Reign's POV
Pagmulat ng mga mata ko ay puro puti ang aking nakikita. Potek patay na ba ako? Dahan dahan kong inikot ang paningin ko at nakita ko si ethan na nasa tabi ko.
" H-hala patay k-ka na din??" Sabi ko dito.
Napa aray naman ako ng pitikin ni ethan ang Noo ko.
" Aray anu ba! Ang sakit yah" Kainis tong lalaking toh sarap ibaon sa lupa Char.
" Nasan ako ethan?" Tanong ko dito.
" Nasa ospital"
ahhh.. HA? WAIT?
" OY ETHAN ANONG ORAS NA??"
" It's 3:00 In the Afternoon"
Oww my gulay! Hindi ako nakapasok sa school HUHUUHU.
" Oh bat malungkot ka diyan?"
Tumingin naman ako kay ethan ng naka nguso.
" Eyy kasi... Di ako nakapasok"
"Pshh Pinagpaalam na kita" sabi naman nito.
Sinabi naman ni ethan na pwede na akong umuwi mamaya. Nahimatay lang daw ako dahil sa hindi ko ata pagkain kahapon at sa pagod.
5:00 na ng makalabas kami ng ospital ni ethan. Sinakay niya ako sa Kotse nila pero hindi siya ang nag drive kundi yung driver nila. Habang bumabyahe ay nakatingin lang ako sa labas. Tinatanaw ang nagtataasang buildings na may iba't ibang kulay ng ilaw dahil padilim nadin naman ang langit. Habang bumabyahe bigla na lang may mabigat na dumagan sa kaliwang balikat ko. Pagtingin ko nakita ko si Ethan na mahimbing ng natutulog habang nakasandal ang ulo sa aking balikat. Napagod din siguro ito.
Sinandal ko nalang din ang ulo ko sa ulo niya at naisipang umidlip nalang din.
Ethan's POV
Nagising ako ng may kumakalabit sa akin. Dahan dahan kong dinilat ang mata ko at nakita si manong na sumesenyas na "nandito" na daw kami sa bahay ni reign.
Dahan dahan ko namang inangat ang ulo ko ng mapagtantong nakasandal pala ako sa balikat niya.
Pero gumalaw na ako lahat lahat at hindi parin nagigising si reign.
Si Manong naman ay lumabas muna saglit dahil may tumatawag daw sa phone nya.
" Reign.. nandito na tayo.. gising na." Bulong ko dito pero no response.
Pinilit ko pa itong gisingin pero wala.
Kinuha ko ang phone ko at tinignan kung anong oras na and it's 7:30 in the evening. Napatingin naman ako sa gilid ko ng gumalaw si reign pero nilipat lang nito ang pagkakasandal ng ulo niya sa bintana ng kotse nito.
Pinagmamasdan ko lang si reign na mahimbing na natutulog. Pero may kalokohang pumasok sa isip ko Haha.
Pinicturan ko si reign habang natutulog siya. Pero nanlaki ang mata ko ng may flash pala ito. Tinago ko ung phone ko sa likod ko ng napaingit si reign. Nagising na ito pero ako eto ang lakas parin ng kabog ng dibdib ko sa kaba.
" B-buti naman g-gising kana Nandito na tayo sa bahay mo" Sabi ko dito.
" A-ahh Sige salamat sa paghatid ethan." Sabay ngiti nito.
" Ahmm Reign" Tawag ko dito bago siya lumabas ng kotse.
" Sorry sa mga nasabi ko sayo ah And sa inasal ko kahapon. Thankyou nadin sa paghahanap mo kay leo"
" Anu kaba Ayos lang yun sige Pasok na ko ha Bbye ingat kayo ni manong sa byahe ethan" Sabi nito at binuksan na ang pinto ng kotse, lumabas at isinara na ang pinto. Pumasok na rin siya sa kanyang bahay.
Nakauwi na ako sa condo ko, Yes sa condo ko muna ako tumuloy. Nagpalit ako ng pambahay at nahiga sa kama ko. Inopen ko ang phone ko at nakita ang picture ni reign na natutulog. Nakuhanan ko pala siya ng Litrato kahit nagalaw ko yung phone dahil sa gulat. Akala ko blurred pero sakto lang para makita ko ang maamo niyang mukha.
Wait? what? maamo? Hahaha LOL no it's a big no. AGHHHHH Enough ethan ano bang iniisip mo! Binato ko ang phone ko sakto lang para tumalbog sa gilid ng kama ko.
Niyakap ko ang unan ko at naisipang matulog nalang.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love ( On- going )
Teen FictionHi! Ako si Reign Julia P. Dela Cruz ganda ng name pang mayaman pero hanggang pangalan lang muna dahil mahirap lang kami.Nakapasok ako bilang scholar sa isang Kilala at pang mayaman na shool. mabait ako, masipag, pala aral, pero ginawang alalay lang...
