66

464 22 5
                                    

Aera

wednesday ; 12:00 pm

"Oo nga pala, chinat nga pala ako ni Diane kagabi."

Sabi ko kay Hoshi. Natigilan naman kumain si Hoshi at napatingin sa akin.

"Anong sinabi nya sayo?"

"Nag-sorry lang sya, yun lang."

Sabi ko at tumango-tango nalang sya tsaka nagpatuloy kumain. Lunch time na namin at naisipan namin na dito kami kumain sa may school garden. Wala lang ang ganda kasi dito tsaka nakakarelax. Sa mga oras na yun ay bigla kong naalala yung unang chat namin ni Hoshi. Dahil dun, di ko na napigilan pang mapangiti at napansin naman ni Hoshi kaya naman napakunot yung noo nya.

"Bakit ka ngumingiti?"

Nagtataka nyang tanong sa akin. Humarap ako sa kanya at dahan-dahan umiling.

"Hm, wala lang. Naalala ko lang yung unang chat natin."

Sabi ko.

"Yung sinabi mong mag-partners tayo?"

Sabi naman ni Hoshi at tumango naman ako. Maging sya ay napangiti rin.

"Di ko akalain na dun nagsimula ang lahat."

"Ako nga rin eh. Paano kaya kung hindi tayo maging partners?"

Tanong ko sa kanya at saglit naman sya nag-isip.

"Edi hindi mangyayari lahat ng to."

Sabi nya at ganyan na ganyan rin yung sinabi ko nun. Kung hindi kami ang naging mag-partners ni Hoshi, hindi mangyayari lahat ng ito. Hindi kami makakausap ng ganto.

Matapos nun ay nagkwentuhan pa ulit kami tungkol sa mga nangyari nun. Napapangiti at napapatawa nalang kami. Sa mga oras na yun, ramdam na ramdam ko ang mabilis na tibok ng aking puso sa tuwing ngumingiti si Hoshi. Ang cute nya kasi ngumiti.

Ng matapos na kami kumain ay niligpit na namin yung pinagkainan namin. Tumayo na kami at pinagpagan ang aming sarili. Sabay na kaming naglakad pabalik sa room pero bago kami makaalis ay may bigla nalang dumating na isang lalaki at babae na mukhang mas bata pa kesa sa amin.

"Hoy! Sabi nga ng teacher natin na ikaw ang partner ko eh para dun sa project!"

Pasigaw na sabi nung babae dun sa lalaki. Napabuntong hininga naman yung lalaki.

"So? Ano naman ngayon kung ikaw partner ko?"

"Aba syempre tumulong ka sa akin!"

Sabi nung babae at di ko naman maiwasan matawa dahil parang kami lang ni Hoshi yung babae tsaka yung lalaki. Nagkatinginan kami ni Hoshi at parehas natawa. Napailing-iling nalang sya at naglakad na kami pabalik sa room.

"Ganyan na ganyan tayo nun ah."

Natatawang sabi ni Hoshi at bahagyang siniko tong braso ko at natawa nalang ulit ako. Sobrang thankful ko talaga na dumating yung araw na yun.

•·················•·················

Ng matapos ang klase ay niligpit ko na mga gamit ko at isinukbit na ang aking bag. Lumapit na sa akin si Hoshi at sabay na kaming naglakad palabas ng room. Ng makalabas na kami sa room ay nakita namin sila Joshua tsaka si Diane.

"Aera! Hoshi!"

Tawag ni Joshua ng makita nya kami. Nagkatinginan naman kami ni Hoshi bago maglakad papalapit sa kanila.

PARTNERS. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon