Chapter 17

209 43 0
                                    

Po'v Ava

Kinalma ko ang sarili ko, hindi ko dapat to nararamdaman sa kanya. Wala lang to! tama naaattract lang siguro ako sa kanya kasi mabait siya sa akin.

"Honestly Jake, hindi ko alam ang sasabihin ko. I don't know how to advice especially with this kind of situation" sincere kong sabi.

"I don't need your advice, just listen to my rants I badly need someone who willing to listen. Para kahit papaano mabawasan naman yung sakit na nararamdaman ko"

Sumikip lalo yung dibdib ko dahil kitang kita ko sa mga mata niya yung sakit. Halatang apektado pa siya kay Katherine, hindi ko alam kung paano pagagaanin yung loob niya. Kaya naman hinawakan ko siya sa kamay at nginitian siya.

"Andito lang ako kung gusto mo ng may makikinig sayo, you can call me or just text me kung nasaan ka. Pupuntahan agad kita, I'm gladly do that cause you where their when I need someone to cry on,  and I want to do what you've done to me" bahagya siyang natawa pero ramdam ko pa rin yung sakit sa pagtawa niya.

Asaan na yung Jake na kilala kong palangiti? Gusto kona ulit siyang makitang ngumiti... Sa akin.

"Last two weeks ago, I'm about to text you before the day where going to hang out. But suddenly Kath texted me, she want to see me. For that moment my world stop" tumawa pa ito ng mapakla kaya naman pinisil ko ang kamay niyang hawak ko. Lumingon naman siya sa akin kaya ginawaran ko siya ng magaan na ngiti. Telling him to continue, na kahit na anong mangyari hindi ko siya tatalikuran habang sinasabi niya yung mga hinanain niya sa buhay pag-ibig nito.

"It's hurts Ava, I've wait too long, too long that I forget about her. Masaya na ako nung hindi na siya pumapasok sa isip ko. Naging mesirable ako ng umalis siya sa buhay ko. But why now? Why not a years ago? I'm still waiting for her a year ago but now, I don't know. Silly right?" Nakatitig lang ako sa kanya. Sobrang sakit naman talagang ipagpalit, dahil napagdaanan kona din yan.

"Kahit na ayaw kong mapagod wala eh napagod ako, napagod ako sa kakahintay, napagod ako sa pananatili ng masasayang memories namin, napagod akong mahalin yung taong iniwan ako para lang sa kasikatan, pagod na pagod na ako kaya unti-unti ko siyang nakalimutan. Pero bakit ganon? Bumalik lang siya nagkanda gulo-gulo na ang utak ko. Hindi na ako nakapag-isip ng matino" tuluyan ng nahulog ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan. Tinakpan niya ang mukha niya para diko makita itong umiiyak.

Wala akong masabi at ito ang ayaw ko sa ugali ko, hindi ko alam kung bakit ba ako ganito. Wala tuloy akong masabi para pagaanin ang loob niya.  Napaka boba mo talaga Ava!

"Haha sorry ah napakahina ko kaya umiiyak ako ngayon. Wag mona lang akong tignan. Bakla na tuloy ako ngayon haha"pabiro nitong sabi sa kabila ng pag-iyak niya.

"Halika nga dito!"hinila ko siya palapit sa akin at niyakap ko siya nakapatong ang ulo ko sa balikat niya at ganon din ito sa akin.
"Hindi ka mahina alam mo yan napapatatag tayo ng mga problema natin na nakakapagpa-iyak sa atin. Kahit na sabihin mong wag kitang tignan, gagawin ko pa rin kasi ayokong tumalikod sa panahon na bagsak na bagsak kana.  Kasi ginawa mo din yun sa akin hindi ko to ginagawa kasi gusto kong suklian yung ginawa mo sa akin nung mga panahon na lugmok ako. Ginagawa ko to kasi ito ang gusto ko" humiwalay ako sa kanya at nagtitigan kami.

"At lalong lalo na hindi ka bakla dahil lang umiyak ka"ngumiti ako sa kanya at pinahid ko ang mga luha niya sa magkabilang pisnge. "Ang hot mo nga sa paningin ko habang umiiyak ka eh" biro ko sa kanya.  Natawa naman ito dahil sa sinabi ko.

"So kailangan kopang umiyak para mag mukha akong hot sa paningin mo ganon ba yun?"

Tumango ako habang nakangiti "parang ganon na nga pero hot ka naman sa paningin ko kahit na hindi ka umiyak eh" napakurap ito dahil sa sinabi ko. Huli na para magsisi ako dahil nasabi kona. Naging awkward tuloy yung pwesto namin. Ang lapit na pala ng mukha namin bat diko man lang napansin.

A Desolate Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon