Chapter 70

494 17 10
                                    

T I N

Nagising ako dahil sa ingay na naririnig ko.

"Doc!" Sigaw ng isang babae.

Naririnig ko ko yung mga iyak mula sa likuran ko.

"Doc!" Sigaw nila ulit.

Binuksan ko yung mata ko at napatingin ako kay Andrei.

Maputi na yung labi niya.

Hinawakan ko siya.

Ang lamig na ng kamay niya.

Napatingin agad ako sa Cardiac Monitor niya.

Nanlamig yung buong katawan ko.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig, literally.

I saw a 3 straight lines.

This can't be.

Napatayo ako tapos hinawakan ko siya.

"Andrei!" Tinapik tapik ko siya.

Walang response.

"Love!" Inulit ko pero wala.

"Tita anong nangyayari?" Sabi ko nalang sa kanila.

Hindi ko na alam gagawin ko.

Hindi, 'di pwede 'to.

"Tin." Nilapitan ako ni Aljun kasi napaupo nalang ako sa sahig.

"Tin, wala na si Andrei." Sabi niya sa akin.

"Hindi, jay. Hindi pwede 'to." Sabi ko at nagpumilit akong lumapit sa kanya.

"Excuse me, sa labas po muna tayo." Sabi nung nurse sa akin.

Pero wala akong pakialam.

Kailangan ko si Andrei at kailangan niya ako.

Hindi.

Hindi nangyayari 'to.

Buhay si Andrei!

Inatras ako ni Aljun sa may pinto habang lahat kami nakatingin na sa kanya habang sinusubukan siyang i-revive.

"Kuya andrei." Rinig kong bulungan ng mga kapatid ni Andrei

Iyak sila ng iyak.

Too early, love.

It's too early.

"Shit, andrei." Rinig kong sabi ni Ate Des.

Nakita ko din na halos lahat sila umiiyak lalo na si Aljun.

"1, 2 & 3. Clear!" Ilang beses siyang sinubukang i-revive pero walang nangyayari sa kanya.

Hindi na siya nagreresponse.

Kitang kita ko kung paano binawi ni Lord yung buhay ni Andrei.

"Hindi! Hindi pwedeng mamatay si Andrei!" Sigaw ko at hanggang ngayon nagpupumilit pa rin akong lumapit sa kanya.

"Shhh tin." Sabi lang niya sa akin.

Iyak ng iyak sila Tita Lalaine at Tito Noel.

Pinapaypayan na ako nila Michelle.

Parang anytime, hihimatayin na din ako.

Hindi ko na kaya.

Andrei, gising.

Lumaban ka.

Sabi mo di ba lalaban ka, di ba?

"Time of death. 9:15am." Nabingi ako after banggitin yan nung Doctor.

Almost Is Never Enough (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon