Chapter 1: Simula Ng paghihirap

965 17 0
                                    

Almost 1 week na akong pumapasok sa Elite International School (EIS) pero sa pitong araw kong iyon parehas lang din ang nangyayari sa akin. Sikat ako hindi sa pagiging maganda o mapera kundi sikat ako bilang inaapi sa school.
Yes.. simula ng makabunggo ko ang lalaking may ari daw ng school dumagsa na ang bashers ko mga prends. Hindi ko naman kasi sinasadya nag sorry naman ako pero waepek..
Sinabi pa sakin ni kuyang pogi na may ari ng school DAW. Ay

"Watch your way hindi mo kilala kung sino ang binangga mo"

NAKAKATAKOT siya sa totoo lang Ni wala akong emosyon na nakita sa muka niya. Emotionless na masungit

At eto nanaman ako sa harapan ng gate ng EIS habang naglalakad ako sari saring bulungan at mga mata ang nakatingin sa akin.
"Look gurl nandito nanaman yung bumangga sa prince charming ko"
" nakakita nanaman ako ng basura"
"Baduy manamit"
"Bakit ba kasi nakapasok yan sa school natin look hindi siya bagay dito"

Ayan yaan ang mga bulungan nila.. masakit oo pero hindi ako pinalaki ng mga magulang ko bilang pala away kaya di ko nalang din pinatulan ayoko din naman ng gulo.

Nakayuko ako habang patuloy na naglalakad. Humarang ang tatlo na babaeng kinakatakutan din dito sa school.
Hindi naman siya ang may ari ng school pero alam mo na kung kumilos bossy din ang dating. May gusto kasi ito sa nakabunggo ko nalaman ko ng minsang hinarang din niya ako.

"Kabahan kana Girl ni iniiwasan nga naming mabunggo si ethan pero ikaw tsk! Patay ka!" Girl 1.
"Buti lang yun sayo kasi once na mapatalsik ka na niya dito sa school wala na akong basura na makikita sa harapan ko" Girl 2

"Hinay hinay naman sa pagsasalita and hindi ako basura Tao din ako" sabi ko sa kanila

"Alice sinasagot ka ata ah" girl 3

" ako wag mo akong sinasagot sagot " -alice

"Hindi naman kita sinasagot nag sasabi lang ako ng nararamdaman ko kasi tao din naman akong may pakiramdam"

" whatever you say isa kang taong basura lets go girls"

umalis na sila sa harapan ko kaya naglakad na ulit ako. Bakit ba kasi ang layo ng building namin kapagod ah..

Malapit na ako sa building namin ng biglang sumulpot si tristan sa harapan ko. Kilala ko na ang tatlong lalaking iyo kasi kaklase ko din sila ang galing noh! Si ethan na leader nila bossy at may pagkamasungit basta.. si nick na kaibigan ni ethan na medyo may pagkataray din at si tristan.. ang naiiba sa kanilang tatlo.
Mabait kasi ito kahit papaano sa kanya..

"Reign!!" Tawag nito sa akinl

"Bakit?"

"Tawag ka ni boss sa office niya" -tristan

"Bahala siya" kita ng may klase ako guguluhin pa ko nun. Di pa ba sapat ung sorry. Iniiwasan ko na nga siya! Siya naman tong pinapatawag ako lagi.

"Reign pls.. pumunta ka nalang" tinignan ko sa mata si tristan muka namang gusto nya talaga kong papuntahin kawawa naman
"Oo na eto na po"

Naglakad kami papunta office ng boss niya.
Habang naglalakad kami papunta sa office nung kumag naun napatingin ako sa gawi ni tristan na nahuli kong nakatingin sakin. Nung nahuli ko naman siya bigla siyang umiwas ng tingin.
Problema nun? Di ko nalang siya pinansin ulit hanggang sa makarating kami sa pinto ng office ni ethan.

"Reign sige una na ako sayo " -tristan

"Ha? Iiwan mo ko dito intayin mo nako saglit lang naman siguro to"

"Ahh di na una na talaga ako sorry.. hindi mo pa kilala si boss"

Bago pa ako makapag salita umalis na siya sa harapan ko.
Hayss! Kumatok ako sa pinto at binuksan ko ito pero nakalock!!
Akala ko ba sa office eh bakit sarado??

Sinubukan ko ulit na buksan at kumatok ulit pero ayaw talaga!

"Ethann!! Nasa loob kaba? Nandito na ako! Ethannnn!" Sigaw ko.
Sinubukan kong pihitin ulit ang doorknob sabay tulak pero sa kasamaang palad bigla itong bumukas at napasubsob ako sa loob ng office ni ethan.
Naririnig ko siyang tumatawa sa likod ko.. habang ako eto nakadapa
"Ouchhh! Sakitt" daing ko at napahawak sa ulo ko pero may likido akong nahawakan pag kakita ko dugo! Bwisit tong lalaking to papatayin pa ata ako sa salang pag bunggo lang sa kanya.
Dahan dahan akong tumayo at iniinda ang hilo at sakit ng ulo ko.
Siya? Ayun tumatawa padin.
Humarap ako sa kanya pero tumigil siya sa pag tawa.

" ano bang kailangan nyo sa akin?"

Tinignan ko ulit sa mata si ethan ewan ko parang natameme ata.

"Ahh itong sugat ba sa ulo ko? Wala to! Hindi naman masakit"
Tinanong ko ulit siya kung ano ang kailangan niya sakin pero imbis na sagutin niya ako ay hinatak niya ung kamay ko papuntang sala at iniupo ako sa sofa.

Umalis siya ag pagbalik ay may dala siyang emergency kit.
Lumuhod siya sa harap ko at ginamot ang sugat ko sa ulo.

"Ahh ethan hindi na ayos lang nam~ Ouch!!"

"Wag ka ng madaldal!"

Hinayaan ko nalang siya na gamutin ang sugat ko tutal siya din naman ang may kasalanan nun.
Nilagyan din niya ito ng band aid pagkatapos.

"Sumunod ka sakin" utos niya sakin.

Sumunod ako ng tahimik sa kanya. May binigay siya sa aking papel at ballpen at sinabing pirmahan ko daw iyon.
Tinignan ko ang papel na may nakasulat na gusto akong gawing slave nitong lalaking ito!
"Pero nag aaral ako dito pumapasok ako bilang student hindi ang pagiging alipin mo ethan"

"Pirmahan mo o aalis ka ng school nato?"

"Nag sorry namn na ako sayo hindi pa ba sapat yun?"

"No and no more explanations!!" Sigaw niya sakin.

Kahit labag sa kalooban ko pinirmahan ko iyon at binalik sa kanya ang papel.

" from now on you will call me boss or prince! Got it?"

Tumango ako sa kanya at pinabalik na ako sa room ko.




























































Plss support and continue to read my stories guyss!!
Godbless 😊

Unexpected Love ( On- going ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon