Tapos na ang klase ko at tinignan ang phone ko na puro text message ni ethan. Itong lalaki talagang ito naku! Kundi lang kita boss..
|bossing kong prinsipe: |
| "pumunta ka sa roof top within 3 minutes pag wala kapa dito alam mona tsk. " |
|to bossing kong prinsipe: "oo na bossing ko! Papunta na"|
Kumaripas ako ng takbo papuntang elavator.. pero puno ito at ilang segundo din akong nagiintay. Kaya napag desisyonan kong gumamit na lamanh ng hagdan.
Alam nyo kung ilanh floor itong building namin? 8th floor!
Naku mababatukan ko talaga itong amo ko papatayin pa ata ako sa pagod haysss..
Nagmamadali akong umakyat at sa wakas nakatungtong nako sa walong palapag!
Grabe hinihingal akooo! Hirap huminga!
Binuksan ko ang pintong kaharap ko ngayon at sa pag bukas ko ay isang malakas na hangin ang dumampi sa aking mga balat. nakit ko din si ethan na naka upo sa may bandang dulo nitong lugar. Lumapit ako sa kanya
"Bakit nyo po ako pinapunta dito boss? May kailangan po ba kayo?"
"Oo.. bili mo ko ng ice cream 2 bilis"
WHATTT!!
" NAGBIBIRO KABA??"
"Bakit mo ko sinisigawan Ha!!"
"Umakyat ako dito gamit ang hagdan tapos ngayon papababain mo ko ng ground floor at papapuntahin sa pagkalayo layong canteen para lang bumili ng dalawang ice cream tapos aakyat ulit ako dito at oorasan pa!!" Hindi ko na talaga matiis naiinis ako sa kanyaaaa!
"PROBLEMA KO BA kung hindi ka gumamit ng elevator isa kang malaking Shonga!"
"Pero..."
"Wag mo nalang akong bilhan kung ayaw mo bahala ka!"
At lalayasan nya ako ngaun wow..
Ngayon ako nalang ang mag isa dito sa roof top.. mamaya na ako bababa. Umupo ako sa isang silya doon at nagmuni muni.
At hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako kaya pag gising ko ay 3:30 na ng hapon.
Bumaba na ako at napag desisyonang umuwi.
Habang naglalakad ako ay nakita ko si ethan sa garden nakaupo habang nakapikit. Napaka bait naman niyang tignan pag tulog sana palagi nalang siyang tulog. Sabi ko sa isip ko.
Sakto namang may malapit na bilihan dito ng ice cream na pinabibili niya sakin kanina.. kaya binilhan ko siya ng dalawa.
"Kuya pabili ngapong ice cream"
"Ano flavor ba ine?"
" ahh" napaisip ako ano bang paborito nitong flavor? Hayyss bahala na nga..
"Itong cookies&cream nalang po tsaka isang chocolate"
"Ito ine. Oh"
Inabot na sa akin ni kuya ang binili ko at tsaka ko ito binayaran.
Lumapit ako sa kinaroroonan ni ethan. Mukang di niya ko nararamdaman at napapansin kaya tinawag ko siya.
"Prince.." bulong ko pero di padin nya dinidilat ang mata niya.
"Prince.." sa pangalawang pagkakataon ay dumilat na ang mata niya at napatingin sakin Take note!! Napatingin ng masama.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Ahh sorry sa kanina.. alam ko na mali din ako kasi ikaw ang amo ko at ako ang ahmm... slave mo.. dapat hindi ako nagreklamo sa mga inuutos mo kaya sorry talaga kung nasigawan kita kanina.. sorry"
Inabot ko ang dalawang ice cream na hawak ko sa kanya..
"Eto oh sorry ulit and sorry kasi di ko alam ang gusto mong flavor kaya iyan nalang ang binili ko" kinuha niya iyon sa kamay ko at yumuko ng bahagya..
Pero nakita ko na napangiti siya..
Oww my gosshh ngumingiti pala tong lalaking to?..
BINABASA MO ANG
Unexpected Love ( On- going )
Teen FictionHi! Ako si Reign Julia P. Dela Cruz ganda ng name pang mayaman pero hanggang pangalan lang muna dahil mahirap lang kami.Nakapasok ako bilang scholar sa isang Kilala at pang mayaman na shool. mabait ako, masipag, pala aral, pero ginawang alalay lang...
