Chapter 9

292 52 2
                                    

Po'v Ava

Bat ba ang tanga ko at hindi ko man lang naalala na siya pala yung tumulong sa akin.
Ano ba namang katangahan ang ginawa ko? Ayan tuloy hindi kona alam ang gagawin ko!

"Pasensya na talaga ah, nahihiya kasi ako nun eh alam mo naman kung bakit ako tumakbo"kaming dalawa na lang ni Jake ang magkasama tumawag kasi ang parents ni Daniel at pinapapunta silang dalawa sa bahay nito kasama si Zallyna kaya ito naiwan akong kasama si Jake. Nahihiya naman akong umalis dahil sa sinabi niya kanina.

"Hindi ok lang besides gagawin ko din yung kung nagkataon, lalo na kung ako ang nasa sitwasyon mo"

"Ang dami ko na palang utang sayo! Tara libre kita para naman mabayaran ko kahit papaano yung pag-tulong mo sa akin"

"Sigurado kaba?" Tumango naman ako.

"Saan mo ba gusto?"tanong ko dito tumingin siya sa orasan niya.

"Dyan na lang sa street food tayo bumili may klase pa ako mamaya eh"napatango na lang ako saka kami pumunta sa tindahan ni Tita Perlita suki din kasi kami dito ni Lance dati kaya ayun kilala na niya kami.

Hindi ko alam kung nabalitaan niya ba na wala na kami ni Lance o ano eh.

"Tita pabili po!"tawag pansin ko kay Aleng Perlita.

"Sabi ko na nga ba at ikaw yan eh, Ang tagal niyo atang hindi nagagawi dito simula nung mag-umpisa ang klase"paano ko ba sasabihin kay aleng perlita na wala na kami ni Lance?  Dahil sa sinabi nito malamang hindi pa niya nababalitaan.

"Nako po tita busy din po kasi ako saka alam niyo na po maraming gastusin ngayon"sana lang wag siyang mag tanong tungkol kay Lance. Ayokong sagutin ang nga tanong niya. 

Diyos ko!  Tulungan niyo po ako dito!

"Oh siya ano bang bibilhin mo?"bumaling ako kay Jake.

"Pili kana"naka ngiti  kong sabi kay Jake. Napakunot pa Si Aleng Perlita pero hindi naman na siya nag ungkat pa, at nagpapasalamat ako dahil doon.

Nangmakapili na si Jake pinaupo muna kami ni Aleng Perlita sa upuan.

"Kamusta ka naman iha?"ngumiti ako sa kanya ng matamis.

"Ok naman po ako Tita kayo po ba? Mas lumaki po ang pwesto niyo dito ah"ayaw ni Aleng Perlita na tinatawag na Aleng kaya Tita na lang daw ang itawag namin sa kanya nung una namin siyang nakilala nung first year college pa lang kami.

"Oo medyo nakapag-ipon din kasi yung anak ko na nag-saudi si Melanie  kaya pinalawak lang namin itong ihawan balak ko na nga ding maghanap ng makakatulong dito eh. Alam mo naman tumatanda na din ako"

"Nako sigurado po ako tita na sisikat tong tindahan niyo pag nagkataon. Sa sobrang sarap niyo ba naman pong mag-luto. Ewan ko na lang"nakangiti kong sabi sa kanya.

"Haha ikaw talagang bata ka hanggang ngayon binobola mo pa rin ako"hindi naman yun bola eh totoong masarap mag luto si Tita Perlita mas masarap pa nga itong mag-luto kaysa kay mama eh. Pag nalaman to ni mama panigurado batok ang abot ko sa kanya.

"Oh ito na ang order niyo! Maiwan ko muna kayo at may kukunin lang ako sa kusina"paalam nito pagkalapag niya ng platong may laman na isaw, dinuguan, saka ulo ng manok.

"Sige po Tita" tungon ko.

"Close na close kayo ah!"pagtukoy niya sa amin ni Tita Perlita.

"Ahh oo simula kasi nung first year college kami, suki na ako ni Tita Perlita kay ayun"nakikinig lang ito sa akin habang kumakain ng isaw.

"Masarap diba!"tukoy ko sa kinakain niya ngumuya muna siya bago mag salita.

"Oo masarap nga,  mukhang mapapagastos ka haha"biro nito sa akin.

A Desolate Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon