Po'v Ava
Ang daming ka-artehan ng buhay ko sasaya ako saglit tapos babalik na naman ako sa pagmumukmok. Buti na lang at sa nakalipas ng Dalawang linggo hindi nag krus ang landas namin ni Lance. Hindi ko alam ang dapat maging reaksyon ko kung nagkataon.
Nandito kami ngayon ni Gina at Zallyna sa calssroom namin para sa 3rd class, hinihintay na lang namin ang proffesor namin na dumating.
"Zallyna pahiram naman ng notes mo mamaya"paghihiram ni Gina kay Zallyna.
"Bakit? Ikaw ah kung ano-anong nilalagay mo sa likod ng notes ko!"naiinis na sabi ni Gina kay Zallyna.
Nung isang araw kasi sinulat niya yung pangalan ng crush neto sa likod ng notebook nito. Buti na lang nakita niya ito bago niya ipahiram sa iba.
"Ano ba kayo!! Wag kayong mag away ah. Ayokong mag-awat lalo na ayokong pinagbabati kayo!"panigurado pag hindi ko sila sinita mag-aaway na naman tong mga baliw kung kaibigan.Magbubog-bogan pa o kaya sabunutan kung sabunotan. Saka mataas pa naman ang mga pride ng mga to pagnag-away.
"Eh ito kasi! Sarap sabunutan at iuntog sa pader... nga pala samahan niyo naman ako sa pinsan ko doon engineering building"
"Pass na muna ako may pupuntahan ako mamaya gurl. Kayo na lang ni Ava ang pumunta"tatangi sana ako dahil ayokong pumunta sa engineering building saka baka magkita kami doon ni Lance. Pero hito na naman siya nagmamakaawa at ginagawa na naman niya yung pag-nguso bakit ba kasi ang cute niya at panigurado pag nakita mo siyang naka nguso mapapa-oo ka na lang.
"Hayss may pag-pipilian ba ako?"inirapan ko pa ito. Wala din naman akong choice kasi kakaladkadin niya ako papunta sa pinsan niya.
"Ayyieee simpre wala kang pag-pipilian saka kung makita man natin ang hinayupak mung ex akong bahala sayo. Patikim ko pa sa kanya flying kick ko eh" halos 3 years din kaming makaklase nila Zallyna at Gina alam din nila na boyfriend ko si Lance este Ex-boyfriend kona si Lance.
"Oo na, baka umiyak ka dyan eh! Hirap hirap mo pang patahanin nakakarindi pa yung iyak mo para kang batang kinuhanan ng candy"kumapit ito sa braso ko saka sumandal sa balikat ko.
"Buti kapa sasamahan ako eh yung isa dyan!"pagpaparinig niya kay Gina.
"Eh sa may pupuntahan nga ako, Bawi na lang ako sayo next time"napipilitan na sabi ni Gina.
"Wala nagtatampo ako sayo! Kaya wag mo akong pansinin"nagkatinginan kami ni Gina kaya naman tinanguan kona lang siya.
"Aishh... Oo na bibilhan kita ng paborito mong banana cake, arte-arte mong hinayupak ka!" Natatawang napailing na lang ako sa kanila. Sa tuwing may away sila sabihin mo lang na bibilhan mo siya ng paborito niya magiging ok na kayo. Iba talaga ang nakakagawa ng pagkain.
Nagkwentuhan lang kami hanggang sa dumating na ang professor namin. At kung minamalas ka nga naman may suprise long quiz kaming ngayon, maraming umangal dahil hindi namin napaghadaan. Pati si Zallyna at Gina nagmamaktol sa tabi ko.
Bumubulong bulong pa ang mga ito para hindi marinig ng proffesor namin."Basta talaga panot!"napabungis-ngis ako dahil sa sinabi niya. Panigurado pag narinig iyun ni Mr. Samarco bagsak na si Zallyna hanggang matapos ang semester.
Nag-umpisa na lang ako sa pagsasagot, pag hindi napapatingin sa gawi namin si sir nag tatanungan kami ng sagot.
"Hayss sawakas nakaraos din tayo sa pesteng long quiz na yan"naiinis na sabi ni Gina.
"Kakainis talaga yung panot na yun grrr. Nakakagigil kalbuhin ko na siya ng tuluyan eh"napatawa na lang ako jusko panot na nga si sir tapos may balak pang tanggalin ni Zallyna yung natitirang buhok ni Sir. Hindi na lang naawa sa panot
BINABASA MO ANG
A Desolate Love (Completed)
TienerfictieIsa siyang sa libong libong babae na sobrang minahal ang first love nila at isa siya sa libong libong babae na umiyak at nag mukmok dahil sa kasawian. Maaari pa nga ba siyang mag mahal muli? Paano kung nagmahal ulit siya at sinugal lahat lahat. An...