Chapter 36

380 19 0
                                    

A N D R E I

If you will ask me kung anong stand ko about what happened. For me, it's okay. Mas pipiliin ko na piliin ni Tin yung dreams niya.

Pangarap na niya yun, bago pa ako dumating.

Bakit naman kasi ngayon ka lang, Andrei?

"Andrei, halika na." Sabi ni Tin sa akin habang nag-aayos ng damit niya.

Hindi ko din masisisi si Tin kung pipiliin niya yun. I'm still after Tin's success.

"Drei." Tawag niyang muli.

Tumayo ako at nilapitan ko siya at niyakap ko siya ng sobrang higpit.

Nakakawala ng stress yung mga yakap niya.

"It's okay, Andrei. Magbabago pa isip nila." Naramdaman ko naman na nababasa yung damit ko sa may bandang balikat.

She's crying.

"Okay lang naman eh." Natawa ako ng bahagya habang magkayakap pa din kami.

Pangiti-ngiti lang ako pero sobrang bigat na ng dinadala ko.

"It's your dreams." Dugtong ko pa.

Pinipilit kong maging masaya sa kabila ng lahat ng nangyayari ngayon.

Ayoko na magdalawang isip siya na piliin yung pangarap niya. Ayoko.

"Hindi, Andrei. Hindi." Pagpilit niya sa akin.

Naluha nalang din ako pero hindi ko ipinaramdam kay Tin.

"Gagawa ako ng paraan." Sabi niya bago siya tuluyang kumalas sa mga bisig ko.

Hinawakan ko siya sa mukha gamit yung dalawa kong kamay. Habang nakatingin siya sa mga mata ko.

Nilapit namin ang mukha namin sa isa't-isa hanggang sa hinalikan ako ni Tin sa mga labi ko.

Umiiyak siya habang mariin niya akong hinahalikan.

"Tin." Sabi ko at kumalas sa mga halik niya.

"I love you, Tin." Sabi ko at niyakap siyang muli.

"Please stay, tin." Sabi ko at muli siyang naluha na naman.

Mahal ko si Tin, hindi ko kayang mahiwalay siya sa akin. Pero ayoko naman maging hadlang sa mga pangarap niya.

Maybe, eto na yung challenge sa relasyon namin. And I will wait for Tin, hihintayin ko siya.

Maghihintay ako sa pagbabalik niya.

Dahil sa kanya ko lang naramdaman yung happiness na matagal ko ng hinahanap sa iba.

Can't let go of Tin.

Almost Is Never Enough (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon