Special Chapter

393 36 10
                                    

dedicated to itchaan06

Ava POV

"Jake sinabi ko naman na bantayan mo si Bianca diba?"nagkamot naman ito sa ulo. Paano ba naman kasi nakita ko si Bianca na punong-puno ang buhok nang buhagin.

"Sinabihan niya kasi ako na kumuha ng gatas eh hindi ko naman alam na lalagyan niya ng buhangin yung ulo niya."inirapan ko siya at kinuskos ko ng maigi ang ulo ng batang bulilit na pinapaliguan ko ngayon.

"At ikaw na bata ka diba sinabi ko sayo na wga kang makulit kapag wala si mommy?"nilaro niya lang ang mga bula sa bathtub at hinalikan niya ako sa pisnge.

"I lab yu momey tho."napangiti na lang ako 4 years old pa lang ang anak namin at medyo pinapabulol pa niya ang pagsasalita dahil sinsusuway ko siya kapag ginagawa niya yun.

"Anong sinabi ko sayo baby?"tanong ko sa kanya nagpout naman siya kaya pinisil ko ang pisnge niya. "Baby how many times I told you na wag mong gagawin yun?"

"Many times mommy..."nanlalambing naman siyang niyakap ako. "Sorry na mommy cute naman ako habang nag bubulol-bululan ako, right Daddy?" At ang dalawa talagang pinagkaisahan pa ako.

"Right princess now go to your room para makapag bihis kana. Diba sinabi mo kay daddy na big girl ka na at kaya mo nang magbihis mag-isa?"tumango naman ang anak ko at nagtatakbo papunta sa kwarto nito.

Bumaling naman si Jake sa akin at nanlalambing niya akong niyakap."Galit ka ba?"hindi ko siya pinansin at inayos ko ang mga ginamit ko sa pagpapaligo sa anak namin. Nakanguso naman siyang sinusundan ako.

"Jake wag kang ngumuso dyan dahil hindi oobra sa akin yang pagpapacute mo. Paano ba lang kung nalagyan nang buhangin yun mata niya?"sermon ko sa kanya at nagtungo sa kusina pero sumunod lang siya sa akin at niyakap ako sa bewang ko. "Sorry na Hon... promise hindi na yun mauulit, Wag ka nang magalit sa akin ohh. Babantayan ko na nang maayos si Bianca."hinalikan pa ako nito sa pisnge.

"Ewan ko sayo Jake!"naiinis kong sabi sa kanya. Sino ba naman ang hindi maiinis kong yung anak mo ganon mo natandan galing sa pamamalengke simpre magagalit ako.

"Sorry na hon gagawan kita ng paborito mong chocolate ice cream."napangiti ako sa sinabi niya alam na alam niya talaga ang kahinaan ko lalo na sa pagkain.

"Gawin mong mas masarap ah kung ayaw mo na magalit ako sayo lalo."pinaharap niya ako at hinalikan niya ako ng malumanay nang may biglang humikhim.

"Grabe ang gandang bungad ng halikan niyo ah."tukso ni Mike na nasa bungad ng pintuan habang nakangisi lang si Chen sa tabi niya.

"Andito na pala kayo... paano kayo nakapasok?"tanong ko sa kanila.

"Girl nakabukas yung gate at pintuan niyo." irap na sabi ni Chen sa akin na buhat-buhat ang five years old nilang anak. Mahilig kasing magpabuhat ang anak nila.

Tatanungin ko na sana sila kung nasaan si Zallyna at Gina nang may marinig kaming nagtatalo.

"Ano ka ba naman sabi ko naman sayo mas maganda yung brand ng bag na sinasabi ko sayo. Oh ano ngayon na scam ka."boses ni Gina yun.

"Gaga hindi ko naman alam na scam pala yung lalaking yun pag nakita ko talaga siya titirisin ko siya ng pinong-pino."

"Wag ka kasi agad magtitiwala kung kani-kanino"tuluyan nang nakapasok sila Zallyna sa bahay namin.

"Ang iingay talaga ng dalawa mong kaibigan."bulong sa akin ni Jake.

"Kaibigan mo din yang mga yan."inaya ko sila Chen sa sala. Napag-isipan kasi namin na mag bonding dahil ilang buwan na din naman kaming hindi nagkita-kita.

A Desolate Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon