Chapter 58

343 25 10
                                    

T I N

Habang nag-aayos ako ng sarili ko sa harap ng salamin.

Nagulat ako ng biglang nag-ring phone ko.

Tumakbo agad ako sa phone ko na nakapatong sa study table ko.

Pag tingin ko, it's aljun.

Bakit kaya napatawag 'to?

Naka ilang ring pa bago ko ito sagutin.

Is something came up?

"Hello?" Bungad niya

"Oh hi aljun! Napatawag ka?" Tanong ko sa kanya habang nasa balikat ko yung phone ko.

I'll be late if hindi ako kikilos.

"Tin, nakauwi na ba si Andrei?" Tanong niya sa akin.

Hindi ba dapat sa kanya ko tanungin yan?

"Supposedly, kahapon pa dapat siya nandiyan." Napatigil ako sa ginagawa ko.

May nangyari ba?

"Ah sige tin, salamat!" Ibaba na sana niya ng biglang nagsalita ako ulit.

"Aljun, is Andrei okay?" Ilang segundo din bago siya magsalita.

"Magkikita kasi kami ngayon tin, puntahan ko nalang siya sa unit." Sabi niya and super relief yung feeling.

He's okay.

"Okay, hindi pa rin kasi siya sumasagot sa messages ko since kahapon." Sabi ko lang sa kanya.

"Ah, baka ano. Baka tulog pa may jetlag yata. Sige tin, got to go." Sabi nalang niya at pinatay na ang call.

Ano nangyayari kay Aljun?

Nagpatuloy ako sa ginagawa ko at hindi ko nalang inisip yung sinabi ni Aljun.

Focus, tin. Focus

- - - - - -

A L J U N

Bumalik lang ako sa sarili ko nung binaba ko na yung tawag ko kay Tin.

Hindi niya pwedeng malaman yung lagay ni Andrei ngayon, lalo na't gustong gusto ni Andrei na mag-focus siya sa pag-aaral niya.

Sorry, tin.

Bumaba ako ng sasakyan ko at kumuha ako ng ilang plies na pwede kong gamitin sa pagsira ng doorknob ni Andrei.

Pag-akyat ko sa unit niya, hindi ko na pinatagal pa at sinira ko na.

I'm trying to be quiet as possible.

Alam kong mali 'to, pero nag-aalala talaga ako kay Andrei.

"Shit!" Malas.

Unang try ko, nasugat agad ako.

Naka ilang beses kong tinry at finally, natanggal ko na yung doorknob niya.

Kinapa ko yung 2nd lock at thank god, hindi niya ito ni-lock.

Pagpasok ko sa unit niya sobrang dilim, walang ilaw.

"Andrei." Natatakot ako ngayon.

Natatakot ako sa pwede kong datnan kay ndrei.

Lumapit ako sa switch ng ilaw niya at bumukas eto. Pero walang bakas ni Andrei dito.

Sinilip ko sa cr, walang andrei.

Sa Kitchen, wala din.

Oh shoot!

Binuksan ko yung door sa kwarto niya at bungad sa akin ang ilaw na nagmumula sa side lamp niya.

Almost Is Never Enough (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon