Chapter 4

337 61 8
                                    

Po'v Ava

Andito pa rin ako sa kwarto hindi ko na nga alam kong anong petsa na basta ang alam ko ayoko ng malaman. Wala akong gana sa lahat!

Kahit kumain lang lumabas ng bahay o kaya naman mag enjoy haha. Miss kona yung dating ako.

Sa bawat araw na lumilipas feeling ko ang hirap-hirap ng bumangon. Nakulong na ako sa sarili kong kalungkutan at hindi ko alam kung papaano pa ako makakabangon sa araw araw. Mabuti nga at meron pa akong pamilya na nakakaintindi sa akin.

Dahil kung wala na din sila hindi kona alam kung anong mangyayari sa buhay ko.

Nagtalukbong ako ng kumot ng may kumatok na naman sa pintuan ng kwarto ko. Lagi nila akong kinakausap pero walang lumalabas na kahit anong salita mula sa bibig ko. Gusto kong umiyak pero hindi ko magawa napagod na siguro ang mga mata ko sa kakaiyak.

Halos hindi kona rin maramdaman ang mga mata ko namanhif na ata sa paulit-ulit kong pag iyak.

"Anak may dala akong pagkain please kumain ka naman ilang araw ka nang ganyan."hindi ako nag salita at hinayaan ko na lang mag salita si mama. Pinikit ko ang mga mata ko at isiniksik sa utak ko na mag isa lang ako sa kwarto nagpanggap din ako na parang walang naririnig.  Pero napabangon na lang ako ng marinig ko si mama na umiiyak at dahil yun sa akin.

"Anak alam ko naman na mahirap ang pinagdadaanan mo pero sa tingin mo ba ikaw lang ang nahihirapan?! Kami din anak!! Nahihirapan kami ng papa at kuya mo na nakikita kang ganyan"tinitigan ko lang si mama akala ko ako lang yung nasasaktan?

Pero hindi pala dahil sa pagpapabaya ko sa sarili ko nakalimutan kuna na may pamilya pala na nag aalala sa akin. May magulang at kapatid na nagmamahal sa akin ng lubos.

Niyakap ko si mama ng mahigpit ngayon natauhan na ako! hindi pwedeng si Lance na lang ang palagi kong inaalala paano naman ang sarili ko? Paano naman ang mga magulang ko?

Pagkatapos umiyak ni mama Inaya niya akong lumabas ngumiti naman ako at sinabi kong susunod na lang ako at maliligo muna ako.

Pumunta ako sa banyo at naligo nag toothbrush na din ako.  Matapos mag bihis at mag aayos ng konti saka ako lumabas ng bahay.

Nakita ako ni Kuya tumutulong ito kay mama na mag ayos ng hapagkainan. Mabilis ko siya niyakap mula sa likod naramdaman kong natigilan siya dahil sa ginawa ko.  Matapos kasi ng pagmamakaawa ko kay Lance hindi niya ako pinansin hindi niya din ako binisita sa kwarto ko madalas si mama at papa lang pumapasok kaya sigurado ako nagalit siya dahil nag makaawa ako.

"Sorry kuya!"sabi ko sa kanya humarap siya sa akin saka ako hinawakan sa balikat nakatingin lang siya sa akin nag seryoso kaya yumuko ako.

"Basta wag mo nauulitin yung ginawa mong pag mamakaawa Ava"tumingin ako sa kanya at nakita kong bahagya pa siyang nakangite kaya naman tumango ako sa kanya.

"Hindi ko yun gusto lalo na dahil babae ka! At lalong lalo na hindi mo kailangan yung pagmamahal niya. You deserve to be love Ava wag kang magpakatanga sa lalaking yun na pinagpalit ka lang"

"Sorry po kuya promise hindi kona po uulitin yun"pangako ko sa kuya ko.

"Oh siya tama na yan wag na kayong mag dramahan dyan at maka mamaya mag-iyakan kayo. Maga pa ang mata ni Ava kaga tumigil kayo dyan. Tatawagin ko muna ang papa niyo sa labas para makakain na"tumango kami ni kuya saka kami umupo sa pwesto ko pag dating ni papa hinalikan niya ako sa noo ko.

"Wag mo na ulit yung gagawin Ava ah!"bilin ni papa sa akin siguro na kwento na ni kuya kong paano ako nagmakaawa kay Lance kaya naman tumango ako kay papa saka ngumuti.

A Desolate Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon