot ko na ito sa pisngi...

" ARAYY!" Sigaw ni Ethan.

Oops! mukang napalakas ata ang sigaw niya at nakatingin sa kanya ngayon ang prof namin.

" What's the matter Mr. " asked prof.

" Ahmm wala po hehe sorry for disturbing your class." Sabi naman ni ethan. Napatingin naman siya ng masama sakin at pinanlakihan ko naman siya ng mata. Na gets niya naman ang ibig kong sabihin kaya umayos siya ng upo at nakinig sa klase.

...Fast forward...

Tapos na ang klase namin ngayon. nandito kami ni ethan sa tapat ng locker ko para magbawas ng bibitbitin ang bigat mga besh ih.
Sinarado ko na ang locker ko at napatingin sa katabi ko. Tinaasan naman niya ko ng kilay.

"Pupunta ko sa condo ni ethan ngaun pero dadaan muna ko sa market para bumili ng mga gagamitin ko mamaya sa pagluluto." sabi ko kay ethan.

Hindi naman kumibo yung isa. Aba't itong tao na ito hmp!

"So...." sabi ko

" So...?" - ethan

" Una ka na hihi ingat sa pag-uwi babush!" pagpapaalam ko sa kanya. lalayasa  ko na siya ng bigla niyang hinatak ung buhok ko.

" ARAY ETHAN!" huhu buset sakit sakit nun ih. Sakalin ko kayo ito readers? charot.

"Ano ba!?" tanong ko sa kanya.

"Sama ko..." - Ethan

"hindi na... baka matagalan ako gabihin kapa ng uwi."

" gusto ko din makita si tristan at gusto ko din matikman yung lulutuin mo" - Ethan.

Wala nakong nagawa dahil ang kulit din ni ethan. Pumunta kami sa parking lot dahil nandun naka park ang kotse niya. Sumakay kami dito at dumiretso muna papuntang market para mag grocery. Konti lang din naman ang bibilin ko dahil naka budget din ako.

Naisipan kong magluto mamaya ng Sinigang na baboy. kaya mamimili muna kami ng mga sangkap na gagamitin ko sa aking pagluluto. Ako ang pumipili ng mga gamit na gagamitin ko at si ethan naman ayun tamang sunod sakin tulak tulak ung push cart namin.

"Anong lulutuin mo mamaya?" tanong ni ethan na nasa likod ko.

" Basta "

" Ano ngaaa"

" Siniganggg po" sagot ko dito. Kasalukuyang nakapila na kami sa Cashier para bayadan ang mga pinamili ko.

"Ano yung sinigang?" Tanong ulit ni ethan.

" Seriously di mo alam ang sinigang?"

Umiling naman ito.

"basta tikman mo nalang mamaya" sabi ko dito at ngumiti naman siya.

kami na ang next na magbabayad kaya tinulungan nako ni ethan na ayusin ang pinamili namin.

" 200 po lahat " Sabi ni ate cashier sa akin.

Kinuha ko naman yung wallet ko sa bag ko para kumuha ng pera.

Binigay ko kay ate yung bayad pero sabi nito okay na daw.

" Po? Hindi papo ako nagbabayad" sabi ko kay ate.

" Binayadan na po ni kuyang pogi na
kasama niyo"

Lumingon naman ako sa katabi ko na naglalakad na palayo sa akin bitbit ang pinamili namin kanina.
Aishhh ethhaan!

Nagmamadali kong nilagat sa bag ko yung wallet ko at hinabol si ethan.

" Ano ba ba't ka ba nang iiwan ha!?" Sabi ko kay ethan.

" Bagal mo ih "

Wow... ako pa talaga Hahaha nako ethan!
nakasakay na kami sa sasakyan ngayon. Bago niya istart ung Kotse niya ay inabot ko sa kanya yung 200 na naging utang ko kanina.

"Wag na..."

"Kunin muna..."

"Wag na nga po..."

Ang kulit naman... Nasabi ko nalang sa sarili ko.

" Basta sarapan mo yung luto mo yun nalang yung bayad hehe" Sabi naman ni ethan na ngayon ay nagddrive papunta sa condo ni ethan.

"ewan ko sayo...blablabla"

"Hoy reign wag mo kong ma Blablabla jan ha.."

" Bakit gusto ko eh "

"Pshhh"

Asar ka ngayon Hahaha.
Nilahad naman ni ethan yung kamay niya sa akin na parang may hinihingi.
Kaya naisip ko na kunin ulit sa bag yung 200 na utang ko dahil siya ang nagbayad kanina sa mga pinamili ko.
Pero hindi ko na nakuha yung pera sa wallet ko ng biglang kinuha ni ethan yung kamay ko at pinag intertwined ang mga ito. Hindi naman ako naka react agad dahil sa gulat.

"Much better..." Bulong naman ni ethan sakto lang para madinig ko iyon.

" H-hoy yung kamay ko akin na nga! Mag drive ka ng maayos." Sabi ko dito.

" I can handle it "

" Handle your face baka mamaya mabangga pa tayo noh! " Sabi ko dito sabay kuha ng kamay ko pero ang loko hinigpitan pa lalo.

Nakipagtalo pako para bitawan niya yung kamay ko pero waepek! naiilang ako mga besh!

Nakarating na kami sa wakas. Nandito na kami sa parking lot. Bababa na sana kami ng maalala kong  hawak niya nga pala yung kamay ko.

" Oh? bababa tayo.. Akin na yung kamay ko... "

At iyon! sa wakas binitawan na niya! Bumaba na kami at kinuha na yung mga pinamili namin.

" Ako na.." Sabi naman ni ethan.

" Tulungan na kita..."

" Hindi na kaya ko na po..." Sabi naman nito.
Sinarado na ni ethan yung compartment.

Ako naglakad nadin papuntang elevator.

" Reign! " Tawag ni ethan sakin.

" baket?"

" May eto nalang pala bitbitin mo"

Pshh kaya na raw tapos papabitbit din pala. Minsan hindi ko rin maintindihan itong si Ethan eh.
Lumakad ako palapit sa kanya at kukuhanin ko na sana yung isang plastik nang ilayo niya sakin ito.

" Oh akala ko ba magpapatulong ka?"

" hindi naman ito eh. "

" Eh alin ba?"

nilahad niya naman yung kamay niya sa harap ko. Hay nako... talaga!

" Kaya mo nayan..." Sabi ko dito at tumalikod na.
Naglakad na ko palayo ng maramdaman ko ang kamay ni ethan sa kamay ko.
Napa face palm nalang ako mga besh! anong nakain mo ethan...

"Ayan.. Better" Sabi ni ethan sabay ngiti sakin.

pero inirapan ko lang siya.

_______________________________________

Hi guys! Sorry for late update🥺. Pls. Continue to support Unexpected love!

Also Follow me and vote. Thankyouu

I love you all my readers 💖

Keep safe always & Godbless😊

Unexpected Love ( On- going ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon