Chapter 6

315 56 4
                                    

Po'v Ava

It's been a week seen ng makita ko si Lance at sinabihan niya ako na naka move on na. Well kung tatanungin ako. Hindi pa ako naka move on kahit na tatlong buwan na din seen we broke up. Mabuti na lang andyan si Mike para libangin ako sa ibang bagay.

Nag-aayos na ako para pumasok. Yes... First day of class namin ngayon at ito yung pinaka kinatatakutan ko dahil panigurado maraming mag tatanong sa akin kung bat kami nag break ni Lance.

Kasali si Angela sa Cheerleading kaya hindi na ako mag tataka na kumalat na sa university na boyfriend na niya si Lance na kasali sa basketball team. Kung iisipin perfect couple na silang dalawa.

"Ava! Andyan na si Mike ang kupad mo talagang mag-ayos!"sigaw ni kuya sa labas ng kwarto ko habang kumakatok.

Dali dali kung kinuha ang bag ko saka lumabas ng kwarto ko habang naka simangot.

"Alam mo kuya tigil tigilan mo ako ah!! Kundi sisiraan kita kay Ate Pelenope"sabi ko sa kanya bahagya pa siyang nagulat dahil sa sinabi ko. Iniwan ko na lang siyang gulat na gulat dahil sa sinabi ko. Si ate Pelenope ay classmate niya na nakilala ko din dahil pumunta sila dito para gumawa ng project nila ni Kuya at sa kamalas malasan ni kuya nakita ko yung gallery niya na puno ng picture at stolen shot ni ate Pelenope at may nakalagay pa doon na My wife.

"Sorry pinaghintay ba kita ng matagal?"tanong ko kay Mike ng makita ko siya sa sala na prenteng naka upo.

"Hindi naman... Tara na baka ma late pa tayo"Aya niya sa akin tumango naman ako saka kami lumabas ng bahay ng sabay. Papasakay pa lang kami ng kotse niya ng sumigaw si kuya.

"AVA WAG NA WAG MO AKONG SISIRAAN SA KANYA!! "Dinilatan ko na lang siya saka ako pumasok sa kotse ni Mike. Nakita ko pang papalapit na si kuya.

"Dali Mike pumasok kana!!"nagmamadali kong utos kay Mike. Tumalima naman si Mike saka sumakay sa driver seat.

"I lock mo!"pagka lock ni Mike sa pintuan sakto naman na kumatok si kuya sa salamin ng kotse.

Dinilaan ko na lang siya saka ako nagbigay ng nakakalokong ngite.

"Ano na naman ginawa mo sa kuya mo at galit na galit?"natatawang tanong ni Mike.

"Haha yun ba?! nalaman ko kasi kung sino yung nagugustuhan niya... kaya ayun may alas na ako pag-aasarin niya ako"hindi ko mapigilan ngumiti dahil hindi na ako makapag hintay na siya naman ang asarin ko.

"Handa kana ba?"tanong ni Mike sa akin ng malapit na kami sa university.

"Oo naman... Saka kung hindi din naman ako handa andyan ka naman para sa akin diba"napatawa na lang siya.

"Oo naman... hindi na kita iiwan this time Ava"hindi ko lang alam pero parang may ibang meaning pa yung sinabi niya pero binalewala ko na lang.

Sabay kaming nag lakad ni Mike papuntang Education building.

"Dito na lang ako"nakangiti kong sabi sa kanya pupunta pa ito sa engineering building at malayo pa ang lalakarin niya.

"Sure ka?!"

"Ano kaba Mike hindi na ako bata... saka kaya ko ng pumunta sa room ko "tinulak ko pa siya ng bahagya tanda na gusto ko na siyang umalis.

"Grabe ka ah pinagtatabuyan muna ako"napairap na ako dahil ngumuso pa ito sa harap ko.

"Tigilan mo ako Mike ah. Hindi ka kyut"sabi ko sa kanya.

"Haha... sige na nga aalis na ako bye!!!"patakbo pa itong umalis napailing na lang aka saka ako nag lakad paliko sa hallway.

Habang naglalakad sa hallway marami na din akong nakikitang pamilyar na mukha.
Pumasok na lang ako sa classroom namin at naghintay ng professor.
Habang nag hihintay ng prof kinuha ko lang ang cellphone ko at nangalikot hanggang sa may lumapit sa akin si Sheila.

"Oy Gaga nabalitaan ko na break na kayo ni Lance! Anyare gurl?"pagkomprota niya sa akin ng makaupo siya sa vacant seat katabi ko.

Nagkibit balikat ako.

"Sa totoo lang hindi ko alam Sheila. Nagising na lang ako isang araw hindi na niya ako mahal"sa sobrang bilis nang nangyari sa amin hindi ko na alam kung bat humantong kami sa hiwalayan at worst he doesn't love me anymore.

Magsasalita pa sana siya ng pumasok na ang professor namin this year. Hindi ko na din pinagtuonan ng pansin si Sheila. Sinabi ko din sa kanya na wala akong ganang pag-usapan dahil nasa stage pa akong ng pag-mo-move on. Buti na lang at naintindihan niya ako at hindi na ulit nag tanong tungkol sa nangyari sa amin.

Wala namang masyadong nangyari kanina dahil nag discuss lang si Sir saglit saka umalis kaya ito ako ngayong naglalakad mag-isa sa hallway kanina pa kasi umalis si Sir pero natulog muna ako saglit. Natigilan ako ng madaanan ko ang locker room. Nakarinig ako doon ng pamilyar na boses kaya sumilip ako mula sa pinto.

Nanigas ako sa nakita ko si Lance kahalikan niya si Angela!! Kung saan saan na din pumupunta yung mga kamay ni Lance. Kahit yung pag halikan nila ibang iba. Hindi yun kagaya ng paghahalik niya sa akin na smack lang.

"Ano ba Ava umalis kana dito!"sigaw ko sa isip ko.

Hindi ko alam pero nakaramdam na naman ako ng paninikip ng dibdib ko. Gusto kung umalis sa lugar na to, pero hindi ko magawa inuutusan kong ang katawan kung gumalaw at umalis pero yung katawan ko ayaw gumalaw, maski ang pagpikit ko ng mga mata ko hindi ko magawa.

Naramdaman ko na lang ma rumagasa ang masaganang luha ko pabagsak sa mga pisnge ko.

"Tanga ka ba ha?! Bat ayaw mong gumalaw letche!!"patuloy lang ako sa pag sigaw sa sarili ko. Pinilit kong igalaw yung katawan ko at utusan pero wala. Parang naka program ako para panoorin sila at ipamukha sa akin na isa talaga akong loser, kj at boring na babae dahil kahit minsan hindi namin ginagagawa ang ginagawa nila ni Angela.

Hindi ko lang lubos na maisip kung bakit sila gumagawa ng milagro at dito pa sa university nila ginagawa. At bakit ba naman sa dinami dami ng makikita ko ito pa. Pinag-sisihan ko tuloy na dito pa ako dumaan.

Pinilit ko ang sarili ko namakagalaw at sa awa ng diyos nahakbang kong patalikod ang mga paa ko. Hahakbang na sana ako patalikod ng marinig ko ang boses ni Lance.

"I love you...Angela! "automatikong napatingin ako sa kanila na pinagsisihan ko ulit dahil nakita kong hinahalikan na ni Lance ang leeg ni Angela.

Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanila hanggang sa may tumakip sa mga mata ko.

"Kung nasasaktan kana... wag mo ng titigan dahil mas lalo ka lang masasaktan"
Kung sino man itong tumakip sa mga mata ko nagpapasalamat ako ng lubos-lubos dahil sa ginawa niya.

***
A/N

Sorry for typo errors,
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

A Desolate Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon