Chapter 7

308 51 2
                                    

Po'v Ava

"Kung nasasaktan kana... wag mo ng titigan dahil mas lalo ka lang masasaktan" Naramdaman ko na lang na hinila niya ako paalis sa lugar na yun.  Hanggang sa binitawan na niya ang mga kamay niyang nakatakip sa mga mata ko.

Hindi ako nag salita pero patuloy pa rin akong umiiyak nakayuko lang ako at tinitignan ang sapatos ko, Napahawak ako ng mahigpit sa palda ko. Bakit?! Bakit kailangan ko pang makita ang eksena na yun?!

Bakit kailangan pang ipamukha sa akin ng tadhana na hindi na niya ako mahal?!

Masakit na eh!! madadagdagan pa? Ayoko na eh handa naman na akong mag move on!! Pero bakit kailangan ko pang masaktan ng sobra? Hindi pa ba sapat yung sakit na naramdaman ko?

May humawak sa dalawang balikat ko at hinawakan niya ang isa kong pisnge.

"Hey chin up lady!"umiling ako, ayokong makita ako ng iba na umiiyak tama na yung mga taong nakakita sa akin na sirang sira na ako.

Narinig ko siyang nagbuntong hininga saka hinawakan ang baba ko at bahagya itong itinaas. Natitigan ko tuloy ang berde niyang mga mata.

"It's ok to cry... Just let it go!!"nakangiti nitong sabi doon na ako nakahagulgol dahil hindi kona kaya. Mahal ko pa talaga si  Lance at hindi ko alam kong bakit ko hindi makalimutan ng peste puso ko ang lalaking yun!! Ayoko na!  Pagod na pagod na akong umiyak!

Hindi kona napansin na nakayakap na pala ako sa lalaking humila sa akin pero kahit na narealize kong nakayakap na ako sa kanya, ayokong kumalas sa pagkakayakap ko sa kanya.

Kailangan ko lang ng tao ngayon na pagbubuhusan ko ng sakit na nararamdaman ko.

Ayoko naman umiyak sa harap ni Mike kasi ayokong mag-aalala siya sa akin. Ilang minuto pa ay tumahan na ako sa pag-iyak.

"Ok kana? nailabas muna ba lahat ng sama ng loob mo?"bahagya ko pang pinunasan ang sipon ko gamit ang likod ng palad ko. Dugyot na kung dugyot sa wala akong panyo.

"Oo, salamat sa pag-hila sa akin saka sa pag takip sa mga mata ko"binigyan niya ako namatamis na ngiti.

"Wala yun, kahit sino naman siguro na makita kang umiiyak gagawin yun"tahimik lang ako, nasa likod lang kami ng education building kaya umupo na lang ako sa lilim ng puno. Umupo din siya sa tabi ko.

"Wala kana bang klase ngayon?"basag niya sa katahimikan.

"Meron pa pero last class kona yung ngayong araw,  pero hindi na muna ako papasok hindi din naman ako makakapag-isip ng maayos sa klase baka mapagalitan pa ako"tumango tango naman siya saka nangalumbaba habang nakatingin sa akin. Ewan ko pero hindi man lang ako nakaramdam ng ilang sa ginagawa niyang pag-titig sa akin.
Siguro dahil tinulungan niya ako kanina.

"Ikaw wala ka na bang klase?"pagtatanong ko saka ako umiwas ng tingin sa kanya.

"Wala na" kung sabagay kakaumpisa pa lang naman ng klase hindi pa gaanong naguumpisa ang klase kasi madami ding ginagawa ang ibang professor.

"ahhh ganon ba"nag-hari ang katahimikan sa pagitan namin, niyakap ko ang mga tuhod ko at doon ko isinubsob ang mukha ko.

"Hindi kaba mag tatanong?"tanong ko sa lalaking tumulong sa akin.

"Ano bang gusto mong itanong ko?"napaangat ang tingin ko sa kanya.

"Kung bat ako umiiyak kanina?"patanong kong sabi sa kanya.

"Kahit naman hindi ko tanungin halata naman na may gusto ka doon sa lalaki yun eh"may point naman siya kasi sino ba naman ang iiyak kung walang ka gusto sa isang tao.

A Desolate Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon