Chapter 9

801 22 5
                                    

T I N

"Good Morning, dreei!!!"

Nagulat naman siya sa sigaw ko. Kaya nag-hi din siya. Naka topless siya ngayon, siguro kagabi pa siya naka topless.

"Kanina ka pa dyan, tin?" Sabi niya sa akin at tumayo na sa higaan niya.

Ngumiti naman ako at nag-kunwaring nag-iisip kung anong oras ako nagising.

"Almost 1 hour na din." Tumawa naman ako

Natatawa ako sa itsura niya eh.

"Hala sorry talaga." Sabi naman niya at lumabas na ng kwarto.

Bumaba na siya sa kitchen. Nagutom agad.

"Morning ate." Sabi niya siguro dun sa cook nila sa dorm.

Yun lang naman babae dun eh haha

Habang hinihintay ko siya may narinig akong "sino yan bro?" pero di ko maboses-an.

"Si Tin." Plain niyang sagot

"Hello tintin" sumilip naman si Aljun

"Hi!" Sigaw ko naman, akala mo di nagkita kagabi eh no

Maya maya ay nagsimula ng kumain si Andrei, nakalapag yung phone niya sa table.

"Uy kuya Kib." Dumating siguro si Kuya Kib

Galing yata siya sa dorm eh. Or nagkita sila ni Ate Des sa Razon. Kakauwi lang kasi ni Ate Des.

"Uy bro, sama kayo? Nagyaya si Des mag Palawan. G ba kayo?" Malinaw kong narining ang sinabi ni Kuya Kib.

"Sino sino tayo?" sabi naman ni Andrei

"Tanungin pa daw niya sila tin eh. Ikaw aljay, sama mo Andrea." Sabi ni Kuya Kib at umupo na sa tapat namin.

"Tin?" sabi naman ni Andrei

"Drei?"

"Nasabi na ba sayo ni Ate Des?" tumingin naman siya sa akin

"Di pa kami nagkikita ni Ate Des." sabi ko naman saka ko sinubo ang last bite ng bread na kinakain ko.

"Kung sasama si Tin, sasama ako." sabi naman ni Andrei kayla Kuya Kib

"Siyempre, matic na yan." Tumawa naman yung dalawa

"Basta tell us the details." Sabi naman ni drei kay kuya kib.

- - - - - - - -

One week after nung mag-kayayaan sa Palawan. Paalis kami ngayon ni Andrei dahil uuwi daw siya sa Quezon, kukuha daw siya ng ilang gamit niya. Since hindi nga planado yung lakad namin.

"Tin!" Sigaw naman ni Ate Duki sa akin

Nasa taas kasi ako inaayos ko pa yung dadalhin kong bag.

"Pasok drei." Rinig ko naman na sinabi ni Mich

7am palang ngayon kaya tatlo palang kaming gising. Nagulat ako nung biglang lumingon si May sa akin.

Kakagising lang din pala.

"San ka pupunta, tin?" sinabi ko naman sa kanya kung saan at bakit kami pupunta ni Andrei sa Lucban.

"Ingat kayo tin." Sabi naman ni May at natulog na ulit.

Bago ako bumaba tinignan ko muna sa mirror kung anong itsura ko with my plain white short & stripes shirt.

Almost Is Never Enough (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon