04

580 35 16
                                    

Aera

Saktong pagtapos ng klase ay niligpit ko na agad mga gamit ko at mabilis na nilapitan si Hoshi. Mabuti nalang patayo palang sya sa upuan nya ng makalapit ako sa kanya.

"Hey!", bati ko at tinignan nya naman ako na parang isa lang akong basurang nakakalat. Sakit ha.

"Tara, gawin na natin yung project."

"Whatever."

Walang kaemo-emosyon nyang sabi at sinukbit na yung bag nya. Bakit ba ang cold ng lalaking to? Hays. Napangiti nalang ako at sabay na kami nagtungo sa library kung saan namin gagawin yung project.

Naupo na kami sa bakanteng lamesa dito sa loob ng library. Uupo na sana ako sa tabi nya pero bigla nyang nilagay yung bag nya dun sa bakanteng upuan sa tabi nya. Psh. Ang arte. Napabuntong hininga nalang ako sa lalaking to at sa tapat nya nalang naupo.

"Ano ba gagawin natin?"

"Well, sabi ni Mr. Park na either powerpoint or video presentation ang pwedeng gawin natin. Naisip ko na mag-powerpoint nalang tayo para mas madali."

Paliwanag ko habang nilalabas ko yung mga notes ko sa bag. Narinig ko ang malalim nyang paghinga.

"Fine."

Cold nyang sabi. Binuklat ko na yung notebook ko at namili na ng topic. Sabi kasi ni Mr. Park na kahit anong topic daw basta yung napag-aralan na namin.

"Anong gusto mong topic?"

"Wala."

Matipid nyang sagot, dahilan para mapatingin ako sa kanya. Nakita ko syang nagsusuot ng earphones.

"Anong wala?"

Tanong ko at tinignan nya lang ako. Pinipigilan ko lang wag maibato tong notebook sa pagmumukha nya. Napabuntong hininga nalang ako sa kanya.

"Ok fine. Ako na mamimili ng topic."

Sabi ko at napailing-iling nalang. Ng makapili na ako ng topic ay sinabi ko na sa kanya. Inexplain ko sa kanya yung gagawin namin at tahimik lang sya habang nakikinig sa akin. Habang pinapaliwanag ko ay di ko naman maiwasan madistract sa mga mata nyang nakatingin sa akin. Bakit ba kasi ang ganda ng mata netong lalaking to?

"N-na gets mo?"

Tanong ko ng matapos na akong magpaliwanag. Tumango nalang sya. Tumayo na ako at naghanap na ng libro na related dun sa topic namin. Ng makahanap ako ay bumalik na ako sa pwesto namin.

"Eto, may naha–"

Natigilan ako ng makita kong humarap sa akin si Hoshi. Parang biglang bumagal ang pag-ikot ng mundo ng mapatingin sya sa akin.

Pota bakit mukha syang vampire sa anggulong yan?! Napailing-iling ako at naupo na ulit sa upuan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pota bakit mukha syang vampire sa anggulong yan?! Napailing-iling ako at naupo na ulit sa upuan. Nagtaka nalang ako ng maramdaman ko ang pagbilis nitong tibok ng puso ko.

"M-may nahanap akong libro na related sa topic natin."

Sinubukan kong magsalita at muling tumango nalang si Hoshi at kinuha yung libro. Muli akong napatingin sa kanya at nakitang pinagmamasdan nya yung libro. Bakit ang gwapo nito? Psh. Gwapo nga pero ang cold naman.

PARTNERS. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon