Chapter 16

213 47 0
                                    

Po'v Ava

I saw Jake walking towards Katherine. Teka magkakilala ba sila? Pero sabi ni Katherine imemeet niya yung boyfriend niya, ibig niya bang sabihin si Jake ang sinasabi niyang boyfriend niya?

Napakurap ako ng makita kong halikan ni Jake si Katherine sa pisnge. Hindi kona pala kailangan mag tanong ayun na yung sagot sa tanong ko.

Hindi naman manghahalik ang isang lalaki kung wala silang relasyon, lalo na hindi hahayaan ng isang babae nahalikan siya kung wala talaga silang kaugnayan.

"Sinong tinitignan mo dyan?"napabaling ako sa gawi ni Mike.

"Ahh wala yun may nakita lang akong kakilala ko"

"Yung Jake ba?"

"Ha? Hindi ah, pftt saan mo naman nakuha yang idea na yan?" uminom ako ng tubig dahil sa tensyon na nararamdaman ko. Para bang nililitis ako ng isang pulis at dapat hindi ako mahuli dahil sa pagsisinungaling ko.

"You said he's name earlier"napalunok ako, narinig niya pala yun. Paano ako kakalusot ngayon? Ikaw kasi Ava bat ba kailangan mong sabihin pangalan niya!

"Nakita ko lang siya dito pero hayaan mona" umiwas ako ng tingin sa kanya kasi naguilty ako.

"Ava sana naman kung ako yung kasama mo ako lang iisipin mo hindi yung ibang tao. I know na nanliligaw pa lang ako sayo pero mali naman yata na isipin mo yung ibang tao habang kasama mo ako. Gusto ko sa akin lang ang atensyon mo pag magkasama tayo"

Mas lalo akong nakonsensya dahil sa sinabi niya. Diko tuloy maiwasan na magsisi kung bakit pa ako lumingon sa gawi nila.

"I'm sorry don't worry hindi nato mauulit"

"I'm sorry if I'm giving you this much favor alam ko naman na hindi mo dapat gawin eh pero it's hurts me, kung hindi ko sasabihin sayo"

"No worry tama ka naman eh dapat ikaw lang iniisip ko habang nagdadate tayo. Nagulat lang ako sa mga nalaman ko ngayon"

"Can we go now? Ayoko na kasing mag tagal pa dito" Gusto ko munang umalis dito kasi mas lalo lang akong matetensyon lalo na alam ko na andito si Jake.

Kaya pala hindi siya makapagtext sa akin busy pala siya sa girlfriend niya. Nagkabalikan na pala sila, kailan pa?

I never experience this emotion na nararamdaman ko ngayon. Hindi katulad ng kay Lance wala akong naramdaman ng ganito ng malaman ko na sila na pala ni Angel. Well yes, nasaktan ako dahil sa pang gagago nila, But why I even feeling this? Mas masakit to eh, I feel betrayed. Kahit hindi ko naman dapat maramdaman.

Dalawang beses lang kaming nakasama ni Jake for pete's sake!

"You know what, I think you need to rest. Halata sa mukha mo na hindi ka ok. Let's talk when you feel better" mas lalo akong naguilty dahil sa sinabi niya pero wala din naman akong magawa.

Kahit ako gusto ko ng umuwi at magmukmok na lang sa kwarto ko. But why? Hindi ko naman dapat to nararamdaman kay Jake diba? Hindi ngayon o bukas kahit pa sa susunod na araw, dapat hindi ko to nararamdaman!

Hinatid ako ni Mike sa bahay nagulat din sila mama dahil ang aga namin umuwi halos dalawang oras lang ata kaming nasa labas ni Mike. Hindi na din pumasok si Mike sa bahay nagdahilan na lang ito na may gagawin pero alam ko na ginawa niya lang yun para sa akin at ng makapag-isip ako.

"Akala ko ba magagabihan kayo anak?"tanong ni mama sa akin "May nangyari ba?"

"Wala po ma sumama lang yung pakiramdam ko"

"Ganoon ba kaya pala ang tamlay mo bigla.  Oh siya sige dadalhan na kita mamaya na makakain mo sa kwarto mo ng makapagpahinga ka"

"Hindi na po ma kakain lang naman namin ni Mike kaya busog pa po ako" humalik ako sa pisnge niya.

A Desolate Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon