Po'v Ava
"Isa Lance akin na yan"naiinis kong sabi kay Lance.
"Galit na ba ang baby ko" natatawa nitong sabi.
"Lance isa nakakahiya akin na yan please!!"pagmamakaawa ko paano ba naman kinuha niya yung napkin na bibilhin ko sana naubusan na kasi ako ng stock ng napkin sa bahay eh hindi ko naman alam na pupuntahan pala ako ni Lance sa bahay at ang magaling kong kuya sinabi na bibili daw ako ng napkin, which is true kaya ito ako ngayon nag mamakaawa na ibigay ni Lance ang napkin na bibilhin ko sana.
"Ako na mag babayad Ava"pagpupumilit niya naiinis na talaga ako dito!
"Ok fine but put it down nakakahiya na ohh"naiinis kong sabi ngumiti naman siya ng nakakaloko.
"Nahiya kapa eh hinahalikan nga kita sa harap ng kuya mo eh"halos mapahilamos ako sa mukha ko dahil sa kakahiyan.
"Ikaw ggrrr nakakainis ka! Bahala ka dyan sa buhay mo! Wag na wag mo akong kakausapin...kahit na kailangan!"inis kong sabi saka ko siya iniwan. Kumuha ulit ako ng bagong pack ng napkin mabilis ako pumunta sa counter para mabayaran na. Napapikit na lang ako dahil sa inis ng may sumundot sundot sa tagiliran ko.
Bakit ba napakakulit ng taong to? Hindi pa ako tigilan sa kakulitan!
"Baby sorry na"lumingon ako sa kanya naka pout pa ito kala mo naman kung kinagwapo na niya.
Inirapan ko lang siya ng makabayad na ako hindi pa din siya tumitigil kakasundot sa tagiliran ko.
"Ano ba!"naiinis kong sigaw.
"Sorry na i love you"
Kahit na naiinis ako sa kanya hindi ko maiwasan na mapangiti sa sinabi niya.
"Yiee ngumiti na siya"niyakap niya ako ng mahigpit.
"Bati na tayo ahh?!"
"May magagawa paba ako? Eh na pangiti mona ako"natatawa kong sabi.
***
Pinunasan ko ang mga luha ko ng nakarinig ako ng katok mula sa pinto.
"Anak enrollment niyo na daw sabi ng kuya mo hanggang kailan kana mag mumukmok dyan ha?"nahimigan ko ang inis sa boses ni papa pero nag talukbong lang ako ng kumot kahit na dalawang buwan na kaming hiwalay.
Hindi pa din mawala ang sakit ng nararamdaman ko halos palagi na lang akong nasa loob ng kwarto ko minsan na nga lang akong lumabas ng kwarto lalo na pag nagagalit na si mama dahil sa pinag gagagawa ko."Anak buksan mo tong pinto"rinig kong sabi ni mama. Nahimigan ko ang inis sa boses neto pero nanatili lang akong nakahiga sa kana habang nakatalukbong ng kumot.
"Ava Delos Reyes lalabas kaba dyan o hindi pinapabayaan muna ang sarili mo dahil sa isang lalaki! Hindi na ako natutuwa sayo Ava binigyan ka namin nila mama at papa para mag isip pero anong petsa na nandyan ka pa din sa kama mo nagmumukmok"
"Ano ha?! Magkakaganyan ka dahil sa gag*ng yun? Sige mag mukmok ka dyan habang siya masaya na sa iba!"
Bumangon ako sa pagkakahiga ko at binuksan ang pinto nakita ko silang nag aalala sa akin kaya ngumiti ako
Yung ngiting totoo walang halong lungkot.Tama sila dapat hindi na ako nagmumukmok dito ng matagal. Kailangan ko din maging masaya para sa sarili ko at sa pamilya ko.
"Mag eenroll na po ako ma, pa, kuya mag aayos lang ako wag po kayong mag alala kaya ko po ang sarili ko. Tama ka kuya dapat hindi ako nagkakaganito dahil sa isang lalaki lang. Sorry kung masyado kona kayong pinag-aalala"
Kagaya ng sabi ko kila mama nag enroll ako ng mag isa, sinabihan pa ako nila Chen mga kaibigan ko na sabay-sabay na kami. Pero tumanggi ako sa alok nila ayoko pa kasing sumama sa kanila. Alam ko naman na magtatanong sila bakit kami nag hiwalay ni Lance.
BINABASA MO ANG
A Desolate Love (Completed)
Fiksi RemajaIsa siyang sa libong libong babae na sobrang minahal ang first love nila at isa siya sa libong libong babae na umiyak at nag mukmok dahil sa kasawian. Maaari pa nga ba siyang mag mahal muli? Paano kung nagmahal ulit siya at sinugal lahat lahat. An...