Dedicated to ShierlleyCelino hi bb thank you sa pag-aabang stay healty and always pray bb mwa. 3 more chapters Believers 😭
Ava POV
Kagaya ng desisyon ko ipaglalaban ko ang pagmamahal ko kay Jake kahit pa hindi niya ako maalala.
Nandito kami ngayon sa park kasama ang mga kaibigan ko. Si Chen na natutulog sa mga hita ni Mike, si Gina naman at Zallyna na nakachichismisan na anamn tungkol sa mga lalaki, at si Katherine habang nilalambing si Jake at may pa nagsusubuan sa harapan ko.
Kung tutuusin para akong na out of place pero wala namang kaso kung hindi nila ako pinapansin ang mahalaga naman dito ay nababantayan ko ang galaw ni Katherine.
Ok na ako sa nakikita ko siya habang masaya sa piling ng iba. Pero hindi ibig sabihin nun bibitaw ako sa pagmamahal ko kay Jake. Ipaglalaban ko pa rin siya kay Kath.
Mas deserve ko si Jake at wala akong pakialam kung makasakit pa ako ng ibang tao.
Hindi maling isipin ko naman ang sarili ko minsan na akong nagparaya at hindi na ulit yun mauulit pa.
"Ang lalim ng iniisip mo ah."siniko ako ni Gina na nakaupo na pala sa tabi ko.
"Hindi niyo kasi ako kinakausap kaya kung ano ano ng naiisip ko. Naiisip ko na nga na sakalin kayo dahil may kanya-kanya kayong buhay." niyakap naman ako ni Gina at nanlalambing na ipinatong niya ang baba niya sa balikat ko.
"Nag-tatampo naba ang baby Ava namin?"natatawa akong inalis ang mukha niya balikat ko.
"Tumigil ka nga... hindi niyo ako baby."tumingin ako kay Jake na nakangiti ngayon habanh nakatingin kay Kath.
"Aww oo nga pala si Jake lang ang pwedeng mag tawag sayo nun. Pero girl sa tingin mo maalala kapa niya? Tignan mo si Chen at Mike kasal na sila. Naka-graduate na tayo at may kanya-kanya na tayong mga trabaho pero wala pa rin eh." Mapait akong ngumiti tama siya it's been six years simula ang aksidente pero hindi pa rin bumabalik ang alala ni Jake.
I waited too long at alam kong napapagod na ako sa kakahintay. Nung una determinado pa ako pero sa bawat araw, buwan at taon ang lumipas unti-unti yun nawawala.
"Gusto ko din maging masata Gina... at si Jake ang makakagawa nun, wala ng iba pa."napatitig ako sa damuhan. "Hindi ko naiimagine yung buhay ko ng wala si Jake. Kahit umabot pa ng sampong tao o lumagpas pa yun maghihintay ako."
"Ava hindi kaba napapagod? Alam ko naman na mahal na mahal mo si Jake pero Ava madaming lalaki dyan na pwedeng mag mahal sayo."sa loob ng anim na taon wala akong pinayagan na manligaw sa akin dahil sa sobrang pagmamahal ko kay Jake.
"Oo aaminin ko napapagod na ako pero ano na lang ang mangyayari kung sumuko ako? Alam ko posible nang mangyari yung mga dasal ko araw-araw pero mas pipiliin ko na lang na ganito na lang. Kahit sa kahuli-hulihang hininga ko siya pa rin ang mamahalin ko."Tumigil ako saglit at tinignan niya sa mga mata, kita ko doon ang pag-alala at pagkaawa sa sitwasyon ko. Alam ko na nakita na nila kung gaano ako nagsumikap na maalala ako ni Jake pero wala eh.
Isa pa alam nila kung ilang luha ang nailabas ko dahil sa pagbre-break down sa mga nasasaksihan kong eksena nila Jake at ni Katherine.
"Atleast kahit na hindi kami nagkatuluyan nasabi ko sa sarili ko na minahal ko siya nang buong-buo. Oo masakit pero kinakaya ko, mukhang natalo nga lang ako sa buhay pag-ibig. Biruin mo nun si Lance at Angel ginawa pa akong bride's maid yung hiling ko dati na sana maging magkaibigan kaming tatlo nangyari na nga. Pero masaya ako para sa kanila. Kung mauulit man yung nangyari sa akin tatanggapin ko ng buong puso." niyakap ako ni Gina ng mahigpit.
BINABASA MO ANG
A Desolate Love (Completed)
Teen FictionIsa siyang sa libong libong babae na sobrang minahal ang first love nila at isa siya sa libong libong babae na umiyak at nag mukmok dahil sa kasawian. Maaari pa nga ba siyang mag mahal muli? Paano kung nagmahal ulit siya at sinugal lahat lahat. An...