Chapter 57

334 17 5
                                    

A N D R E I

Pag-labas ko ng Airport, bumalot sa buong katawam ko yung init at usok mula sa mga sasakyan.

Naka-long sleeves pa naman ako.

Hindi ko naisip na sa Manila na nga pala ako pupunta.

Ang lamig kasi sa Canada eh, pati ako nanlamig na.

Calling Aljun....

"Saan ka na?" Bungad ko sa kanya.

"Nandito na ako sa Gate 5, dalian mo baka sitahin ako ng guard dito." Tinignan ko naman kung nasaan ako.

Pagtingin ko sa bandaang taas, Gate 7.

"Sige, papunta na ako diyan." Sabi ko sa kanya at binaba ko na yung call.

Naglakad ako dala dala ang luggage ko.

"Drei!" Sabi ni Aljun sa akin habang nakasilip sa window ng sasakyan niya.

Hindi ko namalayan na wala pala ako sa sarili ko.

"Kamusta?" Sabi ko sa kanya paglapit ko sa sasakyan niya.

Bumaba naman siya at tinulungan akong ilagay ang maleta ko sa compartment niya.

"Ikaw ang kamusta, tulala ka." Sabi niya sa akin habang naka ngisi.

"Madami lang akong iniisip, ano ka ba." Sabi ko sa kanya habang sinusuot ko yung seatbelt ko.

Inatras na niya yung sasakyan niya at tuluyan na kaming umalis ng Airport.

"Ano nangyari?" Sabi ni Aljun sa akin pagkatapos niyang ibaba ang handbreak ng sasakyan niya.

Pag tingin ko sa traffic light, naka red.

"Hindi ko din alam." Sabi ko sa kanya habang nakatingin sa mga bilang.

Bilang sa tabi ng traffic light.

"Anong hindi mo alam? Siraulo ka ba?" Sabi lang niya sa akin tapos natawa siya.

"Masyado pang magulo, jay. Ayoko munang isipin yun." Sabi ko sa kanya bago ako sumulyap sa labas.

"Eh ano ba kasing nangyari? The last time na tinawagan kita, sabi mo all good naman kayo." Sabi niya sa akin.

All good naman talaga eh? Ano bang nangyari?

Nagsisimula na naman akong mag-isip ng kung ano. At nagsisimula na naman akong pagsisihan lahat ng mga desisyon kong padalos-dalos.

"Bakit ka ba umalis dun? akala ko ba pag-uwi mo dito, kasama mo na siya?" Sabi niya sa habang nakatingin pa din sa akin.

"Akala ko din, jay eh." Sabi ko lang sa kanya.

"Wag mong sabihin sa akin na suko ka na kay tin? Andrei 4 years na kayo, ngayon ka pa ba susuko?" Sabi niya sa akin nang may diin sa boses niya.

This is what I really like about aljun, kapag sa mga ganitong bagay you can always count on him.

"Kung kelan ilang buwan nalang, graduate na siya." Napaisip naman siya.

"Ayoko lang makaistorbo, jay." Simpleng sagot ko.

"Andrei, istorbo? Seryoso ka ba?" Sabi niya sa akin habang tumatawa siya.

"Kahit kailan hindi ka naging istorbo kay, Tin." Sabi niya sa akin.

Ilang segundo nalang natitira bago mag-green yung traffic light pero hindi ko pa rin makuha yung punto ni Aljun.

Almost Is Never Enough (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon