Chapter 27

538 13 0
                                    

T I N

After our F2 training, dumiretso na agad ako sa dorm.

"Sana all, may flowers." Sabi naman ni Mich pagpasok namin sa dorm.

"Wow nagsalita ang successful sa lovelife." Biro ko naman sa kanya

Dumiretso ako sa room at nagpahinga sandali bago ako mag-banlaw.

"Tin may team dinner daw mamayang 6pm." Sabi ni Aduke na kakapasok lang sa room namin ni May.

"Ha? Parang wala namang nabanggit si Coach?"

"Meron, tin. Hindi ka nakikinig." Sabat naman ni May sa usapan namin

"Okay, I'll prepare later maaga pa naman." Sabi ko naman at bumalik na sa pagkakahiga.

"Anong maaga? 10 mins before 1pm na, tin." Sabi na naman ni May.

Lumabas na si Aduke at narinig ko siyang sinabihan ang team ng...

"Prepare na kayo guys."

As fas as I remember, wala talagang sinabi si Coach na may team dinner ang F2 🤔

Am I spacing out kanina?

It's 4:30 pm now and super aligaga ng teammates ko sa dorm. I'm wearing pants & polo.

Nakita ko naman na bumulong si Mich kay Aduke. Then biglang hinarap ako ni Aduke.

"Tin! Ano ba yang suot mo? Mas gwapo ka pa kay Coach Ramil niyan eh." Nagulat naman ako.

Ano ba? Eh ganito naman talaga ako magsuot.

Halos lahat kasi sila naka dress and formal outfit with heels.

"Tara nga pahihiramin kita ng damit." Hinila naman ako ni Aduke sa room niya.

Pagdating namin dun.

"Okay naman 'tong suot ko. Ganito naman ako manamit kapag may team dinner." Inis na sabi ko kay Aduke.

"Ay nako tin, you'll thank me later." Sabi niya habang naghahanap ng damit ko.

And now I'm wearing a white halter top with pastel purple silk skirt. Jusko. Ano ba 'tong ginagawa ni Aduke sa akin.

Maya maya ay inilabas niya yung make up niya and nilagyan ako ng blush at eyebrow.

"There you go." Sabi ni Aduke

"Thanks." Simple kong sagot sa kanya.

Pagbaba namin ng sa living area nakita ko si Ate Des naka-ayos din.

Wow wala sa training kanina pero present sa team dinner, iba din.

"Wow tin! Dalaga ka na." Sigaw naman ni Ate Des kaya napatingin sila lahat sa akin.

"Hala tao na si ate tin." Sabi naman ni Jolina

"Ang ganda mo tin!" Sabi naman ni Mich pagbaba ko umupo ako sa sofa ng biglang lapitan ako ni Mich

Nilagyan niya ako ng clip sa isang side ng hair ko. I'm short hair di ba hehe :>

"Perfect!" Sabi naman ni Ate Des sa akin while looking sa outfit ko.

"May kulang." Sabi ni ate des.

Inabot naman niya sa akin yung isang paperbag ng Aldo.

"Tin, wear this." In-open ko naman yung paperbag and mukhang bago.

Atsaka bakit ako lang yung super naka-ayos sa kanila. Lahat sila naka white top though naka white top din ako pero ako lang yung exagerated na outfit.

Almost Is Never Enough (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon