Chapter 18

197 38 0
                                    

Po'v Ava

Sa mga lumipas na araw lagi na kaming magkasama ni Jake wala na din naging problema pa dahil hindi naman nagpaparamdam si Katherine sa kanya. I hope na magtuloy-tuloy na to para hindi na din siya maguluhan pa.

"Ikaw Ava ahh simula ng pinakilala mona sa amin si Jake kayo na lang ang naging magkasama"nagtatampong sabi ni Zallyna sa akin.

"Oo nga hindi kana din sumasabay sa amin kumain palibhasa crush mo naman ata yun"sigunda ni Gina na nagsusulat sa notes neto dahil nalate siya kahapon sa first class namin at hindi siya pinapasok ng prof namin dahil late na nga siya kaya itong gaga na to nag hahabol ng mga ginawa namin kahapon.

"Ayan na naman kayo ang ingay-ingay ko talaga kahit kailan!"naiinis na sabi ni Chen habang natutulog sa lamesa. Baliw to eh lahat na lang ng puntahan namin ginagawang tulugan kahit ata imburnal ang pupuntahan namin matutulog pa rin to.

"Ehh kasi naman inaaya niya ako eh edi sasama ako nakakahiya naman kung tatangihan ko yung tao diba?"depensa ko sa kanila. Mahirap na talo ako sa kanila dahil dalawa sila ako nag-iisa lang. Wala pa namang kinakampihan si Chen pag-ganito at lalong-lalo na pag mag away.

Andito pa naman kami sa cafeteria hilig kasi nilang tumambay dito lalo na kung usapang pagkain at tambayan din naman lang ang pag-uusapan.

"Oh speaking of the devil papalapit na siya dito"ngumuso pa ito sa likod ko.

"Hi girls! Anong pinag-uusapan niyo?"umupo ito sa tabi ko at nakangiting bumaling sa akin "Hi Ava!"

"Hi Jake wala naman kaming pinag-uusapan eh na mahalaga wag mona yung isipin"tumango naman ito.

"Iimbitahan ko sana kayo kung gusto niyong manood ng practice namin mamayang hapon nagpareserve na ako ng uupuan niyo sa harapan" kinindatan pa ako neto. Ano ka ba naman self kindat lang yun pero grabe ang epekto sayo!

"Umayos ka! Umayos kang babaita ka!"sigaw ko sa isip ko.

Tumikhim naman ako para mawala ang bara na nasa lalamunan ko.

"Sige ba, anong oras ba umpisa ng practice niyo?"nagdadasal na ako sa lahat ng Santo na sana hindi sa time na may klase kami kasi hindi ako makakapanood kahit pa na gusto ko.

"Hmm mga 6:00 pm mag-uumpisa may mga klase pa kasi yung ibang kalaban namin kaya pinahapon na lang namin... Ano game ba kayo?"

"Game ako! Wala naman akong ginagawa eh"ngiting-ngiti kong sabi. Kinikilig ako! Ikaw ba naman ayain na manood ng practice nila ghad mababaliw na ata ako.

"Kayo ba?"baling ni Jake sa mga kaibigan ko, muntikan kona silang makalimutan kung hindi lang sila tinanong ni Jake hindi kopa maalala.

"Oo nga kayo ba? Sure naman ako na wala kayong gagawin kaya samahan niyo na ako manood ah! Walang aangal!"

"Ay nako teh ewan ko sayo! Sasama na kung sasama akala mo naman may pag-pipilian kami eh"busangot na sagot ni Gina.

Napatili naman ako at kinurot ko ang braso niya. Bumaling naman ako kay Zallyna"Girl kilala mo naman ako mag boboy-hunting ako doon mamaya kaya gora ako no!"

"Ikaw?"sabik kong tanong kaya Chen na bored na bored na nakatingin sa akin.

"Eh umoo na kayong lahat edi oo na din ako, mamaya sabihan niyo pa akong ang kj kj kong tao"

"Hindi ba?!"sabay sabay na sabi naming tatlo.

"Hindi mga leche kayo! Mag-sitahimik na nga kayo!" Natatawa naman na bumaling ako kay Jake.

"Pupunta kami mamaya!"hindi naman halatang excited kong pagkakasabi.

"Good kita-kits na lang mamaya, mauuna na ako may susunod na akong class eh" nang makaalis na si Jake biglang hinila ni Chen ang buhok ko.

A Desolate Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon