Umiiyak ako habang naghihintay ng jeep pinag papasalamat ko na lang na walang tao. Dahil magtataka sila kong bakit ako umiiyak.
Mapanghusga pa naman ang nga tao ngayon. Hindi pa nila nalalaman yung kwento pero nanghuhusga na agad sila.
Hindi ko nga alam kong paano ako nakapunta dito eh. Basta ang alam ko wala na kami ni Lance, dahil siguro sa bilis ng pangyayari kaya diko na napansin na nandito na ako pala ako sa sakayan ng jeep.
May humintong jeep ng pinara ko ito, dali dali akong sumakay. Pinapahid ko ang mga luha ko dahil nakakakuha ako ng atensyon sa mga pasahero pero kahit anong pagpipilit kong wag umiyak kusa pa ring tumutulo ang mga luha ko. Tama nga sila pag nasaktan ka kusa na lang tutulo ang mga luha mo. Kahit gaano pa ang pagpipigil mo wala kang magagawa.
Bakit ba naman kasi nangyayari to sa akin? May kulang ba sa akin? Wala naman akong maalala na may ginawa akong mali eh. Ayoko ng ganitong feeling! Ang sakit sakit na!
Napapahikbi na lang ako dahil sa pagpipilgil ng iyak hanggang sa may nag-abot sa akin ng panyo.
Tinitigan ko lang ang panyong inaabot niya sa akin ng bahagya niya itong itaas para kunin ko.
"Kunin muna pinagtitinginan ka na oh?!" sabi nito wala sa sariling kinuha ko ang panyo saka ko ipinunas sa mukha ko.
Wala akong imik habang umiiyak wala na din akong pakealam sa mga nakasakay ang gusto ko lang mailabas ko itong sakit nararamdaman ko. Sa ngayon gusto ko munang iiyak yung sakit na nararamdaman ko.
Mas lalo akong napaiyak dahil naalala ko ang nangyari kanina sa apartment ni Lance.
[/Flashback/]
Nasa byahe ako papunta sa apartment ni Lance balak ko siyang bisitahin kasi ilang linggo ko na din siya hindi nakakausap kahit na sa text nag aalala tuloy ako.
Nang makarating ako sa apartment niya sakto naman na lumabas siya at bihis na bihis halatang may pupuntahan pa ito.
Mukha pa siyang nagulat ng makita ako doon."Babe!!" sigaw ko saka ako lumapit sa kanya at yumakap.
Nag taka ako ng hindi siya tumugon sa yakap ko. May problema ba siya? Hindi niya ba ako na miss?
"May problema ba? Ilang araw na tayong hindi nagkikita ah, hindi moba ako na miss?" hinawakan ko pa ng bahagya ang pisnge niya. Napapitlag ako tabigin niya ang kamay ko.
"Anong ginagawa mo dito?!" Naiinis niyang sabi. Teka bakit siya nag kakaganito? Ok naman kami nung huli naming pagkikita ah.
"Binibisita ka babe!! Ano ba namang klaseng tanong yan?" bigla akong nakaramdam ng kaba sa tono ng pananalita niya kaya naman dinaan ko na lang sa pabirong sagot.
"Hindi ka na dapat pumunta dito!" sabi nito at nag umpisa ng lumakad papalayo sa akin.
Mabilis ko naman siyang hinabol at hinawakan ang braso niya.
"Teka!! May problema ba tayo Lance?" pagtatanong ko sa kanya dahil sobra na akong kinakabahan sa pinapakita niya. Isa ba to sa mga joke niya? Kasi kong oo, hindi na ako natutuwa!
"Ava break na tayo!" sabi nito na ikinalito ko. Kumabog ang puso ko dahil sa kabang nararamdaman ko sa sinabi niya. Break? Bakit kami mag bre-break?!
"Teka...break? hindi naman tayo na break ah!" naiiyak kong sabi. Wala akong maalala na nagbreak kami!
"Joke ba to kasi, kong oo please sabihin muna" pagmamakaawa ko sa kanya. Ayoko ng ganitong biro dahil feeling ko totoo.
"Look Ava hindi mo ba napansin na hindi kita nirereplayan sa mga text mo, hindi ko sinasagot ang mga tawag mo, at hindi na ako pumupunta sa bahay niyo. Ibig sabihin nun break na tayo" hindi ako na inform na ganon na pala ang way para makipag break ngayon.
BINABASA MO ANG
A Desolate Love (Completed)
Teen FictionIsa siyang sa libong libong babae na sobrang minahal ang first love nila at isa siya sa libong libong babae na umiyak at nag mukmok dahil sa kasawian. Maaari pa nga ba siyang mag mahal muli? Paano kung nagmahal ulit siya at sinugal lahat lahat. An...