Nagising ako dahil sa lamig. Bumangon akong pupungay pungay ang mata at pinatay ang Fan na nakatutok sa akin. Lumabas ako ng kwarto at dumiretso ng kusina para uminom ng tubig. Napatingin naman ako sa Orasan At 4:15 palang ng madaling araw.
Naalala ko na nandito nga pala si ethan kaya sinilip ko siya sa sofa na hinihigaan niya pero unan nalang at kumot ang nakita ko doon.
Saan naman kaya nagpunta yon?
bulong ko sa sarili. Tumalikod na lang ako upang bumalik sa Kwarto ko.
"Ay! Pusang gala" Bwiset na lalaki ito. Pano ba naman pag talikod ko nasa Likod ko siya Hays!
" Saan kaba nag punta?" tanong ko sa kanya.
" Nag cr lang ikaw bat gising kana? aga pa ah?!" sabi niya.
"Uminom lang ng tubig sige balik na ako sa Kwarto" sabi ko sa Kanya.
" Ayos kalang?" Tanong nito sa akin.
"Oo naman! ikaw nga dapat tanungin ko niyan Uminom ka diba? So ayos kanaba? " Pabalik kong tanong sa kanya. Shocks parang masusuka pako.
" Ah oo ayos na ko sige na tulog ka na ulit Aalis na din ako bukas" Sabi nito.
Babalik na sana Ako ng masuka ako sa harapan niya. Nagulat ako at humingi ng Sorry. Dumiretso ako sa Lababo at doon ko tinuloy ang pag suka ko. Nang matapos ako ay inabutan naman ako ni ethan ng isang baso ng tubig. Sinalat niya din ako. Wala na mukang nagkasakit na nga talaga ki huhu.
" may lagnat ka Reign!"
"Oh ano gagawin ko? Haha Wala to nukaba Balik kana sa pagkakatulog Kaya ko na ito." sabi ko sa Kanya pero ayaw nito.
"Asan yung gamot mo?" - ethan
"wala akong gamot dito." Talaga naman kasi. Hindi naman ako bumibili ng gamot kasi alam kong di ako magkakasakit Mali pala...
" Aish Sige na Mahiga kana ulit sa Kama mo"
" Sorry ethan.... Nadumihan ko ung damit mo pahiramin nalang kita kung gusto mo May t shirt naman ako dito na unisex baka kasya sayo"
"Shhhh sige na Bumalik ka na sa kwarto mo ayos lang" Sabi nito.
Bumalik na ako sa kwarto ko. Pero bago ako humiga ulit ay hinanapan ko muna siya ng shirt na kakasya sa kanya. Nung may nahanap na ako ay nilapag ko ito sa Side table ko, Humiga at pinikit ang mga mata ko.
Ethan's POV
Tapos ko ng linisin ang suka ni reign sa simento nito. Pumasok din ako sa CR para linisin ang shirt ko pero wala nabasa lang lalo kaya hinubad ko nalang. Lumabas ako ng banyo at naghanap ng Palanggana at bimpo. nilagyan ko ng kaunting tubig ang palanggana at binasa ko ang bimpo.
Pumasok ako sa kwarto ni reign at naabutan ko itong natutulog na. Nakita ko din ang Shirt na nasa Side table nito. Ito siguro yung shirt na sinasabi niya kaya Sinuot ko nalang muna ito. Pag katapos ay Umupo ako sa gilid ng kama niya at pinunasan siya ng Basang bimpo. Kita ko kung paano siya manginig dahil sa lagnat niya. Nakahanap din ako ng gamot sa bag ko. Ginising ko siya para ipainom sa kanya ang gamot.
Pagkatapos nun ay humiga na siya ulit.
Sorry reign... dahil sa akin nag kasakit ka, Bulong ko sa sarili.
Tumayo na ako at kinumutan siya. Pero bago pa ako makalabas ng kwarto niya ay narinig ko ang hikbi nito. Tinignan ko siya at hindi nga ako nagkakamali umiiyak ito.
Umupo ako sa gilid ng kama niya at pinunasan ang luha niya gamit ang likod ng kamay ko.
"Shh tahan na..." Bulong ki sa kanya.
"hmmm ma.. mama.." Paulit ulit na sinasabi ni reign habang natutulog.
"Shhh nandito lang ako.." Bulong ko sa kanya..
Hindi na ito kumibo pero naramdaman ko ang kamay nito sa braso ko. Mahigpit itong nakahawak sa akin na para bang ayaw akong umalis nito.
"Ano bang nangyayari sa iyo reign..."
Bulong ko sa sarili.
Sumandal nalang ako sa Kama ni reign at hinayaan siyang hawakan ang braso ko. Pinikit ko na ang mata ko at nakatulog na din ako.
Reign's POV
Na alimpungatan ako ng maramdaman kong parang ang sikip sa pwesto ko. Hindi din ako makahinga. Dahan dahan kong dinilat ang mata ko at inilibot ito. Halos lumuwa ang mata ko ng makita kong magkayakap kami ni ethan. Konti nalang at mahahalikan ko na ito. Sobrang lapit namin sa isat isa.!
Dahan dahan kong inaalis ang braso ni Ethan na na ka yakap sa akin. Pero mas humigpit lang ito lalo.
Bwiset Ethan lumayo ka sakin AGHHHHHHHH!!
Sinubukan ko siyang itulak ng mahina pero wrong move ata dahil nagising ko ito.
"Ahh ethan layo ka nga ang sikip eh"
Sa halip na lumayo ay ngumiti lang ito.
"Bakit ka ngumingiti dyan baliw kaba? Aliss ngaaaa" Sabi ko sabay tulak sa kanya pero parang Isang malaking bato ang tinutulak ko dahil ayaw man lang matinag.
"Good morning Okay kanaba?" Tanong nito sa akin.
Ha? anong nainom nito?
" Ahh oo okay na ako kaya lumayo ka na ng konti pls lang ethan."
Tumayo naman Ito at nag inat inat.
" Ang Bigat mo reign tsk! namamanhid braso ko sayo" sabi nito sa akin ng natatawa.
" Aba! Sino ba may sabing Dito ka matulog eh sa sofa ka diba!!?"
" Sino din bang may sabi na Hawakan mo ako sa braso ng ilang oras na para bang ayaw mo ko umalis HAHAHA ikaw ah tsk sabi ki na crush mo ko eh"
pang aasar nito sa akin.
" Crush ka dyan Asa ka!" Tumayo na ako sa mula sa pagkakahiga at medyo na out of balance pa.
"Oh Dahan dahan lang baka mahulog ka" Sabi ni ethan.
" Tseh!" sigaw ko dito.
Pero ang mokong ayun tumatawa parin. Problema nun?!
Napatingin ako sa orasan at nagulat ng 8:30 na!!
"WAHHHHHHH ETHAN BAKET DI MO AKO GINISING!" Sigaw ko sa kanya.
Nagmamadali akong pumunta sa banyo para maligo ng pigilan ako ni ethan...
"Ethan wag ka ng sumabay May pasok pa tayo"
" its Holiday " sabi nito.
"Ha? anong holiday?"
"pshh Walang pasok okay?" Sabi nito sa akin.
Tumingin naman ako sa kalendaryo ko at holiday nga... Ano ba namang ka shongaan yan reign.. haysss!
BINABASA MO ANG
Unexpected Love ( On- going )
Teen FictionHi! Ako si Reign Julia P. Dela Cruz ganda ng name pang mayaman pero hanggang pangalan lang muna dahil mahirap lang kami.Nakapasok ako bilang scholar sa isang Kilala at pang mayaman na shool. mabait ako, masipag, pala aral, pero ginawang alalay lang...
