Chapter 29

222 28 2
                                    

Dedicated to TrishaRose8

Ava POV

"Will you marry me Katherine Gonzaga?" muntikan na akong mahulog sa kinauupuan ko dahil sa gulat ko sa sinabi ni Jake. Naramdaman ko na hinawakan ako ni Mike para maalalayan ako at hindi bumagsak.

"Ava....dapat pala hindi na tayo pumunta dito."may pag-aalalang sabi ni Chen sa akin pero nakapako lang ang tingin ko kila Jake na nakaluhod parin.

"Kaya pala masama ang kutob ko eh."nangangaliit sa galit si Gina.

"Masasabunutan na talaga yang babaeng yan. Nakakabwesit na humanda talaga siya sa akin" ani naman ni Zallyna habang mahigpit ang hawak nito sa tinidor.

"Please marry me... I want to be your husband Katherine please let me be your husband."nakaharap sa amin si Jake habang si Katherine naman ay nakatalikod pero nakikita ko na nakatuptop ang bibig nito bago tumango. Ngayon ko lang nakita na nagmamakaawa si Jake para lang umoo si Katherine sa proposal nito.

Mapait akong napangiti ni isa sa amin ay walang nakakaalam na ito pala ang mangyayari. Kung alam ko lang sana hindi na ako pumunta dito. Dahil ito na naman ako nasasaktan sa pinapanood ko. Hindi na nga ata nasanay yung puso't isip ko dahil paulit-ulit naman akong nasasaktan pero isa to sa pinakamasakit na nangyayar sa akin ngayon.

"Yes! I will marry you!"napapikit ako kasabay ng pagtulo ng luha ko nang tumayo si Jake at hinalikan si Katherine sa labi. Hindi ko kayang makitang may minamahal ng iba si Jake. Pero hito ako nagpapakatanga at hindi magawang tumakbo papaalis sa lugar na to.

Siguro nga hindi ganon katibay ang pagmamahal niya sa akin dahil hindi ako naalala na puso niya. Sabi nila maalala ako ng puso niya pero lahat pala puro kasinungalingan lang dahil hindi niya ako naalala o talagang hindi ganon kalalim ang pagmamahal sa akin ni Jake kaya hindi ako naalala ng puso niya. Lahat ng confidents ko tuluyan ng nawala ano pa bang laban ko? Meron pa ba? Wala na akong panghahawakan ngayon.

"Umalis na kaya tayo? Hindi naman talaga natin kailangan na pumunta dito kung tutuusin... nasasaktan na naman si Ava oh!" galit na ani ni Gina.

"Tara na Ava!"may bakas na inis na sabi ni Zallyna pero nanatili lang akong nakapikit habang umaagos ang luha ko. Nakaupo lang ako at  hindi gumagawa ng kahit na anong kilos.

"Ava ano ba! Wag ka nang magpakatanga please! Pinapahirapan mo lang yung sarili mo... " imunulat ko yung mga mata ko at tumingin ako sa kanila. Pinahid ko ang luha ko at matapang akong tumingin sa kanila. "Ava alam naming nasasaktan ka kaya tara na, Aalis na tayo sa pesteng lugar na to."

Hinawakan ako nila Gina at Chen sa magkabilang braso. Akmang itatayo nila ako ng dumating sila Katherine sa amin. Pareho silang may ngiti na abot hanggang tenga pero kaming lahat hindi magawang maging masaya para sa kanila.... lalo na ako.

Nagkatinginan kami ni Katherine tumingin siya sa akin at sinasabi ng mga mata niya na 'He's mine now'.

"Congrats sa inyong dalawa."hindi ko hinayaan na mapansin kay Jake na nasasaktan ako.

"Thank you Ava."binitawan niya ang pagkakahawak kay Katherine at lumapit sa akin para yumakap.

Mariin kong ipinikit ang mata ko ng tuluyan na niya akong mayakap.

"Thank you Ava... gusto ko na ikaw ang maging bride's maid namin. Since wala namang kaibigan si Katherine na close niya talaga kaya ikaw agad ang pumasok sa isip ko tutal bestfriend naman tayo diba?"humiwalay siya sa pagakakayakap habang nakahawak sa balikat ko.

Tumawa ako at pinalo yung balikat niya."Ano ka ba oo naman. Bakit hindi diba?"kita ko sa mga mata niya na masaya siya. Pero ako hindi ako masaya! Kailan ba ako magiging masaya?  Kailan ba kami magiging masaya? Wala na ba talagang pag-asa?

A Desolate Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon