Chapter 22

193 36 1
                                    

Dedicated to Agneseloisa



Po'v Ava

Masaya ko siyang niyakap dahil sa sinabi niya. Nagpapasalamat ako dahil maunawain ang bestfriend ko. Napakaswerte ko sa kanya bihira na lang ang ibang lalaking ganito ngayon.

Niyakap ko siya ng mahigpit "Salamat sa pag-intindi Mike" bakas sa tono ng boses ko ang saya, niyakap naman niya ako pabalik at hinagod niya ang likod ko.

"Basta ako pa rin ang bestfriend mo ah" humiwalay kami sa pagkakayakap binatukan ko siya na madalas kong ginagawa.

"Bakit gusto mo bang palitan kita ha?"biro ko sa kanya habang natatawa.

"Wag naman pinagpalit mo na nga ako sa isa mong manliligaw eh basta ako pa rin ang bestfriend mo! Walang aagaw sayo nun!"para siyang batang nagyayamot kaya naman tinawanan ko siya.

"Pero seryoso, ako lang dapat ang boy bestfriend mo ah" nakanguso nitong sabi. Pinisil ko ang magkabila niyang pisnge.

"Ano ka ba naman ikaw lang ang bestfriend ko at hinding-hindi kita ipagpapalit sa iba. Kahit pa dumami ang kaibigan kong lalaki ikaw at ikaw pa rin ang bestfriend ko"

"Siguraduhin mo lang dahil kung hindi makikipagsapakan talaga ako" Kahit kailan talga loko-loko tong bestfriend ko.

"Hoy wag kang makikipagsapakan kawawa naman yung makakaaway mo malamang sira-sira ang mukha nun pag nagkataon"

"Kaya wag kang maghahanap ng ibang bestfriend mo ah kung ayaw mo siyang mabugbog" ginulo niya ang buhok ko na ikinainis ko kahit kailan talaga mapang-asar ang mokong na to.

"Ano ba yan Mike"tinampal ko ang kamay niya.

"Baba na nga tayo may klase pa tayo eh"tumango naman ako at pareho kaming bumaba ng kotse namataan ko naman si Jake na nakasandal sa kotse nito habang nakatingin sa amin.

Tumingin ako kay Mike na nakikiusap ang aking mata kung pwede ba akong puntahan siya. "Go... puntahan mo na siya"

"Thank you Mike promise ko sayo magiging masaya ako sa kanya"binigyan niya lang ako ng tipid na ngiti.

"Umalis kana nga sige aagawin kita mula sa kanya"taboy niya sa akin.

"Grabe tinataboy mo na ako ngayon"pagdradrama ko, ngumiti ako sa kanya "Bye Mike kita na lang tayo"tumango lang ito sa akin.

"Bye Ava"siya na ang tumalikod sa akin. Ako naman ay humarap kay Jake ng may ngiti sa labi.

"Ang sweet niyo kanin sa kotse ah."walang emosyon niyang sabi sa akin. Napangiti naman ako nagseselos siya ghad!

"Selos ka naman?"sinundot ko siya sa tagiliran pero sinuway niya lang ako.

"Ano ba?! Bakit naman ako magseselos doon? Eh alam ko naman na ako ang mahal mo."kinuha niya ang kamay ko at dinala ito sa dibdib niya. Ramdam mo ang mabilis na tibok  ito.

"Ramdam mo?"tumango ako sa tanong niya sa akin. Sobrang bilis ng tibok ng puso niya.

"Ang bilis ng tibok ng puso mo." anas ko sa kanya.

"Ikaw ang dahilan niyan, Tara na ihahatid na kita sa classroom niyo may quiz pa kayo diba?"tumango ako sa sinabi niya.

"Oo eh, Hindi nga ako napagreview ng dahil sa inyo ni Mike pero ok lang may natira naman sa utak ko na lesson namin kahit na papaano"pinagsalikop niya ang kamay naming dalawa at sabay kaming naglakad patungo sa classroom.

A Desolate Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon