Chapter 26

219 33 4
                                    

Dedicated to ValerieMarayan7

Ava POV

"Asaan si Katherine? Nasaan ang girlfriend ko?" hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat na maging reaksyon ko kung magiging masaya ba ako dahil gising na siya o dahil malulungkot, maiiyak ako dahil iba ang hinahanap niya ngayon.

"Jake ako to si Ava,"tinuro ko pa ang sarili ko habang nagpapakilala sa kanya. Hindi nag bago yung reaksyon niya nakakunot pa rin ang noo niya at hindi ko alam kung naiirita ba siya sa akin o ano."Ako to Jake hindi mo ba ako maalala huh?"lalapitan ko sana siya pero sinigawan niya ako.

"Don't come near me! Where's my girlfriend! Call her! tell her that I badly want to see her." kita ko sa mga mata niya na determinado siyang makita si Katherine. Paano ko siya matatawagan eh wala naman akong cellphone number niya.

"Sorry pero wala dito si Katherine, ako yung andito Jake hindi si Katherine."nasasaktan na ako sa mga nangyayari ngayon. Feeling ko ano mang oras ay mag bre-break down ako pero tinatagan ko ang sarili ko. Hindi ko dapat ipakita na mahina ako sa harapan ni Jake.

"F*ck ano ba to?! Tanggalin niyo to sh*t!"nag-umpisa nang magpumiglas si Jake sa mga nurse na umaasikaso sa kanya. "Pupuntahan ko ang girlfriend ko ano ba?!" natulak niya ang isang nurse pero agad din namang mag dumalo na isa para hawakan si Jake sa kamayvoara hindi na ito makagalaw pa.

"Ihanda mo yung pampakalma."utos ng doctor sa isang nurse na may inilalagay na sa syringe at inabot yun sa doctor. Itinusok naman ng doctor anh syringe sa braso ni Jake.

Unti-unti na ding kumalma si Jake at malaya na siyang sinuri ng doctor. Nang matapos anh doctor ay pinapunta niya ako sa office nito. Pero tinawagan ko muna saglit ang mama ko para malaman din nila ang kalagayan ni Jake.

Tinawagan ko si Mama sa tingin ko kailangan ko sila ngayon. "Ma pumunta po kayo dito sa hospital. Nagising po kanina si Jake."

"Kanina lang? Pero kamusta naman ang lagay niya anak?"tanong ni mama sa akin.

"Opo ma, ok lang naman po siya binigyan siya ng pampakalma dahil nagsisigaw na ito kanina."ramdam ko na nanlalamig ang mga kamay ko.

"Oh sige-sige papunta na kami dyan anak."tumango ako kahit na hindi ako nakikita ni Mama.

Sumunod na ako papunta sa office ni Doctor Marasigan na tumitingin kay Jake. May tumatakbo na sa isip ko pero hindi yun tinatanggap ng utak ko habang hindi pa sinasabi ng doctor sa akin kung may amnesia nga si Jake.

Kumatok muna ako bago pumasok sa loob."Doc,"anang ko at umupo sa upuan na nasa harapan ng table niya. "Ano pong lagay ni Jake?" hinawakan ko ang kamay ko na nanginginig sa hita ko.

"Alam mo ija isang himala na nagising siya sa ganitong kaagang panahon lalo na dahil malakas ang pagkakatama ng ulo niya dahil sa aksidente." napakagat labi ako tama siya sa loob lang ng isang linggo na pagkakacoma ay nagising na siya. At ipinagpapasalamat ko sa Diyos iyon.

Iyon naman talaga ang mahalaga sa akin ngayon eh na gumising na siya. Ngayon mapapanatag na ako dahil hindi ko na iisipin paano kung hindi na siya gumising at iwan ako.

"Doc kanina hindi niya ako maalala."pinipigilan ko ang sarili ko na may tumulong luha sa pisnge ko.

"Yes, Nagkaroon siya ng amnesia Ava at ang naalala niya lang ay ang nakaraan niya." hindi na ako mapakali sa sinabi ng doctor. Maalala pa ba niya ako? Panghabang buhay naba siyang hindi makakaalala?

"Makakaalala pa po ba siya, I mean hindi naman po permanent yung amnesia siya diba?"

"Sa ngayon hindi ko masasabi na temporary amnesia ang kalagayan niya ngayon. Dahil sa lakas ng impact ng pagkakauntog siguro ng ulo niya ay may chance na hindi ka na niya maalala."

A Desolate Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon