— Aera
Sabado ngayon at wala kaming klase. Since wala naman masyadong pinapagawa sa akin sila mama ay ginawa ko nalang yung project namin ni Hoshi.
Habang tinatype ko na yung mga nasulat ko sa laptop, bigla ko nalang naalala yung nalaman ko kahapon. Hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala na yung ex ni Hoshi ang girlfriend ni Joshua. Naalala ko rin yung araw kung san nakita kong nag-uusap sina Hoshi at si Diane.
Naguguluhan na ako. Andaming pwedeng posibleng mangyari sa oras na malaman ni Hoshi. Dapat hindi malaman ni Hoshi to. At baka madamay pa si Joshua na walang kamalay-malay.
Natauhan ako ng marinig ko ang pagtunog ng cellphone ko. Pagkakuha ko ay di ko alam kung bakit bigla nalang bumilis tong tibok ng puso ko ng makita kong nagmessage sa akin si Hoshi. Agad ko binasa yung message nya.
•·················•·················•
10:30 am
Hoshi
ginagawa mo ba yung project?Aera
yup. why? :]Hoshi
do you need my help?Hoshi
i can come over if you want to.•·················•·················•
Bakit parehas silang englishero ni Joshua? But, that doesn't matter. Mas lalong bumilis tong tibok ng puso ko. Dahil dun di tuloy ako makaisip ng irereply sa kanya. Di ko alam kung papapuntahin ko ba sya dito o ano. Baka kasi kung ano isipin nila mama. Hay nako.
•·················•·················•
Aera
umm magkita nalang tayoHoshi
saan?Aera
dun sa cafe malapit sa school?Hoshi
kHoshi logged off
•·················•·················•
Tumayo na ako para makapag-bihis na. Di ko alam bakit hanggang ngayon ang bilis pa din ng tibok ng puso ko. Nagsuot nalang ako ng plain white shirt tsaka black ripped jeans. Inilagay ko na yung laptop sa bag at nagpaalam na kila mama.
Lumabas na ako at naglakad nalang ako papunta sa cafe na yun. Para di na rin ako gumastos pa. Ng makarating na ako sa cafe ay iginala ko tingin ko sa paligid para tignan kung nandito na si Hoshi. Ng makita kong wala pa sya ay napahinga nalang ako ng malalim at naghanap na ng mauupuan.
May nakita akong bakanteng pwesto sa may dulo katabi ng bintana kaya dun ko nalang naisipang maupo. Ng makaupo na ako ay nilabas ko na agad yung laptop at pinagpatuloy yung aking ginagawa.
Halos ilang minuto na ako nagtatype at hanggang ngayon hindi pa rin dumadating si Hoshi. Tumigil muna ako saglit dahil medyo nagmamanhid na rin tong daliri ko kakatype. Nag-unat-unat ako at isinandal yung likod ko sa upuan ko. Titignan ko na sana yung mga natype ko ng biglang may napansin ako na may naglagay na milkshake sa gilid.
Nagtataka naman akong napatingin dun sa milkshake at napatingala. At halos bumilis nanaman tong tibok ng puso ko ng makita ko na si Hoshi na syang naglagay nung milkshake na iyon.
"Para san–"
"Para sa'yo yan."
He said and took a sip of his drink while looking at me straight in the eye. Dahil dun, mas lalong nagwala tong puso ko. Naupo na si Hoshi sa upuan sa tapat ko at nakuha nya naman yung atensyon ng mga babae na nakaupo sa kabilang lamesa.
Saglit akong natulala kay Hoshi. Sya na ata ang pinaka-gwapong nilalang na nakilala ko.
BINABASA MO ANG
PARTNERS.
Random" hey, ikaw daw partner ko para sa project. " " so? " + svt series #1 + photo used for the cover is from tumblr. ctto.